Castor

651 18 2
                                    

Hindi mapakali ang mata si Zaiden, panay ang lingon niya sa paligid ganun din sina Nazar at Castor. Kailangan niyang mapatunayan na hindi ang kanyang Ama ang may plano nito, sinabi na ni Seven na may ibang Dark Wizard ang gusto siyang makuha.

Ako ba talaga ang kailangan nila?

Napatingin si Zaiden kay Nazar na abala sa pagmamasid sa paligid. Pagkatapos ay napatingin din siya sa kamay ni Nazarna mahigpit na nakahawak kay Oceane. Ang hawak ng isang Ama na pinoprotektahan ang anak.

Imposibleng ako.... Isa lang ang gusto nila, nagkataon lang namagkasama kami.. siya talaga ang gusto nila..

Isang itim na bagay ang biglang sumulpot sa harapan nila, nakamskara ito at nahawakan si Castor ngunti mabilis na nasuntok ni Castor ang sikmura nito kaya bigla ulit itong nawala.

"Ano iyon?" tanong ni Oceane

"Wag na wag kang bibitaw anak... sigurado akong ikaw ang pakay nila." Sabi ni Nazar

"Ako?" tanong ni Oceane
May apat pang itim na kung ano ang sumulpot sa harapan nila, napalingon si Oceane, nawala sa harapan nila sina Castor at Zaiden na nahawakan ng itim na bagay na iyon.

"Nawala sila.. nawala sila..." sabi ni Oceane

"Hindi anak, andun sila.." sabi ni Nazar

Napalingon si Oceane sa kaliwang bahagi nila, sa di kalayuan ay naroon nga sina Castor at Zaiden na nakikipaglaban na sag a itim na bagay na iyon.

"Reverta.."

Isang kulay green na liwanag ang biglang lumabas sa dulo ng wand ni Nazar. Bumagsak naman sa harapan nila ang animoy tela na iyon, pero ng mapansin ni Oceane ng malapitan ay tao pala iyon. Bahagya siyang napaurong, nakakatakot ang suot nitong mascara.

Isang mahaba at kulay itim na parang tela na lumulutang sa hangin ang biglang tumayo at sumugod sa kanilang mag ama. Agad siyang hila ni Nazar, niyakap siya ng ama saka iniwasan ang pag atake ng kalaban.

"Brisingir!"

Tumama ito sa itim na lumilipad na bagay na iyon. Muli nawala ito at tanging usok lang ang natira. Naramdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng kanyang Ama.

"P-papa saan tayo pupunta?!" tanong niya

"Kailangan natin na tumakas anak.. ikaw ang pakay nila..."

Hinihila siya ni Nazar ngunit pinipigilan niya, napalingon siya kina Castor at Zaiden na abala sa pakikipaglaban sa di kalayuan.

"Wag kang mag alala kay Castor, kaya niya ang mga iyan.. tayo na.." pilit ni Nazar

"Si Zaiden ang inaalala ko Papa.."
Natigilan si Nazar, napatingin siya sa anak nab akas sa mukha ang pag aalala sa batang Alfiro.

"Isa siyang Alfiro, kaya niya iyan.." sabi ni Nazar sabay hila sa anak

"Pero..."

"Wag na matigas ang ulo anak, baka makita ka pa niya..." sabi ni Nazar

"Makita po nino?"

Napilitan si Oceane na sumama sa Ama kahit pa nag aalala siya sa kasintahan.

Samantala, abala naman sina Zaiden at Castor sa iba pang kulay itim na lumilipad na bagay na iyon. Gamit ang wand na nakuha niya kanina sa mga Dark Wizards na nakalaban nila, isang malakas na spell ang ibinigay niya sa kalaban niya.

Ngunit mabilis na nakakaiwas ang mga ito sa bawat pagtira niya, dahil lumilipad na parang manipis na tela lang mabilis nitong naiiwasan ang bawat atake nila Castor at Zaiden.
Dahil sa napansin niyang mabilis na pag iwas ng mga kalaban nakaisip ng paraan si Zaiden para mawala ang ito.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon