Hindi makatulog si Castor ng gabing iyon. Tatlong araw pa ang kailangan nila itagal sa lugar na iyon. Kumilos siya at sa isang iglap katabi na siya ni Oceane. Walang kamalaylay ang dalaga na nakahiga na siya sa tabi nito, naka tagilid siya habang nakatitig sa mahimbing na natutulog na dalaga.
Habang nakatitig sa dalaga, nakaramdam siya ng uhaw. Kumilos siya muli at sa isang iglap ay nakatayo na siya sa labas ng silid habang nakahawak sa katawan ng puno na nakatanim roon.
'Kailangan ko kayanin.. kailangan ko magtiis.. konting araw na lang..'
Hindi naman mapakali si Nazar ng mga sandaling iyon. Ilang araw na mula ng mabalitaan nila na dinukot ang kanilang anak. Palihim na rin siyang nagbabantay sa mga gubat para makakuha ng kahit konting impormasyon Makita lang ang kanyang anak.
Halos di na rin lumalabas ng silid si Miranda, hindi kumakain. Ilang araw pa lang ang lumipas ngunit ang laki na ng ipinayat nito.
"Hindi maaring ganyan siya.." sabi ni Nazar
Nakatayo sila sa may pintuan. Katabi niya si Old Elf Alberich habang pinagmamasdan si Miranda na nakatayo sa harap ng bintana at tulalang nakatingin sa labas.
"Masyado siyang nag aalala sa anak niya. Huli ko siyang nakitang ganyan ay nun unang beses na mawala ang anak ninyo."
Habag na habag si Nazar sa asawa. Nilapitan niya ito saka niyakap mula sa likuran. Naramdaman pa niya ang kamay ni Miranda na humawak sa kanyang mga braso habang nakayakap siya dito.
"Mamaya babalik ako sa gubat... hindi ako titigil sa paghahanap sa anak natin..." sabi ni Nazar
"Sana makita na antin siya Nazar...." Simpleng sabi ni Miranda
Nakatingin naman si Old Elf sa mag asawa. Lihim ang pagtuloy ni Nazar sa kanyang nasasakupan. Hindi maaring may makaalam na angkikita sina Miranda at Nazar. Ang bawat kilos ni Nazar ay lihim din bilang pag iingat. Sa ngayon ay mukhang wala pang nakakaalam ng tungkol sa anak nina Miranda at Nazar.
--
"Anong ginagawa mo dito?"
Napalingon si Castor sa baba ng puno. Nakatayo roon si Oceane habang nakatingin sa kanya. Mabilis siyang tumalon pababa. Napalingon pa si Oceane sa paligid dahil sa ginawa niya.
"Dito ako nag stay kagabi..." sabi naman ni Castor
Hindi nagsalita si Oceane.Alam naman nito ang dahilan. Hindi maalis ni Oceane ang tingin sa lalaking katabi niya.
"Oceane hija, sasama ba kayo na mamili sa supermarket?" tanong ni Mother Superior
"Hindi po Sister, dito na lang po kami." Sabi naman ni Oceane
Nilapitan sila ng dalawang madre.
"Kung ganoon ay, maari mo bang bantayan muna ang mga bata?" tanong ng isa sa mga madre
"Aalis kasi kami para mamili ng ating pagkain sa supermarket, sina Sioneng at Elsa naman ay nagpunta sa bayan para kunin ang ipinatahing mga uniform ng mga bata para sa darating na pasukan." Sabi naman ng madre na masmatanda sa nauna
"Sige po, wala pong problema. Kami na po ang bahala."
"Mag iingat po kayo." Sabi lang ni Castor
Nang makaalis ang mga madre. Pumasok sa loob ng bahay ampunan sina Oceane at Castor. Naroon ang mga bata sa sala habang masayang naglalaro. Sila naman dalawa ay naupo sa sofa. Kumuha ng libro si Castor, siya naman ay di mapakali sa kanyang nararamdaman.
Paggising kasi niya mula kaninang umaga ay mainit na naman ang kanyang pakiramdam. Isang kakaibang tinig ang kanyang narinig mula sa kusina. Napalingon siya sa mga bata at kay Castor na abala sa kani kaniyang mga ginagawa. Mukhang siya lang ang nakakarinig ng tinig.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The Prophecy
FantasyEretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pilar et inuska. Timera Aveska..... Lumiwanag ang itim na orb na halos parang nabulag na ang iba..... Ang lahat ay magbabalik sa simula, kung...
