Malapit na maghating gabi ng bumalik si Castor sa dormitory, gulat na gulat si Castor ng makadungaw siya sa bintana ng kanyang silid.
"Nazar?!"
Napalingon naman si Nazar sa kanya. May kung anong mahika itong ginagawa. Nakaharap ito sa plangana na may tubig. Nakatitig ito kanina sa bagay na iyon, ni hindi nga nito napansin ang pagdating niya. Sa tingin niya walang depensa si Nazar ng mga sandaling iyomn. Kung may kalaban na darating, malamang ay napahamak na ito.
Nilapitan niya ang kanyang ama amahan. Naupo rin siya sa tabi nito, sa may gilid ng kama niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Castor, siya ang anak ko... siya ang anak ko..."
Maluha luha pa si NAzar habang sinasabi kay Castor ang bagay na iyon. Napatingin naman si Castor sa kumikinang sa harapan niya.
NAkikita niya sa tubig ang isang batang babae habang nakaupo sa kama at may binabasa na libro. Kilalang kilala niya ang babae na iyon.
"Castor, siya ang aking anak.. natatandaan mo ba yun babae na tinulungan natin noon sa kweba?Siya iyon.. siya iyon."
May himig na saya si Nazar habang ikinukwento iyon.
'Alam na niya ang totoo? Sinabi ba ni Miranda sa kanya?'
"Alam ko Castor, kahit ako ay hindi makapaniwala nun sinabi sa akin ni Miranda." Sabi pa ni Nazar
Tumayo si NAzar, hindi ito mapakali. Masayang masaya ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang masayang mukha ni NAzar. NAupo si Nazar sa tabi niya, hinawakan ang dalawang balikat ni Castor.
"Gusto ko siyang makilala Castor.." sabi ni Nazar
"S-sigurado ka ba NAzar? Gusto mong magpakilala sa kanya?" tanong ni Castor
"Oo naman gusto ko.. alam mo kung ano ang mga pinagdaanan ko makita lang ang aking anak.." sabi naman ni Nazar
"Nazar, alam kong masaya ka ngunit kailangan mo muna magtiis..."
"Mag tiis?" sabi ni Nazar. Inalis nito ang kamay sa balikat ni Castor. "Alam mob a ang sinasabi mo Castor? Ang buong akala ko naiintindihan moa ng nararamdaman ko dahil alam mo lahat ng pinag daanan ko."
"Naiintindihan ko Nazar, pero, bibiglain mo siya. Sa tingin mo ba na matatanggap ka niya kaagad oras na sabihin mon a ikaw ang kanyangt ama?"
Natahimik si Nazar. Naupo ito sa kama.
"Kailangan muna natin siyang kaibiganin, ang mabuti pa imbes na sabihin mo sa kanya kaagad ang totoo, kaibiganin mo siya."
NApatingin si Nazar kay Castor.
"Nakalimutan mon a ban a walang ibang nakakaalam na may anak kayo ni Miranda? Oras na may ibang makaalam, siguradong hindi hahayaan ng Dark Lord na mabuhay pa ang anak mo NAzar."
Huminga ng malalim si Nazar.
"Pareho kayo ni Miranda. Hindi nyo nga ako naiintindihan."
"Nazar, kilala mo ako. Hindi ako basta basta gumagawa ng desisyon na hindi ko muna pinag aaralan.. magtiwala ka naman sa akin."
Nakipagtitigan si Nazar kay Castor. Kailangan ni Castor na makumbinsi si Nazar na huwag ipaalam kay Oceane ang lahat.
"Tutulungan kita na makalapit kay Oceane, ngunit ipangako mo sa akin na hindi mo sasabihin ang lahat sa kanya."
Tumahimik si Nazar. Mukhang nag iisip.
"May problem ba?"
Napansin kasi ni Zaiden na tahimik si Oceane, mukhang malalim ang iniisip.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The Prophecy
FantasíaEretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pilar et inuska. Timera Aveska..... Lumiwanag ang itim na orb na halos parang nabulag na ang iba..... Ang lahat ay magbabalik sa simula, kung...
