I woke up when banging on the door lingers into my ears.
"Trinity? Are you awake?" Knowing from its voice, I can recognize that he is Hullian.
Malamyang bumangon ako sa pagkakahiga at lumapit sa pinto para pagbuksan siya. Nang bumukas ay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Bumungad lang naman sa harap ko ang tatlong lalaki na may kanya-kanyang dala na pagkain. Samuel was on the right side, Hullian was on the center and Marshall on the left. Nagsisiksikan pa silang tatlo buti na lang hindi natatapon ang pagkain sa pinaggagagawa nila.
"Ah! What a beauty!" Samuel exaggeratedly reacted when he saw me. May pagkabolero rin itong lalaki na ito. Kakagising ko lang, malamang wala pa akong ayos.
"Ang ganyang nakakabibighaning ganda ay hindi nararapat pabayaan. Kaya naman naghanda ako ng masasarap na pagkain para sayo, magandang dilag." Sumabay pa itong si Marshall. Ayaw rin talaga magpatalo ng isang 'to.
Napatingin ako kay Jullian, I don't know but I waited for him to spill his flowery words but I didn't expect he wouldn't. He was just laughing slightly on these two.
Nang mapansin niya akong nakatitig sa kanya ay nagbitaw ito ng matatamis na ngiti, his eyes was also twinkling and I can read an emotion behind it. I just don't know what kind of emotions it was.
"Trinity!" singit ni Samuel saka hinarang ang sarili sa pwesto ni Hullian. Kahapon ko pa napapansin ang ugali ni Samuel. He's that jealous type guy I must guess.
"What are you doing!?" Hullian exclaimed while trying to hold the tray of food, and the orange juice is slightly spilled. Tinignan lang ito ng masama ni Hullian.
"You should try my egg," Samuel offered and winked at me. Tinignan ko ang itlog niya. It was a sunny side up egg. I looked at him.
"Basag ang itlog mo," seryosong wika ko sa kaniya. Ngumisi naman ang dalawa. Tinignan niya ang dalawa ng masama kaya lumayo ito ng tingin at nagseryoso.
"Kahit basag 'yan, masarap 'yan," nakakalokong saad nito.
"Mas nakakaganang kumain ng talong, mah—ibig kong sabihin Trinity. Tikman mo itong talong ko," singit naman ni Marshall. Nabaling ang atensyon ko sa talong niya. Sa sobrang itim nito 'di ko na malaman kung anong klaseng luto ang ginawa niya rito. Ngunit sa palagay ko ay Tortang talong ito.
"Wala pa bang ikaiitim 'yang talong mo?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Humagalpak sa tawa si Samuel ng marinig 'yon.
"Tumahimik ka!" mariing saad ni Marshall sa kanya. Napatikom naman ito ng bibig.
"Masarap naman kainin ang sunog. Masustansya pa rin naman ito," giit sa akin ni Marshall.
"Mas masustansya ang itlog ko," giit ni Samuel.
"Mas ang talong ko," Marshall. I crossed my arms and take a deep breath. Kahit itlog at talong ay pagtatalunan pa talaga nila.
"Eggplant and egg contain similar amounts of carbs. It also contain similar amounts of sugar. Egg is high in calories and eggplant has less. Despite, both have nutrients and healthy. So can you both please stop arguing about your egg and your eggplant," Hullian suddenly interrupted with his scientific explanation. I was in awe a little bit with what he did. Hindi ko akalain na aabot pa sa mga scientific explanation ang pagtatalo nila. "Besides, Trinity doesn't want that. Hindi niya gusto ang basag na itlog mo at ang sunog na talong mo." I looked at Hullian with curiosity. How can he say that? How sure is he with my preferences?
He looked at me straight in the eyes with deep sincerity and continued, "Trinity, is a perfectionist." Ngayon ay nagtitigan lang kaming dalawa.
Samuel coughed to break the awkward staring.
"T-tumigil na kayo. Kakainin ko 'yan lahat," wika ko kaya bakas sa mukha ni Samuel at Marshall ang tuwa. Kumunot naman ang noo ni Hullian, marahil ay 'di ako nag-agree sa sinabi niya na perfectionist ako.
Namuo ang kuryosidad sa aking isipan, siguro kaya ganito rin ang ugali ko kasi baka nakalimutan ko lang na perfectionist talaga ako? Baka tama si Hullian? Kasi kung oo malaki ang posibilidad na siya ay ang aking totoong asawa. Napapansin ko rin na maraming alam na pag-uugali ko si Hullian, alam niya ang mga bagay na gusto ko at hindi ko gusto.
"Trinity, are you okay?" Bumalik ang animo ko ng tanungin ako ni Hullian.
"O-oo naman. Ipasok niyo na lang 'yan dito at dito na lang ako kakain," sabi ko sa kanila.
Pinasok na nila ang mga pagkain. Nilapag nila ito sa higaan ko.
"P'wede na kayong umalis," sabi ko sa kanila.
"Hindi p'wede, sasamahan ka namin kumain dito," ani Marshall.
"Pero—" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Samuel.
"Trinity, don't be shy. Ako lang 'to..." Napatingin ito kay Marshall at Hullian, "kami lang 'to."
I just took a deep breath at hinayaan na lang sila na samahan akong kumain dito baka mamaya kung saan na naman mapunta ang usapang ito. Lumapit ako sa higaan at umupo na. Tumayo lang ang tatlo habang seryosong tinititigan ako. Nang mapansin ko ang mga titig nila ay tinignan ko silang tatlo at sabay-sabay silang umiwas ng tingin. Si Samuel ay napatingin sa ceilings habang si Marshall ay napayuko. Si Hullian naman ay nakayukong hawak-hawak ang noo at kinakamot-kamot 'to.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Trinity, bago natin simulan ang pagkain may sasabihin ako sa'yo nawa'y hindi ka magalit," saad ni Marshall. Ano bang gusto niyang sabihin na may posibilidad na ikakagalit ko?
"Puwede bang magsuot ka muna ng salungso. Ako'y nangangamba na magising ang aming pagkalalaki," wika nito. Nagtataka ako sinabi niya.
"Salungso?" nagtatakang tanong ko.
"B-bra, Trinity. Y-you forgot to wear your bra," nauutal na bigkas ni Hullian habang may halong tensyon sa boses nito. Dahan-dahan akong napatingin sa dibdib ko. Saka ko lang napagtanto na wala pala talaga akong suot na bra.
Kanina ko pa sila kinakausap bakit ngayon lang nila ako sinabihan!?
Tinakpan ko ang dibdib ko at mabilis na tumakbo papunta sa banyo dahil sa kahihiyan. Mabuti na lamang at may comfort room ang bawat kwarto.
Mag-iisang araw pa lamang kaming magkakasama pero nilibing na agad ako sa lupa ng kahihiyan ko.
YOU ARE READING
Corpse Mistress (A NOVELLA)
Paranormal"I know I am married, but I don't know who I married." Trinity Giuliani, an agnostic woman who doesn't know love, woke up with three husbands yet unknown to her existence. Doubts devoured her as she questioned who her husband really is. A doctor who...