XVI

280 22 12
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Yesterday was heartpounding. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari kay Samuel at bigla na lamang itong nanghina kaya umuwi na lamang kami at baka kung ano pa ang nangyari sa kaniya. It's Samuel's day two. Nag-aayos ako ngayon habang siya ay naghihintay sa labas ng kuwarto. Hindi ko na rin siya pinahintay ng matagal kaya nang matapos ay agad na rin akong lumabas.


"Goodmorning my lovely wife!" ganadong bati nito kaya medyo napataas ang balikat ko sa gulat. Hindi mo mawari sa mukha ni Samuel ang panghihina niya kahapon. Maayos na kaya ang pakiramdam niya?

"Kumusta ka? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya. Inayos nito ang suspenders at damit at ang kaniyang buhok saka nagpapogi.

"Maayos pa sa maayos," ganadong sagot niyang muli.

"Sigurado ka ha? Baka mamaya manghina ka na naman. I can't risk—"

"I'm good, Trinity. You don't have to worry. This is my last day, at ayaw kong masayang ang araw na ito," seryosong wika niya kaya napatango na lamang ako.

"It's your day two. Ano'ng balak mong gawin natin ngayon, Samuel?" tanong ko sa kaniya.

"May gusto akong ipakita sa iyo. Sigurado akong magugustuhan mo ito," nakaka-enganyong salita niya.

Bumaba na kami at habang pababa sa hagdan ay napansin ko na naman si Hullian na tutok na tutok sa binabasa niya. Naagaw lang namin ang pansin niya ng magpaalam si Samuel na aalis na kami. Nginitian lang kami nito at saka bumalik muli sa binabasa. Si Marshall naman ay hindi mahagilap ng mata ko.

"Nasaan si Marshall?" tanong ko kay Samuel habang papalabas kami sa pinto.

"My lovely wife, huwag mo nang hanapin ang wala," sabi niya. Hindi ko na lamang binigyang pansin ito.

"Saan tayo pupunta?" tanong kong muli dahil nakalabas na kami ng gate.

"Mag-aalay lakad tayo pabalik doon sa pinuntahan natin kahapon. Ayos lang ba sa iyo?" Seryoso ba siya? Hindi naman sa nagrereklamo ako pero nakakapagod kaya maglakad papunta roon lalo na at may parteng pataas na daanan doon. Napabuntonghininga ako at napatango na lamang.

Ilang minuto rin kaming naglakad hanggang sa makarating sa destinasyon namin kahapon. Mabilis akong napaupo sa damuhan dahil sa pagod.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Samuel at sinamahan akong umupo. I looked at him straight in the face while my sweat stream down my face.

"You're not trying to be funny now, right?" Pagkatapos kong sabihin iyon ay napansin kong may kinuha itong panyo sa bulsa niya at medyp napaatras pa ang mukha ko sa gulat nang idampi niya iyon sa balat ko para pahiran ang pawis ko.

"Sorry kung pinagod kita," mahinahong wika niya habang ginagawa iyon. Out of a sudden my heart skips a beat when everything feels romantic. Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin siya.

Corpse Mistress (A NOVELLA)Where stories live. Discover now