Seven

409 17 1
                                    

Naunang magising si Zaiden, napangiti ito habang nakatingin sa babaeng mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng babae.

You will be mine forever, Oceane..

May narinig siyang kaluskos mula sa may cr kaya maingat siyang bumangon para di magising ang dalaga.

Pumasok siya sa cr at nakita niya doon si Seven na hindi makatayo ng maayos dahil nadudulas ito. Asa loob siya ng bath tub kaya naman madulas doon.

"Seven?!"

Napatingin sa kanya ang hob.

"Young Master.."

Masayang bati ni Seven ngunit nadulas na naman ito.

Nilagyan niya ng benda ang braso ni Seven, napilayan ito dahil sa pagkakadulas nito sa loob ng tub kanina.

"Tama ako, kasama mo siya.."

Napatingin si Seven sa babaeng natutulog sa kama, ganun din si Zaiden. Napangiti naman ang binata.

"We're having a good time together."

Napansin niyang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Seven.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka..."

"Young master, ipinahahanap ka ng iyong Ama. At narinig ko na nandito kayo.. May oras pa tayo para tumakas, young master."

"Ipinahahanap ako ni Dad?!"

"Young master umalis na tayo sa lugar na ito, sa oras na ito alam na ng iyong Ama na narito ka.. Narinig ko na magpapadala siya ng mga Dark Wizard para sunduin ka."

Napalingon si Zaiden kay Oceane. Agad niya itong nilapitan at ginising.

Kahit di maintindihan, sumunod si Oceane sa gusto ni Zaiden. Kahit wala pa silang kain ay umalis sila ng hotel. Bahagya pa nga siya nagulat nun makita si Seven sa loob ng kanilang room sa hotel.

Naglalakad na sila pabalik sa portal, maghihintay pa sila na magbukas 3 oras mula ngayon.

"Bakit ka ipinapahanap ng Dad mo Zaiden?! Di ka ba nagpaalam na..."

"Naglayas ako Oceane.."

"What?!" gulat na tanong ng dalaga

"Nun nawala ka kasi, hinanap kita noon at alam ko na may kinalaman si Dad sa pagkidnap sayo ng mga golems. Humingi ako ng tulong sa kanya but instead of helping me, ikinulong niya ako sa silid."

Natahimik si Oceane, hindi niya alam ang bagay na iyon tungkol sa boyfriend niya.

"Ngayon naman pilit niya tayo pinaghihiwalay..."

Alam ni Oceane na against sa kanya ang kapatid at ama ni Zaiden. Sino nga ba naman siya kumpara sa yaman at kapangyarihan ng mga Alfiro.

Hinapit siya ni Zaiden papalapit sa katawan niya. Niyakap siya ng mahigpit.

"Hindi ako papayag sa gusto ni Dad. Ikaw ang mahal ko kaya ipaglalaban ko yon sa mga gusto humadlang sa atin "

Natouch naman siya sa sinabi ni Zaiden.

Mula sa kanilang pinagtataguan, nakikita nila ang mga Dark Wizards na nagkalat sa buong lugar. Hindi makikilala na Dark Wizards ang mga iyon dahil sa nagpalit ito ng damit na para bang normal na mga tao.

"Young Master, andyan na sila." bulong ni Seven

Binuhat ni Zaiden ang hob saka hinila si Oceane sa likod ng malaking pader sa di kalayuan.

Gumawa siya ng spell para hindi sila makita, ngunit naramdaman ng Dark Wizards ang ginawa niya. MAbilis na nakalapit sa kanila ang mga iyon.

"Brisingir!"

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon