Chapter 51: [Confussion]

100 1 0
                                    

Jake's POV

"Bakit ganun? Hindi niya alam kung mahal niya pa daw yung Melvin pero nagpaligaw siya sa'kin. Sinagot niya pa ko. Pankip butas na ba yung tawag dun? Grabe to think na KT yung codename na gamit niya eh si Charm daw yung nagbigay ng nickname na yun. Ah t*ng*n*." 

Andito kaming lahat sa bago naming tambayan which is yung bahay nila Rohann. Kagabi kasi ay nagwala siya dun sa dati naming tambayan kaya ayun mukhang basurahan na. 

"P*t*. Di ka ba titigil? Eh dinaig mo na yung babae kakareklamo mo diyan eh." sabi ni Zayn

"Ano bang problema mo?! Pasalamat ka nga pinapasok kita dito eh."

"Tumigil nga kayo. Ayos lang naman yang maramdaman mo yan pero tama din naman si Zayn. Nakabisado na namin ata yang pinagsasabi mo sa sobrang paulit-ulit mo." sabi ni Ivan

"Bakit ba kasi ganun?! Napakagulo ng mga babae p*ny*t*"

"Ang dami mong problema. Kung mamatay yan si Charm mamaya gaganyan ka pa rin ba?!" 

Halatang iritang-irita na si Zayn kay Rohann. Lagi naman din silang magkaaway kaya sanay na kaming lahat. 

"Eh kung ikaw kaya patayin ko?!" sagot naman ni Ran

"Ano ba ang ingay ingay nyo. Pwede ba kuya tigilan mo na si Zayn. Intindihin mo naman yung girlfriend mo. Wala silang formal break-up. Kung makita mo ulit si Trisha wala ka bang ibang mararamdaman?"

Natahimik si Rohann sa nagsalita. Kaming lahat pala. Ang tanging ingay na maririnig mo ay yung galing sa tv at sa cellphone ni Bryan.

"Bibili ka ng kumot?"

"Damit pa ba tawag dyan?" sabay na sabi ni Zayn at ni Ran

"Ewan ko sa inyo. Party clothes 'to. Parang namang di pa kayo nakakita ng ganito pagpumupunta kayo ng bar." sabi ni Nica

"Bar?!"

"Umayos ka nga Veronica baka ipadeport kita." sabay ulit nilang sabi.

"Hindi na ko bata and FYI dual citizen ako no. Don't worry kasama ko sila Charm."

"Ah sleepover." sabay na namang sabi ni Ran at Zayn

"Sleepover? Seriously? Pupunta kaming Space or Prime? Di pa namin mapagkasunduan eh. Byebye ingat kayo. Nagpaalam lang ako kaya ko dumaan." nakangiting sabi ni Nica

"Bawal. Hindi ka sasama." mabilis na sagot ni Ran

"Alas-dyis na kaya. Samahan ko nalang kayo." 

"Zayn, may bar ba ng umaga? Tsaka duh puro babae kami ano ka chaperone? And kuya naman hindi ako sasama? Bawal ako pero si Charm papayagan mo?"

Natahimik si Ran sa sinabi ni Nica.

"Ikaw bahala ka. Paano pag may humatak na lang bigla kay Charm o kaya may magustuhan siya? Or pagnawala siya hindi mo malalaman." pananakot ni Nica

"Hindi nga kayo pupunta. Yun ang gawin mo. Puntahan mo sila at sabihin mong wag na kayong tumuloy. Hindi ba kayo natatakot na wala man lang kayong kasama." tinapik ko si Rohann tsaka ako nagsalita.

"Pero kuya jake.. kailangan kasi eh."

"Paanong kailangan?" tanong naman ni Kevin

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon