Chapter 27: [Johahae]

336 3 0
                                    

Charmaine's POV

Hinatid ako ni Ran kagabi . Yep . Ginabi po kami . Kasi naman nag.gala pa kami dun sa mini mall na yun . Ang dami palang magagandang tinda din . Mga exotic tapos may nakita akong teddy bear and sobrang gusto ko sanang bilhin kaso naiwan ko pala yung pera ko . 

*flashback*

"Ang sama naman niya ." 

"I know right ."

Kwinento sa'kin ni Ran yung nangyari sa love life nya or more like infatuation life daw . May iba na daw kasi syang gusto ngayon at ibang iba sa naramdaman nya noon . Medyo nawalan ako ng gana dahil doon . Yung pagkasabi kasi nya/ describe sa mahal nya daw ngayon, nakakainggit. Masyadong perfect or fitted sa kanya yung mahal nya . I'm slightly jealous but crush ko lang sya . Buti nga hindi like or love . Jusme ang hirap tanggapin kapag ganoon . 

“Tara ikot-ikot  muna tayo .” alok nya

“Sige ^_^”

Sa isang shop, may nakita akong teddy bear . Super cute nya !! Lumapit ako sa store na yun para bilhin yung teddy bear . Di ko matiis eh . Sadyang fan ako ng stuffed toys xDD

O_O

Hala ! Yung wallet ko nawawala !!

“Ran !” pipilitin ko yun na bumalik sa baba . Gusto ko talaga tong bilhin .

Pagtingin ko dun sa store kung saan ko siya huling nakita . Aba nawawala ang lolo mo . Anong gagawin ko ?!!!

“Miss, magkano po yun ?” Oh noes teddy bear kows .

Napatingin ako dun sa teddy bear shop .

O_O Yung lalaki tinuro yung nagustuhan kong teddy bear !! Nagiisa na lang yun !! Anakngteddybearnacutenamalakipa juice ko po . Teddy bear, don’t leave me !!!

Hindi ko narinig yung price pero kinuha nung nagtitinda yung teddy bear at inabot dun sa lalaki .

Waah !!! Mukhang studyante yung lalaki nakauniform eh . Parang uniform nga namin eh kaso nandun sya sa sulok natatakpan ng iba pang paninda kaya di ko makita. Siguro sa girlfriend nya yan ibibigay . Ang swerte nung babae !! Kung makapal lang talaga yung mukha ko pipilitin ko yang lalaking yan na ibenta sa’kin yung teddy bear o kaya kahit makapagpapicture lang ako sa teddy bear !!

 “Huy !”

“Ay anak ng cute na ted—“ nasabi ko ng biglaan “Ran . San ka galing ?”

“Sa tanong mo hindi halatang gusto mong malaman.”

 “Sorry naman . Kasi –“ hindi man lang ako nakapagpapicture !!!!

“Oh . “ sabay abot nya sakin ng something na di ko pa nakikita kasi nakayuko ako xD

O_O

“OMO !” bumaling yung tingin ko sa teddy bear shop tapos bumalik ulit kay Ran .

“A-akin n-na---“

“Hindi ibibigay ko dyan sa sahig .” sarcastic nyang sinabi .

“KYAAA !! Thank you !!! I so love this !!!” bigla akong napayakap kay Ran . Siya lang naman yung studyanteng bumili ng teddybear na nakita ko kanina !!

Napahawak na lang sya sa likod ko pero hindi talaga yakap tsaka ko narealize yung ginawa ko . >///<

“S-sorry .” napabitaw agad ako sa kanya 

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon