XX

308 25 12
                                    

The tick of the clock cascade into my ears

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The tick of the clock cascade into my ears.

"Dra. Narito na po siya." Napalingon ako sa boses na aking narinig sa likuran.

"Magandang araw po, Sister Felicia. I am Dra. Tamara Alfaro." Inalok ko ang aking kamay para ishake hand

"Ikinagagalak kong makilala ka, ija. Hinahanap mo raw ako? Maari ko bang malaman ang dahilan?" tanong nito sa akin kaya hindi na ako nagsayang ng oras para kausapin siya. Kinuha ko ang documents sa bag.

"Nais ko lamang po magtanong kung pamilyar po ba ang babaeng ito sa inyo?"     tanong ko sabay pakita ng litrato ni Trinity.

"Pamilyar ang batang 'yan, marahil ay nakita ko na siya," sagot ni Sister.

"Nang akin po kasing usisain ang litratong ito, may napansin po akong logo sa likod. At base nga po sa aking imbestigasyon ay logo ito ng orphanage." Tinignan niyang muli ng maigi ang litrato na hawak ko.

"Naalala ko na! Isa siya sa mga alaga ko noong kapanahunan. Ngunit matagal na panahon na rin 'yon, ija, kaya 'di ko na maalala ang lahat." Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pag-aalala nang sabihin niya 'yon. Hindi ko maintindihan.

"Kapanahunan? Ano po'ng ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Isa siya sa mga unang naging alaga ko noong kabataan ko, noong bago pa lang ako sa pagmamadre. Napaka-ganda at bait na bata, ngunit ng magdalaga na at nag-asawa siya ay nilisan na niya ang bahay-ampunan." Sa sandaling 'yon ay natulala ako sa aking narinig. Anong ibig sabihin ni Sister? Naguguluhan ako. "Halika at may ipapakita ako sa iyo." Naglakad siya papunta sa bookshelves na naka-display dito sa loob. May kinuha itong isang photo album. Napansin ko na medyo luma na rin ito.

"Ako na po." Tinulungan ko siyang kuhanin ang album dahil sa edad ni Sister ay nahihirapan na rin siya.

"Buksan mo 'yan, ija, sa palagay ko ay nariyan ang mga larawan niya." Hindi naman ako nagdalawang-isip at binuklat ko ang photo album para usisain. Napaupo muna ako sa couch.

Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang iba't ibang litrato ng mga bata. Luma na rin ang mga litrato kaya kupas na rin ang ibang mga kulay nito—vintage photos I must say.

Hinanap ko kung may larawan ba rito si Trinity ngunit sa ilang minutong pag-uusig ay wala akong makita kaya nagbukas ulit ako ng ibang photo album. Ngayon ay hawak ko na ito, ngunit bago ko pa man 'yon buksan ay
naalala ko ang date na nakasulat sa likuran ng litrato ni Trinity sa pagkabata. Agad-agad ko itong tinignan sa likod. May nakita ako doon na 10/23.

Right now, my mind was preoccupied with questions.

"Sister, pwede ko po bang malaman kung may record po kayo ng Birthday's ng mga bata rito? Even the old one's?" tanong ko kay Sister.

"Meron naman, ija, pero ang kaarawan ng mga bata ay hindi tugma kung kailan mismo sila pinanganak dahil ang iba sa kanila ay hindi namin alam ang kaarawan kaya ipina-rehistro na lang namin sila kung kailan sila dinala sa bahay ampunan na ito," wika nito.

"Okay lang po, pwede po ba ako makahingi ng kopya?" tanong ko naman ulit.

"Sa ngayon wala pa kaming maiibigay na impormasyon sa'yo dahil amin pa 'yong hahanapin sa mga records namin lalo na't matagal na panahon ang hinahanap mo," tugon nito.

"Okay lang po, Sister. Hihintayin ko po ang impormasyon na maiibigay niyo. Maraming salamat po," nakangiting saad ko. Nagpatuloy na muli akong buksan ang photo album. Nang buksan ay bumulaga sa akin ang litrato ng mga bata, litrato at may pangalan nila tapos nakalagay na rin doon ang birthday nila.

Namuo ang galak sa akin dahil sa nakita kaya't agad ko itong inusisa. Nakakuno't noo akong nag-uusig habang binabasa sa isipan ko ang mga pangalan nila. Napansin ko kasi na ang mga larawan na tinignan ko ay litrato ng mga batang may edad na rin ngayon at sa malamang ang iba sa kanila'y matagal na ring yumao. Most of them were born on the 1950's pababa. Ilang minuto rin akong naghanap rito ng impormasyon, sa sobrang pokus ko ay sumasangit na rin ang batok ko, ngunit wala talaga akong mahanap.

Ilang sandali pa ay biglang naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Hindi ko muna ito tinuonan ng pansin, tatapusin ko muna itong paghahanap dahil nasa huling pahina na lang din naman ako.

Dahan-dahan kong kinapa ang phone ko sa bulsa para patayin na sana ito kasi nakakairita na ito, ngunit naagaw ng atensyon ko ang litrato ng isang batang babae.

Wait, is this...?

Binasa ko ang pangalan sa utak ko. Celestrina Graciano.

I'm not mistaken, she's my Mom!

Agad kong kinuha ang phone sa bulsa para tawagan si Mommy ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon ay siya pala itong tumatawag sa phone ko.

"Hello, Mom! I need to talk—" Bungad na wiko ko ngunit naputol din ito nang magsalita rin si Mommy sa kabilang linya.

"We're on our way to our vacation house, sweetheart. See you in a bit!" she excitedly announced.

"What!? You're already on your way? I thought you'll arrive tomorrow?" gulat na tanong ko. Buong akala ko bukas pa sila makakarating ng Daddy ko. But it's also a good news, I'll have the chance to talk to her personally about what I found out.

"I'm sorry, sweetheart. Ito kasing Daddy mo gustong-gusto ka nang makita." Namuo sa mga labi ko ang ngiti ng marinig 'yon. I've missed them too.

"Okay, I'll see you then. Take care. I love you, guys! Bye!" 'yon na lang ang tugon ko at saka pinatay ang phone at agad na tumayo para umalis.

"Sister, kailangan ko na po munang magpaalam. Pwede ko po bang mahiram itong photo album? Ibabalik ko po agad sa susunod na mga araw," paalam ko.

"Sige, ija," sagot nito saka ngumiti.

"Maraming salamat po," wika ko at saka sinamahan ako ng mga batang madre na naroon palabas sa kwarto.

Nang makarating ako sa loob ng kotse ay hindi na ako nagsayang ng oras. Pinaandar ko agad ito at saka umalis. Habang nagmamaneho ay na-realize ko na, hindi ko alam na galing si Mommy sa bahay ampunan. She never told us about that, and the fact that she and Trinity goes and came to the same orphanage made me wonder more. I really need to clarify things with her. It was her who can only answer my questions.

Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa bulsa at pinasadahan ng tingin. It was Xai calling so I immediately answered it. I also need to tell him about this.

"I need to tell you something," sabay pa naming pagbati sa isa't isa kaya mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko ngayon.

"What is it about?" I curiosly asked.

"Okay, you go first," giit nito sa kabilang linya.

"I'm driving but I'm on my way to the vacation house, meet me there. I guess it's about Trinity's case, right? I also have something to tell you about this matter. This is really crucial, Xai. I need you to be there," I said at binaba ang phone.

And for Trinity, I don't know why you're so mysterious.

Corpse Mistress (A NOVELLA)Where stories live. Discover now