Chapter 3: [Secret Admirer]

611 10 0
                                    

Jade’s POV

Hi . I’m  Princess Jade Agustin . Friend ni Charm . Ako yung quiet type nilang friend na minsan lang maki-bonding sa kanila .

“Excuse me” may tumapik sa likod ko . Lalaki yung boses .

“Yes ?” sagot ko

“I’m Melvin . Kilala mo ba si Charmaine ?” siguradong si Charm yung sinasabi nito .

“Opo .” Ang iikli ng mga sagot ko xD hindi kasi ko sociable tsaka ano nga bang isasagot ko kung hindi yan diba ?

“Paki-bigay naman sa kanya .” May inabot sya na box nakagift.wrap pa . “Wag mo sabihin yung pangalan ko sa kanya please?”

 

“Sige po.” Sino kaya yun? Secret admirer ni Charm ? Mukhang hindi dito nag-aaral eh.

~~~~~~~~~~~~~~

Rohann’s POV

Buti na lang may extrang damit yung kaibigan nya . Eh mukhang magkakasize naman sila eh . Hay sino ba kasi yung epal na nagtulak sa kin natapunan pa tuloy sya . Mukha pa namang bago yung suot nya .

Ang sarap nyang asarin . Ang cute cute nya pag naiinis . Nagtry lang ako kanina na asarin sya kasi …..ano nga ba ? Wala lang basta naisipan ko tapos ang cute nya magalit haha . Asarin ko nga ulit mamaya . Syempre magso.sorry muna ko xD

Chemistry sunod naming subject mag-aaral muna ko.

**rrrrrrrrrrrrriiiiiiinnnnnnnnnnggggggg**

Bumalik na sya sa upuan nya . Sa tabi ko .

“Charm, uy sorry kanina ah.” sabi ko . “May tumulak kasi sa kin”

Hindi sya nagsasalita . Alam ko namang naririnig nya ko. Haha ganyanan pala ah . May naisip tuloy ako xD

“Kapag di ka namansin sige ka . Ipagkakalat kong nagseselos ka sakin” hahaha sige wag mo lang talaga kong pansinin

Pumunta ko sa harap. Tiningnan ko sya . Nakatingin sya sa'kin . Nakataas pa yung kilay .

“Alam nyo ba….” Nagsimula na ko .“Si..” Bigla syang nagsalita .

“Alam mo napaka-epal mo masyado kang feeler. Kung sa tingin mo madaming babae yung nagkakagusto sayo. Wag mo ko isama dun ha pwede ?” Napatulala lang ako sa kanya . Ang sungit . Grabe inaasar ko lang naman sya . Sineseryoso nya .

Tapos inirapan nya ko. Ang daming lumapit sa kanya grabe ang lakas pala ng appeal ng babaeng to. Mas lalo ko tuloy syang gustong pagtripan xD

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon