Chapter 23: [Curious]

349 2 0
                                    

Rohann's POV

[Recess]

Gusto ko matulog . Kahit ngayon lang . Actually nagsinungaling ako kanina . Nalate ako dahil sa photoshoot . 6-7 yung photoshoot buti na lang hindi traffic kaya umabot pa ko sa second period .

“Papasok ka pa ba ?”  may nagtanong..

Pagtingin ko si Zayn . Kausap nya si Charm . Parang naninikip yung dibdib ko . Parang gusto ko sapakin si Zayn . Aish eto din yung naramdaman ko nung nakita kong umalis si Charm at Zayn <referring to Chapter 18>

“Second day pala ngayon .”sagot ni Charm

Anak ng ! Anong second day ?! Maniniwala pa ba ko sa sinabi mong hindi kayo ? Gusto kong wag makinig at matulog na lang . Pero may pumipilit sa'king makinig at naghahadlang na matulog ako .

“Yup .”

Ran wala kang naririnig . Wala yun .

“Wag na lang ." Hindi sila papasok ?!! Na naman ?? San ba sila pumupunta ??

"Alis na tayo ?"

"Oo ." Si Charm yung nagimplement ?? Parang matagal na nilang plinano to . What the heck is going on ?? Bakit ba kasi ayaw sa'kin sabihin ni Charm ??!

Kinuha ni Charm yung bag nya . Umiwas ako ng tingin . Hindi ko man nakita yung mata nya pero halatang tinitigan nya ko . Pagkatapos nun umalis sila .

"AISH ! Sh*t !!" sinipa ko yung upuan sa harapan ko .

Sabi ni Charm malalaman ko din yun pero ayaw nyang sabihin . Then it's time . Susundan ko sila . Yun lang ang naisip kong paraan . I'm eager to know what's with them . I'm so curious . Why ? I also don't know .

~~~~~~~~~~~~~~

Zayn's POV

Kanina ko pa napapansin na tense si Rohann habang kausap ko si Charm . Well I'm glad na "second day" yung sinabi ni Charm kanina hindi photoshoot . Nagiingat pa rin sya . It's good enough, mas lalong nagselos si Rohann . Yeah, I sense it . May gusto sya kay Charm . I don't think na narealize na nya . Pero walang ibang reasons ang mageexplain sa pinakita nya kanina at nung dati sa tambayan namin .Nainis ako sa kanya dahil dun but I don't wanna fight physically . Gusto ko syang magselos samin ni Charm . It's not that I like Charm and I don't want them to be together, gusto ko lang talaga magselos si Rohann . A silent fight .

Pagkalabas namin ng classroom pinauna ko si Charm sa parking lot . Hindi naman sya nagtanong kung bakit . Tumayo lang ako sa labas ng classroom . Gusto ko lang naman malaman yung reaction ni Rohann .

"AISH ! Sh*t !!" nakarinig ako ng kalabog sa loob ng classroom . Si Rohann lang ang naiwan sa classroom . Malamang sya yung sumigaw . Hindi ko na kailangan alamin kung anu yung kumalabog . I'm contented with what I heard . Ang saya mo paglaruan Rohann Park .

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon