Chapter 16.1:[Comfort]

416 4 0
                                    

Readers ginawan ko po ng official fanpage yung business couple sa facebook . Dun po nakapost yung mga pictures na hindi ko maipost dito sa multimedia ^_^ check the external links . Pero eto din yung link :

http://www.facebook.com/BusinessCoupleFanpage

Like nyo na din ha ? xD

Sa ngayon pa lang magbabasa napost ko na yung Chapter 16 baka makalimutan nyong basahin ^_^ .

~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagpunta ko sa school garden andun nga si Charm...

Pero kasama nya si Kelly .

"Taks, umm" sabi ni Kelly

Mukhang nakwento na sa kanya ni Charm yung lahat ng nangyari .

Napansin naman ni Charm kung anong gustong sabihin ni Kelly kasi tumingin sya sa'kin .

"Oh ? Anong ginagawa mo dito ?" sabi nya sa'kin

Ano pa ba ? Malamang dahil nandito ka !

Ha ? Anu ba yang iniisip mo Ran !! Tama na nga !

Bakit nga ba ko nandito ?? Ano ng bang kailangan kong gawin ?? Sabi lang nila Zayn at Nica na sundan ko si Charm . Pero bakit ??

"Malamang sinundan ka ." sabi ko kay Charm

"At bakit ?? Mang-aasar ka na naman ? Umalis ka nga ." sabi nya

"Pinapunta nila ko dito kasi baka daw malate ka ." yun na lang nasabi ko

"Paki mo ? Magcu.cutting ako .=.="

"Baka kasi" Takte ano bang nangyayari sa'kin ?? Hindi ko alam yung dapat kong sabihin ?? Tae naman hindi naman ako ganto dati e .

"Ano ?"

"Ako yung sisihin nila . Baka bugbugin pa ko ."

"Paki ko sayo ."

"Oo na walang pakielaman . Pero magcu.cutting ka ?? Kaibigan ka ba talaga ?? Idadamay mo pa si Kelly !! Kahit sabihin mong willing mag.cutting ni Kelly ang sama mo pa rin para hindi sya papasukin . Ang selfish mo sa kaibigan mo =.="

Ran !! Arghh !! Magagalit nanaman yan sayo ee .

"May point sya Taks . Kaya papasok na ko . Hindi ko alam na magcu.cutting ka pala ." sabi naman ni Kelly sa kanya .

Teka mas masama ata tong si Kelly . Iwanan daw ba si Charm ??

"Diba Rohann ? So dahil baka bugbugin ka nila pag may nangyaring masama kay Charm bantayan mo sya dito hanggang makarecover sya ." sabi naman ni Kelly

Business CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon