Normal World

438 17 0
                                    

Nagising si Castor dahil sa malamig na bagay na tumatama sa kanyang mukha. Nang idilat niya ang kanyang mata ay malakas ang ulan. Napansin din niya ang mabigat na bagay na yakap yakap niya.

'Oceane..'

Dahandahan siyang bumangon at maingat na binuhat ang wala pa rin malay na katawan ng dalaga. Isang abandonadong bahay ang nakita niya sa di kalayuan. Mabilis siyang pumasok sa loob noon.

Dahil nga sa abandonado na ang bahay na iyon at sira sira pa, walang ibang maisip na paraan si Castor para ihiga ang dalaga, ay isang karton ang kanyang inilatag doon. Maingat niyang inihiga ang dalaga.

Habang unti unti niyang inihihiga ang katawan ng dalaga, di niya maiwasang mapansin ang mga labi nito, halos isang pulgada na lang ang layo nito sa kanya. Napatingin din siya sa kabuoan ng mukha ng dalaga. Kahawig na kahawig ni Miranda ang hugis ng mukha nito.

Nang mailapag sa karton ang dalaga, tumayo siya saka tumingin sa paligid. Hindi niya kung anong mundo ang napasok nila dahil sa biglaan niyang pagtalon sa portal. Naalala niya ang nangyari.

'Saan nanggaling ang liwanag na tumama sa akin?'

 

Napahawak sa kanyang tagiliran si Castor, naramdaman na naman niya ang sakit ng kanyang tagiliran. Mula sa di kalayuan, may naririnig siyang kakaibang mga tunog, hindi pamilyar.


Maingay ang paligid ng magising si Oceane. DAhan dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Napabalikwas siya at napalingon sa paligid. Basang basa siya. Ang paligid ay madilim at mukhang bahay na inabando na. Napansin niya sa may pintuan si Castor, nakatayo ito. Napasulyap naman siya sa may bintana. Malakas ang ulan. Kaya pala maingay, dahil sa mga patak ng ulan sa bubong ng sira sirang bahay na iyon.

"Castor.."

Napalingon naman ang binata sa kanya at agad siyang nilapitan. Naupo ito sa harapan niya ngunit napangiwi ito.

"A-ayos ka lang?" tanong nito

Tumango naman si Oceane. Pagkatapos ay niyakap si Castor.

"Natakot ako kanina, akala ko mamamatay na ako.." umiiyak nitong sabi

"Relax, ligtas na tayo." Sabi naman ni Castor

Kumalas si Oceane sa kanya. Pinahid nito ang luha. Bahagya pa siyang natawa matapos nitong maalis ang kamay sa mukha. Ang dumi na mula sa karton na kinahihigaan ng dalaga ay gumuhit sa mukha nito.

"Bakit ka tumatawa?" tanong naman ng dalaga

Imbes na sumagot ay pinunit ni Castor ang laylayan ng kanyang damit saka pinunasan ang mukha ni Oceane.

'Bakit ganito? Pinupunasan ko lang ang mukha niya pero bumibilis ang tibok ng puso ko?'

 

"Castor.... Naiwan si Zaiden.."

Napatingin siya sa mata ng babae.

"Si Zaiden?"

"Kasama ko si Zaiden kanina nun inatake kami ng mga golems. Naiwan siya sa gubat nun kunin ako ng isa sa mga golems. Baka napahamak na siya... Castor hanapin natin siya." Sabi naman ni Oceane

"Malakas na wizard si Zaiden Alfiro, sinanay sila ng kanyang Ama sa pakikipaglaban. Siguradong ligtas na siya at hinahanap ka niya." Sabi naman ni castor na bahagyang lumayo sa dalaga.

 Naupo ito sa katapat na wall sa kinahihigaan ni Oceane. Sumandal pa ito doon.

"Kung ganoon, hanapin na natin siya, kailangan niya malaman na ligtas ako.. na iniligtas mo ako." Sabi naman ni Oceane

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon