Chapter 50: [Confused]

117 1 0
                                    

Charm's POV

I followed my boyfriend to our classroom. Doblehin mo pa yung tarpaulin at sakop na nya yung buong wall ; ganun sya kalaki. Hindi ko maisip kung saan ko naisip yung Katy Perry kasi it's KT not Katy. He is a he and not a she. Hindi sya bakla or silahis or something. Hindi ko alam kung bakit hindi ko narealize na yung Katy na pinagseselosan ni Ran ay si KT. Paano pa pagnalaman nya kung sino si KT ?

Nilapitan ko si Zayn, "Uy, patanggal naman oh."

"Bakit?" tanong nya sa'kin

"Patapon na lang din."  sabi ko 

Narinig siguro ako ni Ran. Ayy, malamang pala. "Kilala mo si KT?" tanong nya

Tumango lang ako.

Hindi ko alam kung anong problema nya. Kala ko last na yung nagbigay sya ng necklace. Malamang yung teddybear na iniwan sa gate namin sa kanya galing. Yung rose sa locker ko sakanya din yun galing. 

Sino namang nagsabi sakin na mas magandang wag palitan yung padlock ko sa locker? Eh hindi ko pa rin naman makakalimutan yung nangyari dati -.- Bakit nya nga ba 'to ginagawa? May gusto pa rin ba sya sa'kin? Wala kaming formal break-up. Hindi kaya prank lang yung nakita ko?

"Kaibigan mo ba si KT? Sino sya?" Paano ko sasabihing sya yung ex ko? Yung first love ko? Paano ko ipapaliwanag yung password combination ko? Paano ko lahat yun gagawin nang hindi sya nagagalit?

Lumapit samin si Zayn tapos inabot sakin yung poster. "Ikaw magtapon kung gusto mo. Tsaka nakuha ko to dun sa chemistry book mo. Feeling ko sabay na nilagay sa locker mo yan tsaka yung rose."

May binigay sya na picture. Ako yun nung 3rd year highschool ako. Eto yung day bago ko malaman yung tungkol sa isa nya pang girlfriend. Sa likod ng photo may nakasulat na KT.

"So sino sya?" tanong ulit ni Ran

"Ran.. ano kasi .. sya yung kwinento ko na .." bago ko pa matapos may narinig ako na mga bulungan. 

"Ang sweet ng boyfriend ni Charm."

"Boyfriend? Hindi ba sila ni Rohann?"

"Yun nga eh sa tingin mo nagtwo-time sya?"

"Grabe ang taas pa naman ng tingin ko sa kanya."

"Parang bulletin board ganun?"

"Ano ba kayo! Si Rohann Park yung boyfriend nya. Tsaka two-time? No way. Masyado lang masyadong madaming nagkakagusto kay Charm. Nakakatakot no?"

Si Kelly na pala yung kausap nila. Pati ako nagulat dun ah -.-

"Kuyaaaaaaa.." Lahat kami napatingin kay Nica . Siguro kung may teacher nasa detention ka na agad.

 

"May photoshoot tayo ngayon remember?"

"Tayo din pala, Charm." sabi sakin ni Zayn

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon