~Φ~
"I vow before him... to love you with all my heart, from heaven to the earth, no matter where time take us."
A familiar voice echoed in my brain. A sweet raspy voice that embraces my soul. It lingers into my ears like I escape from an island of soul until an unfamiliar voice devoured the embrace of melancholia.
"Trinity? Who's your husband among them?"
Iminulat ko ang mga mata ko at kaharap ko ang tatlong lalaki na hindi ako pamilyar. Nasa gilid ko ang isang babaeng nakasuot ng puting suit, nakasalamin, naka-bob cut at may hawak-hawak na ballpen. Seryoso itong nakatingin sa akin habang naghihintay ng sagot ko.
Nabaling ang tingin ko sa kamay ko at nakita ko ang isang dyamanteng sing-sing na nasa daliri ko.
I know I am married but I don't know who I married.
Hindi ko alam kung sino sa kanila ang asawa ko. Wala akong maalala. Hindi ko alam ang rason kung bakit ako narito.
"Trinity? Naririnig mo ba ako? I'll ask you again, who is your husband?" Napatingin ako ng bahagya sa babaeng ito saka tinignan ang tatlong lalaking nakaupo sa harap ko.
Para kaming nasa isang paglilitis.
Napailing ako. "Hindi ko alam," mahinahong sagot ko na may halong pagtataka na bakas sa mukha ko. Narinig ko ang malalim na paghinga ng babae sa gilid ko. Hinarap niya ang tatlong lalaki sa harap ko na nakasuot ng puting suit, ang pagkakaalam ko ang kasuotan naming ito ay sinusuot ng mga pasyente sa Ospital.
Pagtataka ang bumalot sa aking isipan.Bumalik ang atensyon ko sa tatlo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngunit ang mga titig nila'y matatalas na para bang may gusto itong ipahiwatig.
"Marshall, sigurado ka ba na siya ang asawa mo?" tanong ng babae sa lalaking nasa kanan, mahaba ang buhok nito na hanggang balikat lamang, malalim ang mga mata, makapal ang kilay, matangos ang ilong at sakto lang ang liit ng mga labi, medyo maputla ito. Ang mga mata ko ay nakapokus lamang sa mga labi niya, habang binabasa niya ito gamit ang dila niya. Tila ba'y bumagal ang oras ng ginagawa niya iyon.
"Nakasisiguro akong asawa ko siya," malalim ang tono ng boses nito. Sabay na napatingin ang dalawang lalaki sa kanya. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. "May palatandaan ako na makapagpapatunay na siya ay ang aking pinakamamahal na asawa."
"Ano naman 'yon?" tanong ng babae.
"Balat. May balat siya sa likuran niya." Agad-agad naman ako nilapitan ng babae, hinawi nito ang damit ko at tinignan ang likuran ko.
Tinignan ko ang babae at nanlalaki ang mga mata nito sa nakita, napansin ko rin ang paglunok niya. May isinulat ito sa papel na dala-dala niya.
"Samuel, ikaw? Paano mo nasabing asawa mo siya?" tanong nito sa lalaking nasa gitna. Maamo ang mukha nito, mapupungay ang mga mata, makakapal ang kilay at mahahaba ang pilik mata. Nakahati ang buhok sa gitna, matangos ang ilong, kulay abo ang mga mata at sakto lang rin ang liit ng labi. Magkakakulay silang tatlo sa balat, parang barakong kape na nilagyan ng gatas, kulay karamel.
YOU ARE READING
Corpse Mistress (A NOVELLA)
Paranormal"I know I am married, but I don't know who I married." Trinity Giuliani, an agnostic woman who doesn't know love, woke up with three husbands yet unknown to her existence. Doubts devoured her as she questioned who her husband really is. A doctor who...