Pinagmamasdan ko ang imahe ng krus sa silid ng simbahan habang kumakanta ang mga nananampalataya sa kaniya. Nagtataka ako kung bakit ang debosyon nila ay umaapaw ngunit kabaliktaran naman ang pinapakita nilang trato sa tao. Kung totoong pagmamahal ang binibigay niya sa mga tao bakit kailangan pang may gulo? At higit sa lahat bakit kailangan pang may magdusa na bata kagaya ko? Hindi niya ba ako mahal?"Nagdasal ka na ba?" tanong ng Madre. Hindi ko ito sinagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabahin sa alagad ng diyos na hindi ako naniniwala sa kaniya. Labing-dalawang taon pa lang ako pero ito na agad ang paniniwala ko.
Hindi ko pinansin si Sister at dumiretso ako sa malaking krus. Nais ko sanang hawakan ito ngunit hindi ko naman maabot kaya ang hinawakan ko na lang ay ang estatwa ng isang anghel na kasama sa nakapalibot sa malaking krus kung saan nakapako ang Panginoon.
"Totoo ka ba? Kung totoo ka..." Napalingon ako kay Sister, pinagmasdan ko muna siya bago ulit ibinaling ang atensyon ko sa Panginoon nila at saka itinuloy ang aking kahilingan. "Tulungan mo akong makaalis dito. Ayoko na rito," bulong ko. Isang sandali pa ay isang malakas na hangin ang dumampi sa balat ko, iwinagayway nito ang mga buhok ko at bigla na lamang akong nakaka-amoy ng sampaguitang bulaklak.
"Hinahanap ka na nila..." sambit ni Sister na siya ngayo'y hinahawi na ako para isama sa kaniya.
"Ayaw ko po sa kanila. Masama silang tao!" Pagpupumiglas ko ngunit mahigpit ang hawak sa akin ni Sister kaya para na rin akong naging estatwa at hindi makagalaw.
"Tutulungan ka nila, anak. Maniwala ka lang, tutulungan ka nila sa sakit mo," pangungumbinsi niya.
"Wala po akong sakit! Normal po ako! Ayaw ko nang bumalik doon, parang awa mo na, Sister!" pagtangis ko habang pilit na nagmamakaawa sa kaniya. Sa 'di malamang dahilan habang papaalis kami sa loob ng Chapel ay parang bumabagal ang ikot ng mundo at parang nasisilayan ko ang isang nakakasilaw na liwanag sa bukana ng Chapel.
I was gasping for breath when my conciousness came back. My whole body was sweating and my heart was running as if I'm on a relay race.
"Trinity? Ayos ka lang? Ano'ng problema?" Tuluyan nang bumalik ang diwa ko sa boses na narinig ko.
"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko at binaybay ang paligid. Nasa tabi pa rin kami ng dagat at ako nakahiga sa buhangin habang kalong-kalong ni Marshall ang ulo ko.
"Nagku-kwento ka sa akin kanina ngunit di nagtagal ay nakatulog ka na," saad naman nito.
"The sun almost sets, ganoon ako katagal nakatulog?" nagtatakang tanong ko. I don't know if those were dreams or a memory from my childhood but those are weird and it feels like I was lost in nowhere for a minute.
"I had a weird dream," mahinahong sambit ko. Nagtama naman ang kilay nito dahil sa kuryosidad.
"Nais mo bang i-kwento ang napanaginipan mo?" Nagdalawang-isip ako na sabihin ito kay Marshall, he may used it to take advantage of me and of what memories I have. I nodded my head as a sign of a 'no'. He just smiled at me and tapped my head.
"Baka napagod ka na, nais mo bang bumalik na sa silid at magpahinga?" tanong nito. Nakahinga naman ako ng malalim. Marshall seems intimidating because of his fierce look but I love how respectful, calm and gentle he was when it comes to me. I gave him a plain smile.
Tumayo ito at ipinagpag ang kasuotan. Nagtataka ako kasi kahit mainit ay balot na balot pa rin ang katawan nito.
"Sigurado kang ayos ka lang, Trinity?" muli nitong tanong. Huli ko nang namalayan na nakititig na pala ako sa kaniya habang nakaupo pa rin sa buhangin. Ang hindi ko lang maipaliwanag sa napapansin ko ngayon ay parang nagiging pamilyar ang aura niya sa aking paningin. Tinignan niya ang katawan niya dahil sa aking nakakapagtakang titig. Nang mapagtanto kong medyo ang awkward na nga ang mga titig ko sa kaniya ay itinuon ko na lang ang titig ko sa dalampasigan.
"Maari ko bang kunin ang iyong kamay para tulungan kang makatayo sa kinauupuan mo?" Until now, I'm still not used to Marshall's treatment. Napakama-ginoo niya.
Nginitian ko siya at saka sinagot, "Oo naman." Inalay ko ang kamay ko sa naghihintay niyang kamay sa ere.
Habang naglalakad kami pabalik sa mansyon ay nagkaroon pa rin kami ng pagkakataon na mag-usap.
"Saan nga pala tayo kinasal?" tanong ko sa kaniya dahil bigla na lamang itong pumasok sa aking isipan.
"Sa isang simbahan sa Siyudad ng San Zareno. Mga malalapit na kaibigan lang din natin ang dumalo para maging saksi sa pag-iisang dibdib natin, kasi ayaw na ayaw mo na pinapaligiran ka ng maraming tao." Napatingin ako sa kaniya, hindi ko lubos na maalala na mailap ako sa mga tao.
"Talaga?" nagtatakang tanong ko.
Tumango ito sabay ngiti at saka sinagot ako, "Oo...'yon ang tanging alaalang ayaw kong burahin sa aking isipan. At kung mamamatay man ako, pinapangako kong dadalhin ko 'yon sa aking libingan," saad niya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko ngayon. Malabo.
"M-may naalala ka bang kaibigan na naroon sa araw ng ating kasal?" pag-iiba ko sa usapan. Natahimik ito ng ilang segundo at napansin kong may hinahawakan ito sa kamay niyang hindi mapakali.
"S-si Celes...ang matalik mong kaibigan," tugon niya. Bakit kaya bigla itong naging tensiyonado? Wala naman mali sa tanong ko. Maliban na lang kung may ayaw siyang malaman ako. At sino at anong meron kay Celes at kung banggitin niya ang pangalan nito ay gan'on na lamang ang naging reaksyon niya. Hindi mapakali at natataranta.
Nang makarating kami sa pintuan ng bahay ay napahinto ako at gan'on din siya. Tinignan niya ako ng malalim at nangungusap ngayon ang aming mga mata.
Ibinaling ko ang atensyon ko sa nanginginig niyang kamay at hinawakan ito kaya bigla itong kumalma.
"Okay ka lang, Marshall?" tanong ko. Kinuha niya ang mga kamay ko at may inilahad ang palad ko at saka may inilagay ito sa kamay ko.
Isang kwentas at may kahoy na pendant ng itim na pakpak. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa pagtataka. Ano 'to? At para saan?
"Nais kong ialay sayo ang kwentas na inukit ko. Tanda 'yan ng pag-alay ng sarili't pagmamahal ko sa'yo, Trinity," sabi nito. "Isa lang sana ang hiling ko sa ngayong may konting pagkakataon ako para ipaalala sayo ang lahat. Kung iyong papayagan, pwede ba kitang tawaging 'Mahal ko'? Dahil ang aking buong puso't kaluluwa ay nangungulila na at tinatawag na ang pinakamamahal nitong babae," saad pa niya.
With those words, my heart felt the warmth it longed. I can feel it beat for a moment.
Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay niya habang nasa loob ng mga kamay ko ang kwentas na ibinigay niya.
"Sayo ako ngayon, Marshall. Kaya lahat pwede mong gawin para patunayan sa akin na ikaw ang asawa ko." Sa sobrang galak ay bigla ako nitong niyakap nang napakahigpit at sa sandaling 'yon naramdaman ko ang pangungulila niya.
That hug also filled my dying heart a breath.
YOU ARE READING
Corpse Mistress (A NOVELLA)
Paranormal"I know I am married, but I don't know who I married." Trinity Giuliani, an agnostic woman who doesn't know love, woke up with three husbands yet unknown to her existence. Doubts devoured her as she questioned who her husband really is. A doctor who...