We arrived at Dra. Tamara's house. I mean a vacation house in Batanes. It was a modern contemporary beach-style house right on the beach front. This is complemented with large glass walls casting warm welcoming lights onto the surrounding deck space bordered with metal railings lit with white lights.
"Welcome everyone!" Dra. Tamara greeted us the moment we step out of the black van.
"Is this your house?" may pagkamanghang tanong ni Hullian.
"Kind of. Actually, it is our vacation house," sagot nito.
"Masyado namang malaki ito para sa'min. At saka hindi ba nakakahiya na patirahin mo kami rito?" saad naman ni Marshall.
"No, it's okay. Since, this house wasn't occupied for years now mas better if dito muna kayo magstay. For better environment din," sabi nito.
"Thank you, Dra." saad ko.
"You can call me Tamara. Dra. is too professional," sabi nito sabay ngisi at hinawakan ako sa balikat at sinama ako papasok sa loob ng bahay. "Come inside everyone!" sabi nito sa tatlo.
Nang makapasok kami ay bumungad din sa amin ang interior ng bahay. The design was with mixed fushion of modern elements.
"Nakakamangha naman ang bahay na ito. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong kagarbong bahay," ani Marshall.
Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na napakandang lalaki pala niya. Manging sa tindig nito ay mapapansin ang kisig niya. Nakasuot ito ng topcoat na may maitim na t-shirt sa loob habang ang pang ibaba niya ay nakatrousers na black at naka black wholecuts shoes. Nakasuot din ito ng homburg na klase ng sumbrero. Kinuha niya ito at ang mahaba niyang buhok ang nangibabaw.
"Trinity!" nabaling ang tingin ko sa tumawag sa akin. It was Samuel. He was wearing a plain white sleeve shirt at nakatuck in sa maong pants niya na may kasamang belt. Nakasuot naman siya ng combat boots. May stainless na kwentas din ito. Nakataas ang dalawang kilay nito at para bang may ipinapahiwatig ang mga titig niya. Kung hindi ako nagkakamali, ito'y titig ng pagseselos?
Umiwas na lamang ako ng titig sa kahit na kanino sa kanila. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob.
Suddenly Tamara spoke to break the silence. "Everyone listen. All of you are safe here. No need to worry for the supplies because everything is in here. Just don't mind and learn to explore the house. And for your information, there are CCTV cameras in the hous—"
"Wait, so you're watching us?" Hullian interrupted. Hullian was wearing a white long sleeves na naka unbutton ang kalahati and a black trouser with belt on. He's wearing a leather shoes. He also has a watch in him.
"For Trinity's safety, I'll monitor all your actions. Don't worry I know how to respect privacy. That will be assured," she stated.
"Are you staying with us?" I asked her.
"No, Trinity. I have a lot of work to do. But, I'll always check on you." Pumunta ito sa gitna.
"Gentlemen, I'll leave everything with you. There's no maid in here, kaya alagaan niyo si Trinity. Pagsilbihan niyo siya kung nararapat. Lastly, I want you to act without stressing Trinity," bilin ni Tamara.
She gazed at her watch and check the time.
"Oh, I really need to go," sambit nito. Bago umalis ay lumapit ito sa akin at saka may binulong. "Don't let them fool your wicked heart," she whispered and I looked at her seriously. She smiled at me and added, "Take care of yourself, Trinity."
Lumakad na siya palabas ng pintuan at bago pa siya tuluyang makaalis ay may ibinilin ito.
"Gentlemen, I'm watching you!" pasigaw na paalala nito.
Namuo ang katahimikan sa aming apat.
"Mahal ko ako na ang magdadala ng gamit mo sa itaas," pagbasag ni Marshall ng katahimikan. Lumapit ito sa akin sabay hawak sa maletang dala ko.
"I can do it, saang kwarto mo gustong matulog, love?" singit naman ni Samuel saka hinawakan din ang maleta ko. Ngayon ay nagsasalpukan na ang mga titig nila ni Marshall. Walang emosyong tinitigan ko lang silang pag-agawan ang maleta ko.
"Trinity, let them bring your things. Let's go upstairs." Hullian smiled at me at hinawakan ako nito sa kamay sabay hila sa akin papunta sa taas.
I heard Marshall and Samuel complain. Sumunod na rin silang dalawa papunta sa taas. Nilingon ko sila at dala-dala nilang pareho ang maleta ko. Hindi talaga nagpaubaya ang isa sa kanila.
Nang makarating kami sa taas ay huminto ako at kinuha ang pagkakahawak ni Hullian sa kamay ko kaya medyo nagulat din ito.
"Sandali nga!" mariing sabi ko. "Akin na 'yan!" Lumapit ako sa dalawa para kunin ang maleta ko. Akmang kukunin ko na ito ng inilayo ito ng dalawa sa akin. Kanya-kanya silang hila nito, kulang na lang masira ang maleta sa pinaggagagawa ng dalawang lalaking ito.
"Can you just please give it to me? Kaya ko naman bitbitin 'to mag isa," saad ni Samuel kay Marshall.
"Ako ang naunang nag-alok. Kaya mas marapat na ako ang magdala nito," giit ni Marshall.
"Tss. Masyado kang paagaw pansin," usal ni Samuel.
"Napakatalas niyang bibig mo. Para lang sa kaalaman mo, ako'y may karapatan at pinangakong paninilbihan sa asawa ko," ani Marshall sabay hila ng maleta.
"Asawa mo? Nahihibang ka na!" Samuel sarcastically responded.
"Ito'y hindi kahibangan kun'di purong katotohanan lamang. Ikaw binata? Nakakasiguro ka ba talaga na asawa mo siya o baka naman ikaw 'tong nahihibang," Marshall. Bakas na ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
"I am sure that she's my wife!" mariing sabi nito saka tumingin sa akin. Biglang nagbago ang aura ng mukha nito nang magkasalubong ang mga mata namin. Napapansin ko ang namumuong butil ng luha sa mga mata nito. "Alam ko 'yon at alam ni Trinity 'yon," dagdag niya pa saka umiiwas ng tingin sa akin.
"Excuse me? May I?" Their attention diverted on Hullian. "Masyado niyo naman yatang inaangkin si Trinity. Remember, I can also be the real husband," Hullian stated.
I was just standing here looking at these three men fighting over me. Hindi ko naman akalain na ganito pala ang pakiramdam nang pag-agawan.
"Can you all please stop!?" I yelled kaya napatingin sila sa akin. I forcefully get my baggage from Marshall and Samuel.
"May sarili akong kamay para dalhin 'tong maleta," wika ko sa kanila.
"Paumanhin, mahal ko," saad ni Marshall.
"P'wede ba huwag mo akong tawaging mahal," mataray na saad ko sa kanya kaya medyo nanlumo ang mukha nito. Napangisi naman si Samuel.
"Ikaw rin! Stop calling me love!" I pointed on Samuel.
Hinarap ko silang tatlo.
"I want all of you to call me by my name. No endearments. Until I don't know who my real husband is, I'm no one's property." Tinalikuran ko silang tatlo at pumasok na sa loob ng isang kwarto.
I still can't believe that this is happening to me. Am I really living with these three men? I don't think I can handle this.
YOU ARE READING
Corpse Mistress (A NOVELLA)
Paranormal"I know I am married, but I don't know who I married." Trinity Giuliani, an agnostic woman who doesn't know love, woke up with three husbands yet unknown to her existence. Doubts devoured her as she questioned who her husband really is. A doctor who...