Isang kakaibang hangin ang nararamdaman niyang pumalibot sa kanya. Nararamdaman niya ang lamig mula dito. Hindi niya maiwasang hindi yakapin ang sarili.
Isang kakaibang liwanag ang napansin niya sa kabilang bahagi ng shelf, isang bagay ang lumiliwanag. Napako ang tingin niya sa bagay na iyon.
Nagsimulang humakbang ang kanyang mga paa papalapit sa shelf na iyon.
'Awit, naririnig ko ang mga umaawit!'
Habang papalapit siya ay maslumalakas pa ang awit sa kanyang tenga.
Kusang huminto naman ang kanyang mga paa ng makalapit siya sa shelf. Isang luma at makapal na libro ang lumiliwanag sa harapan niya. May kung anong mga letra ang kumikinang. Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang kamay sa aklat.
Isang malamig at ma-init na pakiramdam ang pumalibot sa kanyang katawan habang hawak hawak niya ang libro. Bumukas pa ito habang animo'y lumulutang sa hangin ang bawat letra. Mahina niyang binabanggit ang bawat letra hangang sa makabuo siya ng isang salita.
'LEMNISCATA'
"Anong nangyari sayo Nazar?" tanong ni Castor
Madumi at puro galos ang katawan ni Nazar nun dumating ito sa kweba. Sa itsura nito para itong nakipaglaban kung kanino.
"Mukhang name-miss na ako ng aking Ama.. ipinahahanap na naman niya ako." Sabi lang nito
Naupo ito sa harap ng bukal, saka roon uminom ng tubig. Malamig ang tubig na naroon.
"Ilan sila?" tanong niya
Nagsmirked lang si Nazar. Naupo ito sa tabi ni Castor habang abala sa pagpupunas ng towel katawan nito.
"Tama ka Castor.."
Napalingon si Castor kay Nazar. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa apoy.
"Tama saan?"
"Ang nilalang na iyon ang tumulong sa akin. Kundi dahil sa kanya, malamang patay na ako." Sabi nito
"Ang werewolf? Siya baa ng sinasabi mo?"
Tumango si Nazar bilang pag sang ayon.
"Ang akala ko na isang kwentong matanda lang ay totoo pala. Nahawakan ko pa ang malambot at kulay puti nitong balahibo." Sabi ni Nazar habang nakatingin sa kamay niya
"Tinulungan ka ng lobo na iyon? Samantalang gusto niya akong patayin nun nagkita kami." Sabi ni Castor
"Hindi mo ba naaalala, mortal na magkaaway ang mga bampira at mga lobo."
Hindi na sumagot muli si Castor
"Ano yan?"
Naglalakad na sila ni Oceane pabalik sa kanilang dorm nun gabing iyon. Napansin niyang may makapal na libro na hawak ito.
"Ah, babasahin ko ito."
"Talaga?! Can I?"
Iniabot ni Oceane ang libro kay Zaiden. Bahagya niya itong binuklat ng mabilis sa bawat pahina. Ngunit wala siyang maintindihan sa kahit anong letra na naroon.
"Paano mo mababasa ito? Parang hindi naman ito normal na mga letra at words..."
Ngumiti lang si Oceane saka kinuha ang libro kay Zaiden. Bahagya naman nagulat ang binata.
"Ako na ang bahala dito Zai..."
Huminto si Oceane sa paglalakad, ganun din si Zaiden. Tumalikod na si Oceane. Doon lang napansin ni Zaiden na nasa harap nap ala sila ng kanikanilang mga silid sa dorm.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The Prophecy
FantasíaEretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pilar et inuska. Timera Aveska..... Lumiwanag ang itim na orb na halos parang nabulag na ang iba..... Ang lahat ay magbabalik sa simula, kung...
