Chapter 37: [Park]

230 3 0
                                    

Kelly's POV

DATE na namin ni Keviiiiiin !!!!

Syempre joke lang . Kunwari date pero hindi talaga xD Though masosolo ko sya . *evil laugh*

Oh lalalala ang saya xDD

"Ui, tulungan nyo naman ako maghanap dito ." reklamo ko sa kanila .

Andito kasi kami sa bahay nila Charm, sa napagusapan eto nga kami naghahanap ng pwedeng mapuntahan this sembreak ^_^ And so far hindi pa nila alam na may appointment ako with Kevin my loves so sweet and paano ko makakatakas kung ako yung naghahanap at sila ay nags-scrable ? Yung lovelife ko paano naaaa ?!!

"Alam ko na !!" nahiya naman kaming lahat sa naisip ni Charm . Ang tahi-tahimik tapos biglang sumigaw ? Halos kumawala na yung kaluluwa ko sa katawan ko eh .

"Ano ?!" sigaw din ni Leanne

"Papatay ka ba, Charm ?" tanong ni Jade

"Haha, sorry" *bows* ano kayang tingin nya sa'min koreano ? May payuko-yuko pa eh xD "Kasi naisip ko lang na maganda sa Panglao ."

"Ano yun ?" tanong ni Nica

"Resort malamang ." sagot ni Charm

"Saan saan ?" pangungulit ni Dree

"Hmm, san nga ba yun ? Sa Bohol ata eh . Oo dun nga ."

"Yun naman pala eh ! Pinahirapan mo pa ko . Pambihira ka, taks . O sige babush na !"

"San ka punta ?" nagulat naman ako sa tanong nilang lahat . As in lahat .

"Uhm, uuwi ? Ewan . Basta ."

Shinut down ko muna yung laptop ni Charm bago ko humarap sa kanila

O_O

Kala ko ba nags-scrable sila ? Kaya pala biglang tumahimik .

Ano yung nakita ko ?

Silang lahat nakabihis .

"San kayo punta ?" gulat na tanong ko sa kanila . May lakad pa ata sila hindi man lang ako sinabihan . Kahit may date ako ngayon, madaya pa rin !!

"Uhm..." *clears throat* 

"Ganito kasi yan . Si Charm, may date sila ni Rohann, sa park . Si Leanne, ewan ko dyan basta may pupuntahan DAW, sa park . Si Dree, may date sila ni Ivan, sa park . Si Jade, ime-meet si Kuya Jake para pagsabihan kasi daw naririndi na siya sa mga classmates namin na nirereklamo si Kuya Jake, at ulit sa park ." bawat pagsabi ni Nica ng park eh parang naka-emphasize .

"At si Nica, pupunta sa park, dahil makikipag ayos si Zayn ." dahil sa sinabi ni Charm napayuko naman si Nica .

Hihi . Ang cute naman nila xD

"Eh ikaw ? San ka pupunta ." tanong ni Leanne

"Sa park (_ _") " mahina kong tugon

"Weh ? Grabe taks kala ko maiiwan ka lang mag-isa xD" sabi ni Charm  . Note: seryoso sya

"Ang sama nyo ! May appointment kami ni Kevin ! Kala ko nga kayo yung maiinggit no !"

Oooopss .

Bakit ko sinabi ?!

"Yiee, lumalovelife na din kayo ah xD" sabi ni Dree

"Hindi dahil ikaw yung nauna ganyan ka na >_< Nakakainggit ako walang lovelife ." sabi ni Jade

"Sus, if I know sino si Prince ?" pang-aasar na tanong ni Leanne sa kanya

"Shuttap !" Yiee si Jade, namumula xD "Pero alam nyo ba sana sya na lang si Prince, kasi ang bait nung lalaking yung kahit mysterious sya . At least kahit hindi ko sya gaano kakilala alam kong hindi nya magagawa yun katulad ng ginagawa ni Jake alam kong hindi sya marunong magpanggap so imposibleng maging katulad nya yung pesteng Jake na yun ."

Lahat kami nakatunganga lang sa pagmomonologue ni Jade . Naku po ! May naiinlove na din ba ? Ako na lang ata yung napagiiwanan sa lovelife .

"Umalis na nga tayo . Kailangan kasi 2:00 nasa park na ko ." sabi ni Charm

"Ano ka ba . Lalaki dapat laging naghihintay mamaya wala pa sila dun ." sabi ni Dree

"Hindi pwede ! Malay mo on-time sila !!" sabay naming sabi ni Charm

Haha 2:00 din kasi yung usapan namin . Naku magbestfriend talaga kami nito .

Sabay sabay kaming pumunta sa park . Sa pagkakaalam namin hindi alam ng mga *ehem* partner namin na pareparehas silang sa park nagdecide xD So ganito yung ginawa namin, nagdecide kami ng boundaries namin tapos tsaka namin sinabi sa boys yung mga meeting place . Para din sa privacy yun syempre xD Napagusapan din naman na sabihin yung dun sa pagpunta sa Panglao Islands . Yiieee amaeggzited XD

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon