The Punishment

406 14 5
                                        

"Dad!"

Napalingon si Valkoor sa nagsalita sa kanyang likuran. Nakatayo sa may pintuan si Justin. Mabilis nitong nilapitan si Seven. Nagtago naman ang hob sa likod ni Justin habang magkahawak ang dalawang kamay nito at mukhang takot na takot.

"Alam mo ba ang ginawa ng Hob na yan?" galit na sabi ni Valkoor

Napansin ni Justin na nanggigigil sag alit ang kanyang Ama. Malamang ay napatay nito ang tapat na tagapaglingkod kung hindi siya dumating.

"Ano bang nangyari? Seven? Anong nangyari?" baling nito sa hob

Takot na takot pa rin ang hob. Hindi ito makapagsalita.

"Dad, anong nangyari?" tanong ni Justin sa Ama

"Nalinlang siya ng isa sa mga alagad ni Baragor." Inis na sabi ni Valkoor

"Ano?!" napalingon pa si Justin sa hob

"Isang Dark Wizard ang nagpanggap bilang ako, gumamit sila ng potion para magaya ang aking anyo at iyang hob na yan na aking pinagkakatiwalaan ay nalinlang ng isang potion.." galit na sabi ni Valkoor

"H---hindi ko sinasadya.. h---indi ko--- hindi kop o---- sinasadya Master Va---valkoor.."

"Huli na ang lahat Seven!" halos pa sigaw na sabi ni Valkoor

"Dad! Huminahon ha... si Seven ay hindi basta basta malilinlang......" bahagyang naupo si Justin para makausap si Seven ng kapantay niya

"M-master J-justin.."

"Hindi ako magagalit sayo Seven kung sasabihin mo ang totoong nangyari..."

Hinila pa ni Justin ang hob saka maayos na pinaupo sa sofa. Tahimik naman na nakatingin lang si Valkoor na hindi pa rin maalis ang galit sa kanilang tagapaglingkod.

FLASHBACK...

"Master Valkoor ano pong ginagawa ninyo rito sa labas?"
Tanong ni Seven ng gabing iyon.

Nakatayo sa labas ng gate ng kanilang mansion si Valkoor habang nakatanaw lamang sa malaking bahay.

"Ah ikaw pala.. kanina pa kita hinahanap hob.."

Nakaramdam ng kakaiba si Seven at bahaygyabng napaurong ito pabalik sa gate. Ang buong bahay kasi ng mga Alfiro ay protektado ng isang makalumang mahika at walang sinuman ang makakapasok roon unless ay payagan ng mismong may ari ng bahay.

"Bakit ka ganyan? Natatakot ka ba sa akin?"

"Hindi ikaw ang Master Valkoor.."

"Paano mo naman nasabi iyan? Hindi mo ba ako nakikilala?"

Umiling ang hob saka tuluyang ipinadlock ang gate.

"Kailan man ay hindi ako tinawag na hob ni Master Valkoor, kaya alam kong isa kang impostor.."

Narinig pa ni Seven ang bahagyang pagtawa nito, kapareho sa kanyang amo.

"Naririto lamang ako dahil ako ay didiretso sa opisina, kaya naman hindi ako tumuloy sa loob,Seven..." sabi pa ng lalaki

"Kilala mo ako... "

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon