Chapter 26: [Happy Birthday, Mark]

336 3 0
                                    

Charmaine's POV

 

Tama nga yung hinala ko madaming fans talaga si Ran, though mas onti yung ngayon . Pagkalabas pa lang namin nung classroom may nakikita kong mga babaeng nagbubulungan . Siguro dahil naka.akbay sa'kin si Ran, whick is very AWKWARD . Bakit kasi ang gwapo ng nilalang na to ?

Oo na . Gwapo na sya . Pwede ngang pang-model eh . Simula nung nagkausap kami gumaan yung loob ko sa kanya .Parabang naging komportable ako ? >///<

"OMG . Bakit sya inakbayan ni Rohann ?"

"Sila ba ?"

"Impossible ! Ngayon ko lang sila nakitang ganyan ."

"Malay mo ."

"Ang swerte ni ate Charm ."

"Ano ba naman iniisip nyo parang hindi kayo fans ni Rohann ."

"Oo nga . Alam natin lahat ng facts tungkol sa kanya kaya imposibleng maging sila ."

Yan yung mga naririnig ko habang naglalakad kami . Kasi naman tong isang to sa lahat ng idea yung ganito pa .

"Ui, alisin mo na yung kamay mo . Nakakahiya ." bulong ko sa kanya

"Hayaan mo sila ."

"Eh ? Baka machismis tayo ."

"So ? Ano naman ."

"Anong ano naman ? Nakakahiya . Palibasa sanay kang maging topic ."

"Kung machismis tayo akong bahala sayo . Tsaka pwede naman nating totoohanin yung kakalat na chismis ."

O.O anong totoohanin ?

"A-anong pinagsasabi mo ? Nababaliw ka na ."

Pinagkakamalan na kami nung mga babaeng yun . E paano kung hindi lang yun yung kumalat ? Baka mamaya sabihin nila inaagaw ko yung Hearth throb nila . Paano ko makakapasok nyan . Masisira image ko . Atsaka anong totoohanin ? Magiging kami ganun ? Eh hindi naman namin gusto yung isa't isa ! Tsaka ayoko no . 

"Wala . Joke lang ."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya .

Inalis nya yung kamay nya sa pagkakaakbay sa'kin pagdating namin sa parking lot .

"Sabi sayo eh . Walang nagkakagulo sa'kin ." sabi nya

"Anong wala ? Eh baka nga bukas hindi na tayo makapasok dahil sa chismis ."

 

"Hindi yan . Compare mo naman sa unang kong naisip ."

 

"Ano ba yung una mong idea ?"

"Mauuna ka sa parking lot tapos susunod ako ."

O.O

"Eh bakit di yun yung sinuggest mo ?! Mas madali yun !"

 

"Eh ? Di mo kaya alam kung anong sasakyan ko ."

 

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon