VIII

507 32 12
                                    

"Trinity? Mukhang malalim ang iyong iniisip

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Trinity? Mukhang malalim ang iyong iniisip. Ayos ka lang ba?" Nanumbalik ang animo ko ng tanungin ako ni Marshall.

"A-ah oo naman, okay lang ako," nauutal na tugon ko sa kaniya habang natatarantang inaayos ang plato na nasa harap ko. Napansin ko ang matatalim na titig sa akin si Marshall na may halong pagtataka. Siguro ay nagtataka ito kung bakit ako natataranta. Hindi ko alam ngunit parang nababasa niya ang buong pagkatao ko, kaya alam ko na agad na may kahulugan ang mga titig niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka sinagot ang mga titig niya.

"May naalala lang ako," saad ko.

"Kung iyong mararapatin, nais ko bang malaman ang iyong mga naaalala?" tanong nito kaya tinitigan ko siya ng maigi at doon nagkasalubong ang aming mga mata.

"Naalala ko ang asawa ko," sabi ko sa kaniya kaya namuo ang ngiti nito sa labi.

Kinuha niya ang bulaklak at pinitas ang isang petal nito.

"Lagi ka ba niyang inaalayan ng bulaklak?" Inabot niya sa akin ang pinitas niyang petal. "Dahil kong oo, nakasisiguro akong ako ang naaalala mo," wika nito sabay ngiti. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Baka dahil lang ito sa nararamdaman kong kaba.

Napalunok ako at nginitian na lamang siya.

"Kumain na tayo. Pagkatapos nito ay may ipapakita ako sayo." Namuo na naman ang katanungan sa aking isipan. Ano naman kaya ang ipapakita niya sa akin?

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin kami sa pagkain. Lahat ng pinagkainan ko ay si Marshall na ang nagligpit. Nang makalabas siya sa kwarto ay nagpaalam na muna akong maliligo at mag-aayos tapos susunod na lang ako sa kaniya sa baba.

Ilang sandali pa ay natapos na rin akong mag-ayos, nakaharap ako ngayon sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Suot-suot ko ngayon ang bestidang puti na may pagka-mesh ang tela kaya halos kita na ang balat ng katawan ko sa loob. Seductive but this is what I want to dress myself, it makes me comfortable. Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay napansin ko naman ang strand ng buhok ko sa bandang kaliwang tenga, umiiba ang kulay nito, parang naging abo ang kulay.

Ano 'to? May puting buhok na ako? Ganito ba talaga ako ka-stress sa buhay?

Hinawi ko na lang ito at saka inilapag na ang suklay para sumunod na kay Marshall sa baba.

Habang pababa sa hagdanan ay napansin agad ng mata ko si Marshall na nakaabang. Para tuloy siyang naghihintay ng kaniyang bride sa altar.

Dinayo naman ng mga mata ko ang dalawang lalaking pinagmamasdan kami. Si Samuel na nakatayo at nakasandal sa wall ng pintuan at matalas ang tingin sa amin habang naka-cross ang dalawang kamay. Ganon pa rin ang istilo ng kasuotan niya. Naka-sando ito ng puti at naka-tuck in sa jeans niyang may belt at nakasuot ng leather boots. Nginitian naman ako ng nakaupong si Hullian sa couch habang nagbabasa... wait is that a Bible?

"Trinity," natuon ang atensyon ko kay Marshall ng tawagin niya ang pangalan ko.
Napatikhim na lamang ako at dumiretso na sa kaniya.

"Ayos ka lang?" usig nito. Tumango na lamang ako bilang tugon sabay ngiti sa kaniya.

"Tara, may nais akong ipakita sa'yo," saad nito at saka inalay ang kamay. Tinignan ko muna ito ng ilang segundo at saka nagpasyang ilagay na rin ang kamay ko.

"Salamat sa tiwala," saad nito kaya napatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko alam ngunit ang mga mapupungay niyang mata na kung titignan ay walang kabuhay-buhay at para bang dinaanan na ito ng ilang siglo ng pakikipaglaban sa buhay, ay siya namang nagbibigay buhay sa aking pananaw.

Dinala na niya ako papalabas. Paglabas pa lang namin sa pintuan ay natanaw na agad ng mga mata ko ang dalampasigan. It's so serene. I close my eyes and embrace the cold wind. Hinahampas nito ang buhok ko.

Sa paghampas ng malamig na hangin sa buhok patungo sa mga balat ko ay bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang haplos ng kahapon. Naririnig ko ang aming masasayang tawanan sa ilalim ng puno habang hinihimas ng kamay niya ang buhok ko. Kami'y nakatitig sa ulap at masayang pinagmamasdan ito.

"Napakaganda ng aking tahanan," 'yon lang ang narinig ko sa aking alala at ako'y nanumbalik na sa tamang wisyo.

"Napakaganda..." Bigla akong napatingin sa nagsalita sa gilid ko. Kaharap ko ngayon si Marshall at nakapikit ito habang sinasamsam ang sandali. Napansin ko ang balat nito, putlang putla na ito ngunit para siyang kumikinang sa paningin ko. Hindi ko alam ano'ng nangyayari sa kaniya?

"Ang puso mo ba'y handa nang makasama ako?" tanong nito at saka inilahad ang kamay  niya sa harap ko, tanda ng pag-iimbita para sumama sa kaniya.

Huminga muna ako ng malalim at saka hindi na nag-atubili na sumama sa kaniya.

Naglakad na kami sa puting buhangin habang nakatanaw sa amin ang dalampasigan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Marshall. Ngumiti lang ito sa akin at saka niya hinawi ang mahabang buhok niya.

"Alam mo ba noong panahon...gustong-gusto mo sumama sa akin upang maglakad kahit saan man tayo dalhin ng ating mga yapak," saad nito. Napakunot noo naman ako dahil sa aking kuryosidad. Hindi ko alam kung ito ang katotohanan ngunit ayaw kong sirain ang araw ni Marshall para patunayan ang sarili niya na siya talaga ang aking asawa.

Tumango ito bilang tugon.

"Saan naman tayo dinadala ng ating huling yapak?" usig kong muli.

Huminto kami sa aming paglalakad kasabay n'on ay nagkasalubong ang aming mga mata. May itinuro ito sa bandang gawi ko kaya dahan-dahan naman itong napatingin.

Isang putol na kahoy ang tumambad sa akin. Naglakad si Marshall papunta sa kahoy na 'yon at naiwan akong nakatayo rito. Nais kong isipan ng kahulugan ang kahoy na 'yon.

May pinulot itong matulis na bagay sa buhangin at saka itinurok ito sa kahoy at nagsimulang umukit ng hindi ko malaman kung ano.

Wait, Marshall is a sculptor?

"You're a sculptor?" I asked. Ngumiti lang ito sa akin at hindi sinagot ang tanong ko.

"Maari mo ba akong tulungan?" Lumapit na rin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.
Nang makalapit ay doon ko lang napagtanto na may kaunting imahe ng pakpak na palang nakaukit rito.

Hinawakan ko ito at parang may kung anong enerhiya ang dumaloy sa katawan ko.

"Gusto kong maalala mo ako sa pamamagitan ng aking mga likha," saad nito kaya parang nanlambot ang puso ko.

"You made this? It's beautiful. You've given gift to immortalize someone," puri ko sa kaniya.

"Ikaw ang nagbigay sa akin ng kakayahang umukit." Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon. I don't understand him, I can't even draw a human figure in a stick.

I chuckled and asked, "W-what?"

"Ikaw ang nagturo sa akin, mahal," he insisted.

"Sure ka? I can't even draw? How come I know..." Napahinto ako at tinitigan ang pakpak na gawa niya. "It's an angel wings? Am I right? Why?" Nagtatakang tanong ko at pang-iintriga ko sa kaniya.

"Minsan mo na rin hiniling sa akin na iukit ang paborito mong anghel," giit nito. Sa puntong 'yon nakaramdam na ako ng kaba at para bang ang bigat sa loob ng nangyayari ngayon.

"I-it's impossible... I don't believe in God, nor their existence," I insisted and that draw me more into curiosity. Nakatitig lang ng seryoso sa akin si Marshall. Did I hurt his feelings? I don't know but this doesn't feel right.

Corpse Mistress (A NOVELLA)Where stories live. Discover now