Chapter 37.3: [Zica]

315 3 11
                                    

A/N: Bakit walang translations sa 37.2 kapag may korean words ? Paulit-ulit lang naman yun eh . Malalaman nyo yun kung nabasa nyo yung previous chap xD Comments, and any kinds of supports are highly appreciated . Promise . I might dedicate the chapter to you XD 

Basahin nyo po yung Hate That I love You ni UrSymphony syempre yung new story ko din . On-going din po yun baka isipin nyo oneshot lang . Siguro naman po hindi lang playful kiss habol nyo dito XD basta basahin nyo puh-leeeeeeeeeeeeeeeeeeaaaaaaaaashhh XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nica and Zayn's 

Nica's POV

 Nakita ko agad si Zayn sa may swing may kausap na babae . Feeling ko ako mao-op .

"Pangit !" yan ang pambungad nya sa'kin nung nakita nya ko .

Tss . Ganito na pala bumawi . Lesheng lalaking to =_= Anu ba naman yan kasi eh , Nakita pa ko .

 "O-oy ! Wala namang ganyanan ." Tinalikuran ko kasi sya at naglakad palayo ."Ganda mo nga ngayon eh . Galing mo palang pumorma ."

Anong kala nya sa'kin promdi ?! Bwiset . Kala nya babalikan ko pa sya ? Di na ui . Mas maganda sa bahay .

"Saglit lang, kakadating mo lang uuwi ka na agad ."

Bwisit . Naabutan pa ko .

"Bakit bigla ka na lang nagwawalk-out ?"

"Paki mo ? -_^"

Napatingin sya sa inupuan nya kanina . Wala na pala dun yung babae .

"Nagseselos ka ?" tanong nya

"Hindi ."

"Nagseselos ka ?"

"Hindi ."

"Nagseselos ka ?"

"Hindi nga sabi ! Atsaka bakit naman ? Saan ?"

"Date na tayo ?"

"Dun ka makipagdate sa hipon na babaeng katabi mo ! Atsaka pwede ba uuwi na lang ako kesa idate ka !"

"Uhm, kamusta fieldtrip mo ?" seryoso nyang tanong yan ah .

"Masaya ! Sobrang saya ! Grabe ! Di mo ba feel ? Ang saya-saya ko ! Hanggang ngayon oh !"

"Alam mo mali ka eh .."

"Wow ! Just great ! Mali ako ng pagkakaintindi ! Nung una ang taas ng sense of humor ko at hindi ako natawa sa jokes nyo tapos ngayon mali pa ko ng pagkakaintindi ? Bakit mas masaya pa ba dapat yun ?! Sabihin mo nga ! Sa tingin mo sa yakap na yun mapapalitan mo lahat ng sakit sa sinabi mo ? Ang gandang pambawi nito grabe ! Hindi ko alam kung bakit ba pumunta ko ."

"W-w-w-wait . Makinig ka kasi muna ?"

"Bakit dadagdagan mo ? Tama na, Zayn . Please ."

"Makinig ka please ." Hinawakan nya ko sa pisngi "Kahit anong gawin mo sa'kin pagkatapos nito pero hayaan mo muna akong ipaliwanag yung mga sinabi ko . Lahat yun may meaning ." yumuko lang ako .

"Ok, simulan natin sa panliligaw ... Syempre yung reaction ko dun joke lang . Yung first step, syempre hindi talaga totoo yung manure . Aasarin nila ko kapag sinabi kong chocolates lang talaga . Meaning ko talaga dun home-made chocolates . Second step, Ililigaw mo kunwari tapos isusurprise mo . Alam mo bang kamukha mo talaga si Seohyun ? Nagulat nga ko nung una kitang nakita kala ko sya na talaga tsaka may babaeng kinikilig sa black rose . Iniisip ko gusto mo yun at wala pa kong nagiging girlfriend . Third step, syempre bakit ko lalagyan ng bees . Hindi mo ba naramdama yung sincerity ko dun sa I Love You ko noon ? Nahihiya ako masyado kaya ako tumawa . Yung sa story naman ... Baka maitim ka, tsaka baka walang nagkakagusto sayo, eh halos dun sa school grupo yo yung crush kapag lalaki . Sa tingin mo ba mataba ka ? Imposibleng mangyari yung dun sa lalaking galing sa kulungan kasi kahit lumabas mang judgemental ka alam kong marunong kang pumili ng lalaki . Ewan ko nga kung kelan ka haharap sakin eh . Joke . Basta purong joke lang yung kwento ko dati . Siguro habang kwinikwento ko sayo to may napansin ka . Crush kita . Wag ka ng magtaka . Siguro kulang pa yung isang sampal mo noon, kahit ilan pa gawin mo ngayon, kahit sumbatan mo pa ko ngayon . Go . Tapos na ko ."

Speechless .

Yan yung alam ko .

"Hindi ko maintindihan kung paano naging joke yun ? Crush mo ko pero nasabi mo lahat yun ? Di mo ba alam kung gaano kasakit yun ? Simpleng salita lang masakit na yung sayo pinahab mo pa . Ang sakit sakit kaya . Ikaw yung unang taong nagsabi ng ganun sa'kin, alam mo ba yun ?"

Gusto ko syang saktan . Pero feeling ko wala namang magbabago . Kasi naman ...

"Crush din kita . Pero naiinis ako sayo . >_<" tahimik pa din sya .

"Magsalita ka nga !"

"I crush you ." sabi nya tapos kiniss ako sa cheeks ."Gala tayo, crush ko ^_^"

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon