XXII

285 23 12
                                    

DR

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DR. TAMARA'S POV

Nang makarating ako sa Vacation house ay agad rin ako na sinalubong ni Xaiser, kamuntikan pang magbanggaan ang kotse namin. Bumaba agad ako.

"Papatayin mo ba ako, Xaiser!?" inis kong salubong sa kakababa lang na lalaking 'to.

"I'm sorry, Tam it's not intentional," paghingi naman nito ng paumanhin.

"As it should dahil ako ang papatay talaga sayo pag ginawa mo 'yon!" saad ko pa. Sa sobrang dami ng kaganapan, naisingit pa talaga namin ang mag-away.

"I'm really sorry, please?" Natahimik ako bigla nang maging malumanay ang boses nito. He really knew my weak spot. I just hissed and rolled my eyes.

"Fine. Anyway, let's go back to our job. Ano'ng nasagap m-" Naputol ang sasabihin ko ng biglang may bumosenang kotse na paparating. I almost forgot, my parents is here.

Sinalubong ko sila nang makababa sila sa kotse.

"My lovely daughter I miss you," Mom greeted and gave me hugs and kisses.

"How's my daughter?" Dad also approached me and hugged me.

"I miss you too, Mom and Dad!" I hugged them tightly and gave them kisses on the forehead. Kumawala sila sa yakap nang mapansin si Xaiser sa likuran. Tinignan nila ako nang may halong pagtataka at pagkwestyon. Obviously, my parents knew that I and Xaiser are already broke up kaya laking gulat na lang siguro nila na magkasama kami ngayon.

"Hi, Tita and Tito. It was nice seeing you again," pagbati nito at saka nilapitan sila Mommy at Daddy at saka nagmano.

"Kumusta ka na, iho?" tanong ni Mommy.

"Maayos naman po, Tita," sagot ni Xai. Mabuti na lang at maayos pa rin ang pakikitungo nila sa isa't isa marahil ay alam naman ng parents ko ang rason kung bakit kami naghiwalay and it was a healthy break up for me.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" tanong naman ni Daddy kaya nagtama ang mga mata namin ni Xai.

"A-ah. . . may inaayos lang po kaming kaso ni Tamara," tugon niya.

"What? What case!?" agad na tanong ni Mommy dala ng kuryosidad at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napailing ako kay Xai. He should not open this up in front of my parents. Alam niyang mag-aalala lang itong dalawa at panigurado ay hindi ako titigilan sa pagtatanong.

"Hmm. . . Mom and Dad, may mga tao po sa bahay. Four of my patients are living here. I'll explain everything later. I want you and Dad to go to your room first and take a rest for awhile. I'll just call you later para ipakilala sila sa inyo. I just need to talk to Xai for a really important matter." pagputol ko nang usapan at saka ipinaliwanag sa kanila.

Tumango lang silang dalawa at saka hinalikan ako sa pisngi at nagtungo na sa kanilang kuwarto. Nang matanaw kong nakapasok na sila Mommy at Daddy ay agad kong hinila si Xai papunta sa office room ko. Nang makapasok kami ay agad kong isinara ang pinto.

"What have you got?" agad na tanong ko.

"I found the identity of the three guy," mariing wika niya at seryoso ang nakapintang mukha. May kinuha ito sa likuran niya at inilapag agad ito sa mesa ko. Ito ay mga ID cards na hindi ko alam kung saan niya na retrieved. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "It's not their real identity." Nakaramdan ako ng panghihina ng tuhod at parang tumataas ang mga buhok ko sa batok ng marinig 'yon. Napalunok ako at napabuntonghininga dahil nagsisimula nang umiba ang nararamdaman ko sa mga nangyayari. "Marshall, he was born by the name Marcel Estofano, a painter, living alone, no family. That Samuel guy, his real name is Samael De Vera. Isa siyang Racer, nag-iisang naninirahan dito sa Pilipinas. His family already migrated in the US with no trace of contact. The last one, Julio Alvarez, an orphan and mentally-ill, nakatakas sa mental hospital."

Bahagya akong napaupo sa nalaman. I felt the water on my eyes arises. Para akong naluluha dahil kung totoo man ang aking hinala, naawa ako sa kalagayan ni Trinity.

"I-isa ba sa kanila ang asawa niya?" nanginginig na tanong ko.

"N-none of them." Nang banggitin 'yon ni Xai ay pumatak na talaga ang luha ko.

"A-all this time, niloloko lang nila si Trinity? F-for. . . for what reason!?" I ranted.

"'Yon ang hindi ko alam. Sa ngayon wala rin akong ideya kong ano ang pakay nila kay Trinity. At kung bakit kailangan pa nilang magpanggap?" sabi ni Xai. Tumayo ako sa kinauupuan.

"We need to save Trinity!" Akmang aalis na ako at pupuntahan kung nasaan man sila naroon ng pigilan ako ni Xai.

"Wait. . . there's one more thing you need to know." Huminga ng malalim si Xai at parang nagdadalawang-isip pa ito sa sasabihin.

"Trinity does n-" Naputol ang sasabihin niya ng bulabugin kami ng isang kalabog ng pinto. Sobrang lakas nito kaya kahit gustong-gusto ko nang marinig ang sasabihin ni Xaiser ay pinagpalipas ko muna ito. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa harap ko si Mommy.

"Mom? What is it? Is there any problem?" sunod-sunod na tanong ko dahil sa pagtataka at pag-aalala.

"Anak, if I'm not mistaken, pasyente mo ang nasa beach front?" she asked and even pointed outside.

"Nasaan sila?" tanong ko naman dahil hindi ko masyadong maaninag ang tinuturo niya.

"Naroon sila and I think they're arguing?" Agad-agad na nilingon ko si Xaiser at nangusap ang aming mga mata. Sa puntong 'yon ay kinabahan na agad ako.

"For God's sake!" I said, almost a whisper. "Mom stay here with, Dad, okay?" paalala ko kay Mommy.

"What's happening?" nag-aalalang tanong pa ni Mommy.

"Mom, please not now," mariing wika ko na lang at nag-signal kay Xai na pumunta kung saan sila naroroon. Nagmadali kaming lumabas pero napahinto kami sa biglang sigaw ni Mommy.

"Tamara!" Napa-pikit ako ng mata at huminga ng malalim.

"Where did you get this?" Napalingon ako sa tanong niya at doon ko lang namalayan na hawak-hawak na niya ang litrato ng kabataan ni Trinity na nakuha ko sa orphanage kanina.

Bahagya akong natahimik at hindi nakasagot sa tanong ni Mommy. Napansin ko rin ang pag-iiba ng aura nito. Para itong nanlumo at ano mang oras ay may papatak na luha sa mga mata niya.

"A-anak. . .saan mo nakuha ang litratong ito?" tanong niyang muli. I looked at Xaiser for a while. He held my hand dahil nanginginig na ito. Hindi ko rin alam kung bakit.

I'm about to open my mouth and speak for answer when a sudden loud struck of thunder echoed in our ear and a deafening silence devoured the surroundings.

I think God is angry on what's happening.

Corpse Mistress (A NOVELLA)Where stories live. Discover now