Untold Prophesy

983 32 1
                                        

Malambot na kama, mainit at malambot na comforter.

'Ang sarap sa pakiramdam...!'

Unti unti idinilat ni Oceane ang kanyang mata. Natuon ang kanyang mata sa kisame. Napabalikwas siya ng maalala ang nangyari kagabi.

Napahawak siya sa kanyang labi. Naramdaman na naman niya na nag init ang kanyang pisngi.

'Hinalikan niya ako kagabi.... Oh my... Malandi na ba talaga ako?!'

"Good Morning!"

Napalingon siya sa nagsalita. Nakatayo sa may pintuan si Zaiden kasama ang panget na hob sa tabi nito na may bitbit na tray.

Naalala niyang ang daliri niya ay nasa labi pa niya. Agad niya itong inalis saka mabilis na inayos ang mahaba niyang buhok. Lumapit naman sa tabi niya si Zaiden kasabay ang hob. Kinuha ni Zaiden ang tray.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing?" nakangiting sabi ng binata

Naririnig na naman niya ang tibok ng puso ng binata. Kalmado ang pagtibok nun.

"Yeah! Ang sarap matulog dito. Akala ko nga asa ulap na ako." sabi naman niya

"Miss Oceane, si Master Zaiden ay hindi nakatulog." seryosong sabi ng hob

Napatingin siya kay Zaiden. Napansin niyang namula ang mukha nito at narinig din niya na bumilis ang tibok ng puso nito.

'Tense ba siya?'

"Mabuti pa ay iwanan mo na kami dito...." sabi ni Zaiden sa hob

Pilyong ngumiti naman ito saka lumabas ng silid. Hindi inalis ni Zaiden ang tingin sa hob hanggang sa tuluyang maisara nito ang pintuan.

"Hindi ka nakatulog kagabi?"

Lumingon si Zaiden sa kanya. Namumula pa rin ang mukha nito.

"Oo eh." sabi nito sabay kamot sa batok

"Bakit? Naiilang ka ba na nandito....."

Hindi na natapos ni Oceane ang sasabihin.

"No! Hindi ako naiilang... Ang totoo excited lang ako kaya di ako nakatulog. Yun lang yon."

Hindi na nagsalita si Oceane. Napatingin siya sa tray na nasa ibabaw ng kama.

"Wow! Gatas..."

"Masarap yan."

"Bakit nagdala ka pa dito ng...."

"Sinabi ko na sayo diba? Gusto ko perfect ang lahat habang nandito ka.."

Naputol ang kanilang pag uusap ng pumasok ulit ang hob na si Seven sa silid kung saan sila naroon.

Napansin ni Oceane na worried ang mukha ng hob, ngunit wala naman siya marinig o mabasa man lang dito.

Nilapitan nito si Zaiden.

"Master..."

"Seven bakit ka bumalik dito?"

Agad na hinila nito ang balikat ng binata na para bang pinapababa ng bahagya hanggang sa maabot nito ang tenga ng binata. Lumingon pa ito kay Oceane bago nagsalita

"Master, nasa ibaba ang iyong Ama at si Master Justin." bulong ng hob

"Sige ako na ang bahala."

Huminga ng malalim si Zaiden. Pagkatapos ay ngumiti kay Oceane. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga.

"May problema ba Zaiden?"

Bago pa nakasagot si Zaiden bumukas na ang pintuan sa silid.

"Zaiden....!"

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon