Forbidden Love

499 17 0
                                    

Hindi maalis sa isip ni Calin ang sinabing iyon ng babae sa library. Palakad lakad at paikot ikot siya sa loob ng kanyang silid. Siguradong malalaman ng kalikasan ang nangyayari.

'Hindi ito maari, hindi ko alam na ang pagiging tao ay maykalakip na sumpa..'

Uupo siya sa gilid ng kama, sunod ay tatayo, sunod ay palakadlakad siya. Muli uupo siya sa kama habang himas himas ang kanyang buntot.

'Isang sumpa ng kalikasan ang nangyari, ang nararamdaman ko... dahil gusto kong maranasan na maging tao kaya isinumpa ako nito..'

Dahil sa isang mensahe, nagpaalam muna si Zaiden kay Oceane na aalis at babalik sa kanilang tahanan. Naiwan si Oceane sa loob ng dormitory sa Academy. Biglaan kasi ang pagpapatawag ng kanyang Ama. Nang makalapag ang broomstick na kanyanbg sinakyan kahit pa ipinagbabawal gamitin ng mga Level 1 Wizard, nagagamit niya ito dahil sa lisensiya na hawak niya.

Nagtataka si Zaiden habang naglalakad sa garden papasok sa bahay nila. Hindi kasi ito maliwanag kagaya ng dati. Kaya naman mabilis siyang tumakbo papasok sa loob para malaman ang nangyari.

"Zaiden!"

Napahinto siya sa may pintuan sa sala. Nakatayo sa harapan niya si Justin, ang kanyang kuya habang may bitbit na news paper. May salamin pa ito sa mata. Kung mapapansin ay para itong pinabatang bersyon ni Valkoor.

"Kuya bakit madilim ang bahay?"

Naglakad papalapit sa kanya ang kanyang kuya.

"Kakadating lang kasi naming, sabi ni Dad wag na buksan ang ilaw.." sabi naman ni Justin

"Asan si Dad? Bakit niya ako pinatawag?"

"Asa silid siya." Sabi ni Justin

Naglakad na paakyat ng hagdan si Justin, sumunod naman si Zaiden makaraan ang isang minute. Unang pumasok sa silid ni Valkoor si Zaiden, ipinagbukas siya nito ng pintuan.

Nakaupo si Valkoor sa paborito nitong upuan malapit sa terrace ng silid nito. Naglakad siya papalapit sa Ama.

"Dad nandito na po ako.." sabi naman ni Zaiden

"Mabuti naman at nandito ka na, may sasabihin ako sayo na importante." Sabi naman ni Valkoor

Itinuro ni Valkoor ang bakanteng upuan sa harap niya, pinaupo niya sina Zaiden at Justin.

"Zaiden may sasabihin akong mahalaga sa iyo tungkol sa Infinity.." sabi naman ni Valkoor

"Dad, hindi totoo ang kwentong iyan.." sabi naman ni Zaiden

"Makinig ka muna bago ka mag react Zaiden." Sabi naman ni Valkoor

Napansin ni Zaiden na seryoso ang kanyang Ama ng mga sandaling iyon. Ang pagsasalita nito ay may otoridad. Napalingon siya sa kapatid na si Justin, tumango lang ito bilang pag aalo sa kanya na making sa sasabihin ng Ama.

"Anong tungkol sa Infinity Dad?" tanong ni Justin

"Hindi isang alamat ang Infinity, nabubuhay siya sa panahon natin ngayon.." sabi naman ni Valkoor

Hindi nagsalita sina Justin at Zaiden, tahimik lang siya nakikinig kagaya ng gusto ni Valkoor.

"Ang Infinity ay mabubuhay ayon sa alamat sa pamamagitan ng tatlong maharlikang dugo.." dagdag ni Valkoor

"Dugo?" sabay na tanong nina Justin at Zaiden. Napatingin pa si Zaiden kay Justin

"Dugo mula sa Dark Sorcerer, dugo mula sa maharlikang enkantadya o fairy at dugo mula sa maharlikang dugo ng elf." Sabi ni VAlkoor

"Imposible yan Dad." sabi ni Justin

Napatingin si Valkoor kay Justin. Napalunok naman si Justin, nabigla siya sa kanyang nasabi. Ngunit kailangan niyang ipagpatuloy dahil naghihintay sa sasabihin niya ang kanyang Ama.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon