My irises orb was fascinated by the illuminating light of the candles. I felt like my soul was dancing within the fire and there were times where I visualize an unfamiliar face dancing with me."Trinity, ayos ka lang?" I heard Samuel's concerned voice pero parang wala lang ito sa pandinig ko, para akong nahi-hypnotized ng kandila sa harap ko. I was stuck watching it for the mean time until a strong cold breeze blow it up. Namatay ang lahat ng kandila na nasa mesa sa sobrang lakas ng hangin na tumama sa aming mga balat. Nanindig din ang balahibo ko sa aking kakaibang naramdaman. Kasabay n'on ay narinig ko ang sabay-sabay na pag-inda nilang tatlo na siyang pumukaw sa atensyon ko. I looked at them at pareho silang nakahawak sa iba't ibang bahagi ng katawan nila. Si Marshall nakahawak sa dibdib niya, malapit sa puso. Si Samuel ay nakahawak naman sa likod ng balikat niya. While, Hullian is holding his head. What's going on with them?
"What's happening?" nagtatakang tanong ko sa kanila at nagsimula na ring namuo ang pag-aalala ko sa kanila. Napansin kong dahan-dahang napatitig si Hullian sa malaking orasan na natatanaw sa sala. Inobserbahan ko naman ito. Alas dose na pala? Bakit parang ang bilis naman ng oras?
"It's already late...I think we should rest," he suddenly inunciated. "You too, Trinity you need to rest," he added.
"Okay lang ba kayo?" tanong kong muli sa kanila. Napaayos naman silang tatlo ng upo at halatang tinatago ang iniinda.
"Panget yata ang templa ng luto ko," sambit ni Samuel sabay ngumisi.
"Hindi ko nga nagustuhan ang templa kaya siguro biglang sumama ang pakiramdam ko," pagsang-ayon naman ni Marshall. Dahan-dahan itong tumayo sa kinauupuan pero napapansin ko pa rin ang iniinda niya dahil nahihirapan itong humakbang papalapit sa akin. "Mahal ko, halika na at ihahatid na kita sa kwarto mo," pag-anyaya niya.
"Sandali...okay lang ba talaga kayo? Ano bang nangyayari at parang may bigla na lamang kayong iniinda na sakit?" nag-aalala at nangangamba kong tanong. Nagtama ang mga mata nilang tatlo na para bang nangungusap na naman ito at binalot ng katahimikan ang silid.
"I think its just the side effects of the accident," Hullian break the defeaning silence.
"What? Gusto ko ba tawagan ko si Dr. Tamara para ma-check kayo—"
"Huwag!" sabay-sabay nilang tugon kaya medyo napatalon ang púwit ko sa gulat.
"A-ah ayos lang kami, Trinity. Kulang lang 'to sa pahinga," giit naman ni Samuel. Pinatayo na ako ni Marshall sa upuan kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Naglakad na kami papunta sa kwarto at nang makarating sa pintuan ay napansin kong putlang-putla na si Marshall, sobrang lalim na rin ng mga mata nito.
"Marshall, you look sick. Ano ba ang problema?" nag-aalalang tanong ko na at hinimas ang leeg at ulo niya para tignan kong mainit ba ito. Napatigil ako nang kunin niya ang kamay ko at saka hinawakan ito ng mahigpit at hinalikan.
"Alisin mo sa puso ang pangamba, aking Mahal. Ako'y nasa mabuting kalagayan wala kang dapat ipag-alala." Napabuntonghininga ito. "Napagod lang siguro ako, at kailangan ko lang ng pahinga...at lakas para bukas para sa pangalawang araw na akin ka," sabi nito. Napatango na lamang ako. Nagsalita itong muli pero sa pagkakataong 'yon ay sobrang ramdam ko na ang panghihina niya. "S-sana ay naging makabuluhan ang pagsasama natin sa araw na 'to, Mahal ko." Nginitian niya ako ng pilit at saka tumalikod na. Hindi na niya ako pinasalita pa, siguro'y alam niya na kukulitin ko lang siya sa kalagayan niya. Paika-ika itong naglalakad pababa habang minamasahe niya ang dibdib niya. Nabalot ako ng kuryosidad sa nangyayari sa kanila kaya agad ko nang isinara ang pinto ko at dali-daling inabot ang telepono para tawagan si Tamara.
"Hello, Trinity? How are you? Is there something wrong?" agad na bungad nito sa akin.
"Yung tatlo—" sagot ko ngunit agad din itong naputol dahil sa muling pag-ihip ng hangin sa loob ng kwarto kahit nakasarado naman lahat ng bintana ko. Ilang segundo akong niyakap ng katahimikan at nararamdaman ko pa rin ang malamig na hangin na bumabalot sa aking katawan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may kung anong yumayakap sa aking pagkatao?
"Trinity, are you there?" litanya ni Tamara sa kabilang linya kaya napukaw naman ang atensyon ko. "Are the three bothering you, Trinity?" sunod-sunod na usig nito.
"A-ah hindi naman. Gusto ko lang sana malaman...I mean I'm just concerned about them kasi basta-basta na lamang silang may iniindang sakit sa katawan nila. Gaya kanina pagkatapos namin kumain sa hapagkainan, sabay-sabay na lamang silang may ininda," pagpapaliwanag ko. Ilang segundo ring natahimik sa kabilang linya si Tamara.
"Apparently, their body is still traumatized and some wounds are still on the process of healing. Don't worry, I'll be there tomorrow evening, and I'll check them. Don't stress yourself too much, Trinity, you also need rest," paliwanag at pagpapaalala nito kaya medyo nabawasan naman ang pangamba ko.
"Ah ganon ba, sige salamat, Tamara," saad ko.
"Trinity, ikaw kumusta ang kalagayan mo riyan? May masakit ba sayo?" tanong nito.
"Okay naman ako, so far I don't feel any pain. Regarding the three, I don't still have memories of them in my mind," sabi ko sabay hingang malalim at napaupo sa kama. Pinagpatuloy ko ang aking litanya, "Tamara, do you think? One of them is really my husband?" Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang lumabas ang mga katagang 'yon sa aking bibig.
"Trinity, I know it's hard and I sympathize with you...but you know I can't answer that question. Hindi naman kasi ako ang nakakaramdam ng emosyon mo. Sa ngayon ikaw lang talaga mismo ang makakatukoy niyan. Kung nahihirapan ang utak mong makilala sila baka sakali ang puso mo ang makakakilala sa kaniya," sabi niya.
"You know what...I can't remember my husband nor do I have memories with one of them but there's this strange feeling that made feel like I was in love with the three," sabi ko.
"What?" naguguluhang tanong din ni Tamara. "Hindi kaya asawa mo silang tatlo, Trinity?" Nanlaki ang mata ko at saka kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang bitawan ni Tamara ang mga katagang 'yon. Napaisip ako bigla sa naging pahayag niya.
"I-I think it's imposible." I get up from bed, and started walking back and forth due to the sudden tension I'm bearing.
"Why?" she query.
"I started to remember who I am. Honestly, I'm not really a believer of love eventhough I'm married to someone," I said. Naramdaman ko na rin ang panlalamig ko.
"Wait, what are you talking?" I took a deep breath and respond to her question.
"As far as I remember, the reason why I'm married is because I want to prove that love is real and it does exist," I confessed.
Muli akong nakaramdam ng ihip ng hangin at inihampas pa nito ang mga buhok ko na parang alon sa hangin. At maya't maya pa ay parang may boses akong narinig na bumulong sa aking tainga.
Doon na ako kinilabutan dahil ang narinig ko ay nagsabi ng mga katagang, "It's real. I am real."
♡♡♡
YOU ARE READING
Corpse Mistress (A NOVELLA)
Paranormal"I know I am married, but I don't know who I married." Trinity Giuliani, an agnostic woman who doesn't know love, woke up with three husbands yet unknown to her existence. Doubts devoured her as she questioned who her husband really is. A doctor who...