Chapter 44: [Mahal ko]

236 3 2
                                    

Charm's POV

Mukhang ako ata yung unang nagising saming lahat . Ang aga ko natulog eh :p Di ko na nga sila naabutan kagabi .

Umupo agad ako sa sofa . Tamang-tama naman na nakita ko yung kusina .May naisip tuloy akong gawin :p

Cocktails lang naman yung ininom nila kahapon . Hindi naman nakakalasing yun eh .. ata . Siguro masakit din yung ulo nila pag-gising nila . Or hindi . Syempre wala namang magpapakalasing eh . Ay ano ba naman . Nagulo ko yung buhok ko . Ang gulo ko .

Binuksan ko yung mga bintana . Sabi sa research namin dati fresh air helps to stop hangover . Nagscramble ako ng itlog, nagluto ng kanin, at gumawa ng tea . Ang galing naman dito . May food supplies agad . Di pa nga kami naggrogrocery tipid tuloy :p

Prinepare ko na sa table yung pagkain na niluto ko . Pero feeling ko may kulang ..

"Kung gumawa kaya ko ng soup tapos maglabas ako ng tinapay ?" Nasabi ko ng malakas yung iniisip ko . Oh well wala namang masama bukod sa second time ko na atang nasabi yung iniisip ko . May sakit kaya ko ? XD

"Ang bango ah ." Nagulat ako ng mag biglang nagsalita sa likuran ko . Si Ran pala .

Nginitian ko lang sya saka binati ng good morning .

"Sa tingin mo kailangan pa ng soup ?" tanong ko sa kanya

"Naku, wag na . Mapapagod ka lang ."

"Eh ? Dali na ."

"Makulit ? Sabing papagurin mo lang sarili mo ."

"Hindi promise . Sa tingin ko magluluto dapat ako ng soup ." tinalikuran ko agad sya sabay puntang refrigerator pero sinunandan nya ko .

"Aish . Bakit di ka nakikinig sakin ?" sabi nya sabay gulo ng buhok "Wala naman silang sakit magso-soup pa . Samahan mo na lang ako ."

Tinanggal nya yung apron na suot ko sabay hila sakin sa labas .

"San tayo ?"

"You need to enjoy the scenery ."

"Mahal ko ." malambing na tawag nya . Ngayon ko lang napansin na husky pa rin yung boses nya . ^O^ Aish enebe .

"Po?"

"Ang saya ko na nakita kong gumagawa na ng move si Kevin kay Kelly ."

"Totoong may gusto sya kay Taks ?"

"Yep . Wag ka na lang maingay ."

"O tapos bakit ka naman natuwa kay Kevin ? I mean bakit mo ikinasaya ?" Wala naman siguro syang gusto kay Taks tapos happy sya at napunta kay Kevin yung mahal nya . Hindi naman ganun di'ba ? Aish ang paranoid ko .

"Kasi lahat kami may lovelife na . Bukod kay Bryan na hindi nagkwekwento pero alam ko meron din yun ."

"Bakit excited na kayong magkagirlfriend ?" nagdududang tanong ko sa kanya kasi naman baka mamaya kaya nya ko niligawan kasi may usapan sila tapos trip lang nila tapos ako yung naisip nyang pagtripan ...

"What's with the tone ? Ano na naman yang iniisip mo ?"

"Wala (_ _")" yumuko na lang ako para hindi nya makita yung mukha kong nakabusangot

"Ano nga ? Aish, Charm naman eh ."

"Wala nga !" bwisit . nagalit pa kainis .

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon