Friendship or Love

466 18 3
                                    

Hindi mapakali si Oceane ng mga sandaling iyon. Bigla siyang nakaramdam ng kung ano na hindi niya maipaliwanag ng basta basta. It is as if.. nasaktan siya.

Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ba affected ako sa sinabi ni Castor?

Huminga siya ng malalim, saka tiningnan ang bintana ng silid na kanilang tinutulugan ni Castor.

---

Mabilis na tumatakbo si Zaiden sa gubat, kasabay naman niya si Altheia habang lumilipad ito. Nagawa niyang makalabas ng silid ng makakuha ng wand si Altheia at makagawa ito ng paraan para maipasok sa loob ng silid ni Zaiden ang wand.

Tumigil sa pagtakbo si Zaiden, habol ang paghinga nito habang palingon lingon sa paligid. Mukhang may hinahanap, ilang sandali pa ay tumakbo muli ito. Hindi naman maintindihan ni Altheia ang inaasal ng kaibigan.

"Zaiden ayos ka lang ba? Kanina pa tayo dito paikot ikot sa gubat.." tanong ni Altheia

Hindi lumingon sa kanya si Zaiden. Imbes nagpatuloy ito sa pagtakbo at paghahanap ng kung ano sa gubat. Hindi na rin nagtanong pa si Altheia, mukhang seryoso si Zaiden sa ginagawa.

Napahinto lang sila ng makasalubong ang malaking lobo. Kulay dark brown ito. Nakatitig lang sa kanila.

"Ang .. ang laki niyan Zaiden... kakainin tayo niyan..." takot na sabi naman ni Altheia

Mukhang hindi naman ininda ni Zaiden ang halos 6 na talampakan na lobo na nasa harapan niya. Inilabas nito ang hawak na wand at itinutok iyon sa lobo.

Umurong din si Zaiden ng dahan- dahan. Maling kilos niya siguradong lalapain siya ng lobong iyon.

Merlin's sake.. abala pa ang lobong ito.. nasaan na kaya si Oceane? Ano kayang nangyari sa kanya?

Hindi pa man din siya nakakalayo sa kanyang unti unting pag atras, pumorma na ang lobo na susugod sa kanya. Mabilis niyang tinira ng spell ang malaking lobo. Tinamaan ito sa sa mukha at natumba, pagkakataon na niya iyon para makatakbo ng malayo.

Ngunit mabilis na nakatayo muli ang lobo at hinabol siya nito.

What the... saan kaya nanggaling ang malaking lobo na ito?

Ang mabilis niyang takbo pakiramdam niya ay hakbang lamang sa malaking lobo na iyon. Halos magkandarapa siya sa pagtakbo matakasan lamang ang lobo. Ngunit kagaya ng mga matutulin na bagay, humihinto ito pag nadadapa.

----

Abala sa paglilinis ng bahay ampunan ang mga bata. Katulong nila sina Oceane at Castor na siyang nagbubuhat ng mga gamit. She feels that something is off between them. Sa tuwing magtatama kasi ang kanilang paningin, umiiwas kaagad si Castor, pagkatapos ay lalayo.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ni Oceane

Nilapitan kasi niya ang lalaki nun buhatin nito ang cabinet kung saan nakapatong ang tv habang nagwawalis naman ng ilalim ng cabinet si Oceane.

"Bakit naman ako magagalit?" tanong din ni Castor

"Dahil sa nangyari ka...."

Ngumiti si Castor. "Ayos lang yon.."

"Para kasing iniiwasan mo ako.." sabi naman ni Oceane

"You knew what I feel Oceane.. I need to hunt." Sabi ni Castor

Hindi nagsalita si Oceane. Alam naman niya na hindi sapat ang konting dugo na naiinom nito mula sa kanyang labi.

"Kung kailangan natin makatawid sa kabilang mundo... ako na ang bahala." Sabi naman ni Oceane

Kumunot ang noo ng lalaki. "What do you mean?"

"Just trust me..." sabi lang ni Oceane

----

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon