Truth Hurts

394 13 5
                                    

Napalingon silang dalawa sa nagsalita. Nakatayo mula sa kanilang likuran si Nazar. Agad itong lumapit sa kanila at niyakap ang batang babae na katabi ni Castor, sumunod naman nitong niyakap si Castor. Bahagya paitong bumong sa lalaki.

"Salamat Castor at nahanap mo siya." Bulong ni Nazar

"Hindi ko siya nahanap Nazar.." bulong din ni Castor

Inalis ni Nazar ang pagkakayakap kay Castor. Kunot noo itongnakatingin sa binata. Bahagyang tumango si Castor. Napalingon naman siya sadalaga na nakayakap sa sarili.

"Giniginaw ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" tanong ni Nazar

Umiling naman ang babae. "Hindi po, mahaba pong kwento."

Hinubad ni Nazar ang suot niyang robe saka isinuot ito sadalaga. Bahagya naman nagulat ang dalaga.

"Tumawid na tayo sa portal.." anyaya ni Nazar.

Nagkatinginanan naman sina Castor at Oceane.

Mahimbing na natutulog ang dalaga sa kama na ginawa ni Nazarsa kanyang pansamantalang tirahan sa gubat. NAkatingin naman noon si Nazar sabatang babae mula sa di kalayuan habang abala sila ni Castor sa pagkukuwentuhansa totoong nangyari.

Naikwento naman ni Castor ang lahat kay Nazar, maging angstoryang sinabi ng madre mula sa ampunan.

"Galit siya sa amin ni Miranda dahil sa pag aakalanginabando namin siya." may himig na sakit ng kalooban ang sinabing iyon ni Nazar

"Matatanggap din niya ang lahat oras na magpakilala kayo niMiranda. Ikwento mo sa kanya ang nangyari, ang totoo, para maintindihan niyaang lahat." Sabi naman ni Castor

"Iyan nga ang plano ko, oras na magising siya ipagtatapat koang lahat ng dapat niyang malaman." Sabi naman ni Nazar

Napatingin si Castor sa natutulog na dalaga. Nag flashbacksa isip niya ang nangyari nun gabi bago sila umalis sa bahay ampunan.

"Yun sinasabi mo na liwanag na tumama sayo kaya ka napilitanna tumawid sa portal..."

"Aalamin ko kung sino ang may kakagawan nun. Sigurado ako namay motibo siya." Sabi naman ni Castor

"Mabuti pa nga. Sigurado rin ako na planado ang lahat,nagkataon lamang na ikaw ang nakakita sa anak ko at kinakailangan n iyanggumamit ng mahika para takutin ka at lituhin." Sabi naman ni Nazar.

"Ano nga pala ang plano mo sa kanya? Magsisimula na ulit angklase bukas.." sabi naman ni Castor

"Babalik siya sa Academy bukas matapos ko siyang makausap.."

"Kailangan mo ba ng tulong para kausapin siya?"

"Anak ko siya.. ano man ang sabihin niya sa akin tatanggapinko... basta malaman lang niya ang katotohanan na hindi siya inabando ng kahitsino."

"Ikaw ang bahala Nazar."

Nakatayo sa may bunganga ng kweba si Castor habang nakauponaman sa di kalayuan si Nazar nun magising si Oceane. Abala sa pagluluto si Nazar, hindi naman niya masabi ang ginagawa ni Castor. Nilapitan niya si Nazar.

"Thank you po sa tulong ninyo..." sabi niya

Napatingin si Nazar sa dalaga. Nakabalot ng blanket angkatawan nito. Mukhang ginaginaw ang babe.

"Nagugutom ka na ba? Sandali lang ikukuha kita ng pagkain."

Taranta naman na inasikaso ni Nazar ang batang bisita.Mainit na bowl ang ibinigay niya sa dalaga, may laman itong mainit na sabaw.Kasunod noon ay ang tinapay. Agad naman itong kibuna ng babae.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon