XXI

294 22 13
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nagising ako nang walang nasisilayang pagkatao sa harap ko. I'm not used to it anymore, simula nang magsama kami ng tatlo sa isang linggo, nasanay ako na sa pagmulat ko ng aking mga mata, nasisilayan ko agad sila, kaya sobrang nakakapanibago. Bumangon ako at agad na nagtungo sa baba dahil hinahanap ko talaga ang presensya nila. The defeaning silence devoured the mansion.

Nasaan sila?

Hinanap ko sila sa bahay hanggang sa pinakasulok-sulukan nito ngunit ni anino nila ay wala akong nahagip. Napahinto ako sa sala nang may mapagtanto ako. I only gave them seven days. This is it, the final countdown—it's the seventh day, the last day of them convincing me of the vow they took with me.

We agree that the last day, hahatiin nila ang buong araw. Marshall in the morning; Samuel in the afternoon; and Hullian in the evening. Ngunit, nasaan sila? Hindi kaya umalis na sila? Iniwan na nila ako? Naramdaman ko ang biglang pagkirot ng puso ko at nanikip ang dibdib ko.

Napalapit na rin sa akin ang tatlo kahit madalas silang magtalo. Pinaramdam nila sa akin ang pagmamahal na hindi ko inaasahan.

Naramdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko. Napalingon ako sa kwarto nila, dahil limited lang naman ang kwarto rito, sa iisang kwarto lang sila magkasama natutulog.

Hindi ako nagsayang nang oras at agad kong tinungo ang kwartong iyon. Bago pa ako pumasok ay naiwang nakabukas ito.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kinukuryente ang kamay ko nang mahawakan ko ang doorknob nito marahil ay sa kaba ko lang ito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako kinakabahan sa puntong ito. Nang makapasok sa silid ay doon na pumatak ang namumuong luha sa mga mata ko at bumagsak ang katawan ko sa sobrang pagkagulat sa aking nasaksihan. I saw my face, my body and everything that I was, inside their room. Napapalibutan ang buong silid ng mukha ko.

What is the meaning of this?! Are they. . .obsessed with me?

Nakarinig ako nang pagbukas ng pinto sa labas kaya kahit nanghihina ako sa nasaksihan ay agad ako naghanap ng mapagtataguan. Napansin ko ang cabinet kaya roon ko siniksik ang sarili ko para magtago.

Unang tumambad sa harap ng pinto si Hullian na napahinto pa at bakas sa mukha ang pagtataka kung bakit bukas ang pintuan ng kuwarto nila.

"Did you leave this door open?" agad na tanong nito sa dalawa na binunggo pa siya dahil hindinila namalayan na nakaharang ito sa pintuan. Nagtatawanan pa ang dalawa. How come they look so close to each other kahit na sa harapan ko ay kulang na lang magpatayan sila. If my instincts are right. I must believe that this is planned.

"I forgot, nakalimutan ko pa lang isarado ang pinto kanina," ani Samuel at pumasok na sa loob. Sumunod naman si Marshall habang nagbabatuhan pa sila ng tinapay na sa tingin ko ay binili nila sa labas kaya wala sila sa bahay. Pumasok na lamang din si Hullian sa kwarto kahit bakas pa sa mukha nito ang pagtataka. Nakamasid lang ako sa maliit na butas sa cabinet na ito at pinagmamasdan ang bawat galaw nila.

Corpse Mistress (A NOVELLA)Where stories live. Discover now