Hindi mapalagay si Zaiden, simula nun makita niya ang babae ilang araw na ang nakakaraan, wala itong pinagbago. Tuwing magkikita sila,namamaga ang mata nito na para bang kagagaling sa sa pag iyak, malungkot ito atparang wala lagi sa sarili.
"Oceane.."
Napatingin sa kanya ang babae. Asa library sila ng gabing iyon para mag research ng homework nila.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya
Tumango naman ang babae, pagkatapos ay bahagyang ngumiti sakanya.
"Kanina pa kita kinakausap, hindi ka pala nakikinig. Tulala ka nanaman."
Seryosong nakatingin si Zaiden sa babae. Ang totoo nag-aalala na siya sa kalagayan nito. Walang siyang idea kung bakit nagbago biglaang babaeng gustong gusto niya.
"Ganun ba? H-hindi ko narinig, ulitin mo na lang.." sabinaman ni Oceane
Imbes na ulitin ang kanyang sinabi, hinawakan niya ang kamayni Oceane saka ngumiti siya sa babae. Ilang sandali pa ay tumunog na angmatandang orasan sa main building. Oras na para pumasok sa kanikanilang mga silid ang mga estudyante.
Sabay na naglalakad sa hallway ng dormitory nila sina Zaiden at Oceane. Kagaya ng nangyari kanina, tahimik lang si Oceane, ni hindi nga nito namalayan na hindi na siya kasabay maglakad. Huminto kasi siya habang patuloy lang ang babae sa kanyang paglalakad.
Huminga siya ng malalim saka tinawag si Oceane.
"Oceane.."
Huminto naman si Oceane na para bang nagulat. Lumingon lingon ito sa magkabilang tabi saka lumingon sa kanya.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ng babae
Ngumiti siya. Halika may ipapakita ako sayo.."
Naglakad naman ang babae papalapit sa kanya,.
"Ano iyon?" tanong nito
Tinitigan muna niya si Oceane saka ngumiti, hinawakan niya ang kamay nito saka hinila papalapit sa may bintana. Malaki iyon at bahagyang nakahawi ang kurtina para maliwanagan ng buwan ang buong sala sa loob ng kanilang dorm.
"Anong ipapakita mo?" tanong ulit ng babae
"Tingnan mo ang buwan..."
Lumingon naman ang babae sa bintana saka tumingin sa buwan.Bilog na bilog ito at malaki na para bang malapit lang sa kanila.
"Ang laki ng buwan, para bang.."
Sabi ni Oceane sabay itinaas nito ang kamay na para bang aabutin nito ang buwan. Napangiti siya.
"Sa ngayon walang masyadong stars..." sabi niya
"Oo nga kawawa naman ang buwan nag iisa.."
Napansin niyang nalungkot si Oceane. Ngumiti siya saka tumingin muli sa langit
"Sinong nagsabi na nag iisa ang buwan?"
"Hindi mo ba nakikita? Kahit maliwanag ang bilog na buwan naiyan, wala man lang stars na makikita."
"Eh anong tawag mo dun sa kumikinang na iyon?"
Kumunot ang noo ng babae saka muling pinagmasdan ang kalangitan.
"Oo nga noh, star nga iyon.. kaya lang hindi masyadong pansinin, hindi kasi siya maliwanag."
"Ikaw ang buwan Oceane.."
Napatingin sa kanya ang babae. "Huh? Ako? Buwan?"
Nagulat pa si Oceane ng bigla siyang hapitin ni Zaidenpapalapit sa kanya. Napasubsub siya sa dibdib ng lalaki. Nakayakap ang isang kamay nito sa pagitan ng kanyang batok at balikat. Ang isang kamay naman ay nakayakap sa kanyang beywang.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The Prophecy
FantasyEretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pilar et inuska. Timera Aveska..... Lumiwanag ang itim na orb na halos parang nabulag na ang iba..... Ang lahat ay magbabalik sa simula, kung...
