What is Love

525 18 2
                                        

"Daddy baka mapahamak si Zaiden sa iniisip ninyo.." sabi ni Justin

Hinarap siya ni Valkoor. Sa isang pribadong silid sa isang mamahaling bahay inuman naroon ang mag amang Alfiro. Sa ikatlong palapag sila ng bahay inuman na kung tawagin eh Wizard's Bar House, sikat ito sa sentro ng bayan. Halos mga kilala sa mundo nila ang nagpupunta roon, para itong isang membership restaurant, mayayaman at malalakas na Wizard ang kalimitan na makikita roon.

"Bakit may naiisip ka pa ba na paraan?"

"Bakit ayaw nyo na malaman ni Miranda na alam na natin na anak niya ang babaeng kinalolokohan ng kapatid ko?" tanong ni Justin

"Dahil hindi maari, dahil hindi pwede Justin.." sabi naman ni Valkoor

Habang pinagmamasdan ni Justin ang Ama, hindi niya maiwasang maawa. Mabuting wizard ang kanyang Ama, ngunit dahil sa utang na loob nito kay Baragor, hindi ito basta basta makakilos ng naayon sa kagustuhan niya.

Nilapitan ni Justin ang kanyang Ama, mukhang desperado na ito, marami na itong nainom.

"Ayaw magtiwala ni Miranda sa akin, hindi ko naman siya masisi ngunit gusto kong makabawi sa kanya." Sabi pa ni Valkoor

"Bakit hindi natin hanapin si Nazar para siya ang makausap natin?" suhesyon naman ni Justin

"Kagaya ni Miranda, wala na rin tiwala si Nazar sa akin." Sabi pa ni Valkoor

Tumahimik naman si Justin.

Kinabukasan, maagang bumaba papuntang dining area si Calin. Habang naglalakad siya, nakangiti siyang nakamasid sa mga estudyanteng naglalakad rin. May nakikita siyang magkahawak kamay, masayang nagkukwentuha habang naglalakad, lahat ng tao na makita niya nakangiti.

"Ang saya saya ng araw na ito..." sabi pa niya

Isang kakaibang aura ang naramdaman niya habang naglalakad siya, papalapit ang aura na iyon. Malakas na aura na gusting kumawala. Mabilis nilang ibinaling ang kanyang mga mata sa paghahanap ng nagmamay ari ng kakaibang aura na iyon.

Napako ang tingin niya sa dalawang estudyanteng masayang naglalakad habang nagkukuwentuhan. Ang lalaki ay nakahawak sa kamay ng babaeng kasama nito. Ang babae naman ay nabaling ang tingin sa kanya. Nag tama ang kanilang paningin.

'Ano itong nararamdaman ko... ang babaeng iyon...'

-----

"What's your business here dog?"

Napalingon siya sa nagsalita. ANg lalaking bampira na nakaharap niya ang nasa tabi niya.

"Dog?" maang na tanong niya

Nagsmirked ang lalaki, pagkatapos ay umiiling na iniwan siya. Mabilis itong naglakad at ilang sandal pa asa likuran na ito nun pinagmamasdan niyang dalawang estudyante kanina.

Napahawak siya sa dibdib niya, para na naman siyang aatakihin sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Kamusta Calin?"

Napalingon siya sa kanyang likuran. Ang Earth Guardian ay nakatayo sa kanyang likuran.

"Mamamatay na yata ako..." sabi niya

"Wala kang kamatayn Calin..." sabi lang nito

"Pero may nararamdaman ako na kakaiba, bago sa aking pakiramdam, natatakot ako." Sabi pa ni Calin

"Takot?" ulit na sabi ng Earth Guardian. " Tama baa ng aking narinig? Nakakaramdam ka ng takot?"

Sasagot pa sana si Calin ng biglang mag ring ang bell, ibig sabihin nun ay oras na ng agahan.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon