XV

159 10 23
                                    

Tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata, napabalikwas ako nang muling marinig ang malakas na pagkatok sa pintuan ng kuwarto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata, napabalikwas ako nang muling marinig ang malakas na pagkatok sa pintuan ng kuwarto.

I heave a deep sigh at malamyang bumangon. Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ang kumakatok. Bumulaga sa akin ang isang lalaking nakasandal ang isang kamay sa bukana ng pinto at ang isang kamay ay nakahawak sa baywang. Ginala ko ang mata ko mula ulo hanggang paa niya. Nakasuot ito ng usual white sando na naka-tuck in sa maong niyang pants na may belt at may disenyong pakpak habang naka-black suspenders at naka leather shoes. Nakahati ang medyo shiny na buhok nito at halatang bagong ligo dahil may tumutulo pang butil ng tubig. May kagat-kagat itong isang puting rosas at kininditan pa ako.

Napabuntonghininga naman ako sa nasilayan.

"Samuel? A-anong ginagawa mo?" naka-kuno't noo kong tanong.

"Hindi mo ba muna kukunin ang rosas sa labi ko? Medyo nangangalay na kasi ang labi ko at mukhang may tumutusok," pabirong saad at 'di kongkretong bigkas nito dahil kagat-kagat niya pa ang rosas. Napangisi naman ako at saka walang choice na kinuha ito.

"Woah, ang sakit n'on ah, may tinik pa yata," reklamo nito at napahawak sa bibig.

"Sino ba kasing nagsabi sa iyo na maggaganito ka pa?" natatawang saad ko.

"Ang aking romantikong pagkatao," taas noong wika nito. I can't believe Samuel, may pagkamahangin din pala ito. Marahan ko siyang hinampas ng rosas sa mukha at saka nakangising tinalikuran at bumalik na muli papunta sa banyo. Sumunod naman si Samuel sa pagpasok.

"Paki-hintay na lang ako, maliligo't mag-aayos lang ako," saad ko.

"Makakatikim talaga sa akin 'yong dalawa na 'yon, sinasabotahe yata ako ah," pabulong niyang wika ngunit rinig ko ito.

"Ano?" tanong ko.

"A-ah. . . wala wala," tugon naman nito sabay napakamot sa batok. Hindi ko na lamang siya pinagtuonan ng pansin at pumasok na ako sa banyo.

Ilang minuto rin ang tinagal ko at nang makalabas ay nagulat na naman ako kay Samuel.

"Aray!" malakas ang boses nito sabay pa na hinarang ang dalawang kamay sa kaniyang mga mata at napatingin sa gawing kanan.

"What is it?" nagtatakang tanong ko naman.

"I can't take it," saad niya kaya napakunot ang noo ko.

"Can't take what, Samuel?!" pangambang tanong kong muli dahil unti-unti na akong kinakabahan sa kung ano man ang nangyayari.

"Your beauty, I can't take it. Masyadong nakakasilaw ang kagandahan mo," malumanay na sagot niya at saka binaba ang dalawang kamay at tumingin sa akin ng nakakaloko. Sa kanilang tatlo si Samuel yata ang papatay sa akin sa inis.

Corpse Mistress (A NOVELLA)Where stories live. Discover now