Dree's and Ivan's
Dree's POV
OW-EM-GEE . Pagkadating na pagkadating ko nakita ko agad yung aking minamahal . Yucks di sa'kin bagay XD
Nakablack na red sya na polo with matching chuvaekek sa damit nya tapos may hat sya . Nakaupo sya sa isang director's chair tapos siguro nasilaw sya sa araw kasi hinawakan nya yung hat nya na para sakin nagpose sya . Grabe, kitang kita mo yung kaputian nya sa suot nya . Samantalang ako simpleng dress lang with cardigan .
Halos lahat ng tao napapatingin sa kanya . Mukhang shunga kasi . Nakasandal sa director's chair which made him face the sky tapos yung porma nya . Picture him in the middle of park, lakas trip lang diba ?
Ang sarap nyang titigan . Parang gusto ko pa yung magsayang ako ng ilang minuto na tingnan sya kesa lapitan agad sya xD sayang yung moment oh .
"Ui, ang gwapo ni kuya !"may nagsabi na nasa 14-15 years old .
"Asan asan ?"
''Ayun oh !"
'Ui, oo nga grabe, ang hawt !'
"Tara lapitan natin ."
"Nakakahiya naman ."
"Ang arte mo . Bahala ka pagnapasama namin yan wag kang lalapit ah ."
"Eto na nga eh ."
Ang kapal naman ng mga mukha ng mga batang to . Anong kala nya sa boyfriend ko ? Basta basta nalang sumasama ?! Ugh . Hindi ako mahilig makipag-away pero kaya kong mamahiya .
Mabilis kong nilapitan si Ivan pero mukhang sabay lang kami nung mga flirt .
"Van, kanina ka pa ba naghihintay ?*demure voice*" Dahil nga maliit na ang boses ko at nagpademure na ko yung Van nagmukhang Hon .
"Ate, kami po yung nauna sa kanya ."
Ang kapal ng mukha nila . Grabe ah .
"Sino kayo ? At anong karapatan nyo ? Boyfriend ko sya ."
"Haha . Hindi po dahil matanda na kayo pagbibigyan na namin kayo . Parehas lang po tayo ng nagustuhang lalaki ." panginis na sabi nung babae
Tumingin ako kay Ivan na ngayon ay nakatayo na . Binigyan ko sya ng ipagtanggol-mo-ko look na nakakatakot pero kumibit balikat lang sya habang nakangiti . At nagugustuhan nya pa pala yung nangyayari .
"Hoy ." sabi ko kay Ivan
"Bakit ate ?"sagot yan ni Ivan ah .
Anak sya ng tatay nya . Inuubos ba nya yung pasensya ko . Nakakainis naman oh .
"Oh, paano ba yan ate, mukhang hindi ka naman nya talaga kilala ." nakangiting sabi nung parang leader nila
"Haha . boyfriend daw XD feeler ate ? Amalayer ang peg ?" sabi nung isa pa nilang kasama .
"Kawawa naman yung babae . Syang bagay pa naman sila kaso ayaw ata nung lalaki sa kanya ."may narinig akong nagsalita sa tabi-tabi .
Oh well. Bagay naman talaga kami eh xD
Lumapit ako lalo kay Ivan. Humarap ako sa kanya bali magkaface to face kami. Siya nakangisi lang. Halata mong inienjoy nya yung nangyayari. Ang epal talaga nito. Tumingkayad ako at nilagay ang kamay ko paikot sa leeg nya tsaka ko siya hinalikan. Intense yung paghalik ko pero the moment na nagreply siya sa halik ko lumayo ako sa kanya. First time ko tong ginawa kaya alam kong nabitin sya . Yun din yung first INTENSE kiss namin . Wahahaha yan ang kapalit ng pagtake advantage nya sa scene kanina.
Napa-gasp yung iba . May napa-woah. Basta halo-halo yung reaction nila .
"Pag di mo pa talaga sinabi iiwanan kita dito. Kanina ko pa nilalamon yung hiya ko =_=" bulong ko sa kanya.
"Kiss muna."
Tinaasan ko sya ng kilay habang nakacross arms ako. Ang kapal talaga ng mukha nito eh siya pa demanding. -_^
Nagulat ako nung bigla syang ngumiti at ginulo yung buhok ko na parang bata .
"Alam naman nila yung totoo eh." Hinarap nya ko sa mga nanunuod at nakita ko silang nakangiti sa'kin "Dalian mo may pupuntahan tayo. "
Biglang nagsink in sa utak ko yung totoong nangyari. .
"Hala!! Sorry!!! Natarayan ko pa kayo. Sorry talaga. " Sabi ko dun sa mga high school na bata.
"Ok lang po ^_^ sana nga po wag kayong magalit sa mga nasabi namin. Si kuya po talaga yung gumawa ng script (_ _")"sabi nila sabay turo kay Ivan
Naalala ko yung mga sinabi nila tapos tiningnan ko ng masama si Ivan. Tinaas nya yung kamay nya na parang magsusurrender sa police tapos unti-unti syang humahakbang palayo habang lumalapit ako sa kanya. Nung tumakbo sya hinabol ko sya. At mukha kaming batang naghahabulan sa park.
BINABASA MO ANG
Business Couple
Teen FictionAng story kung saan di natutupad ang plot XD Just read and have fun ^_^ All Rights Reserved 2012 (July 28)