Accompany Me

2.2K 48 2
                                    

'Wow'

Hindi maiwasan ni Oceane na mapanganga sa ganda ng lugar na iyon. Para siyang nasa ibang mundo, I mean sa ibang mundo naman talaga siya. Napangiti siya.

"You're cute!"

Napalingon siya sa katabing binata. Nakangiti ito sa kanya habang nakatitig. Pinamulahan siya ng mukha.

"Bakit ka nakatitig sa akin? May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya

"D' you know that you're cute?"sabi ng lalaki.

Hindi siya nakapagsalita, imbes ay pinamulahan siya ng mukha.

"Let's go?"

Tumango naman siya. Nagsimula silang maglakad. Hindi siya makapaniwala. Palingon lingon siya sa paligid. Maraming estudyante ang namimili sa Night Market.

"So, I think unahin natin ang parchment at quill."

Napalingon siya sa binata. Binabasa nito ang papel na hawak niya. Nagulat pa siya ng bigla itong lumingon sa kanya. Pinamulahan na naman siya ng mukha. Biglang iwas siya ng tingin sa binata.

Napangiti naman ito. "Tara Oceane doon tayo!"

Naglakad ito at sumunod naman ang dalaga. Pumasok sila sa isang tindahan. Halos mga gamit sa pag aaral ang makikita doon.

Napalingon siya sa binata, abala ito sa pagpili ng mga parchment at notebook sa di kalayuan. Napasulyap siya sa kabilang bahagi ng store, naroon ang binatang bampira. Mukhang namimili rin ito. Muli siyang lumingon kay Zaiden Alfiro,

"May napili ka na?"

Gulat na gulat na siya ng marinig ang malamig na boses malapit sa kanyang tenga. Napalingon siya. Nakatayo sa likuran niya ang batang bampira.

"Magugulatin ka talaga noh?" sabi nito

"Pwede ba..." inisnab niya ang binata

Narinig niyang nagsmirked ito. Isang quill ang iniabot nito sa kanya.

"Heto, maganda ang isang ito." Sabi nito

Kinuha niya ang quill. Pagkatapos ay tumingin ito sa likuran niya, napalingon rin siya. Nakangiting papalapit sa kanila si Zaiden. Muli siyang lumingon sa bampira, ngunit wala na ito. Lumingon lingon pa siya sa paligid, mukhang nakaalis na ito.

"Nakapili ka na?" tanong ni Alfiro paglapit sa kanya

Tumango naman siya. Makalipas ang ilang oras natapos sila sa pamimili ng mga kailangan nila. Naglalakd na sila pabalik sa Acedemy.

"Wala ba tayo nakalimutan Zaiden?" tanong niya

Lumingon sa kanya ang lalaki.

"Ha? Parang okay na naman ang lahat. Nabili natin." Sabi naman nito

"Yun wand natin, wala tayo binili na wand." Sabi niya

Lumingon sa kanya si Zaiden, ngumiti pagkatapos ay inalis rin nito ang tingin sa kanya.

"Self-create yun wand natin." Sabi naman nito

"Self create?"

"Yeah, tayo ang gagawa, diba ang cool!" sabi pa nito

Bahagya naman siyang napangiti. Mukhang magiging close nga sila ng binatang lalaki.

Sa gitna ng gubat malapit sa lawa sila naupo ni Alfiro. Bilog ang buwan kaya naman maliwanag ang paligid, maliban sa mga fairies na nagkalat sa buong kagubatan.

"Anong gagawin natin dito?"

Sinundo siya ng lalaki sa kanyang silid bago mag eve of full moon. Napag usapan nila ito matapos nilang mamili sa night market.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon