Setyembre, 1945
Taong Milyo Nueve Kwarenta'y Sinko, buwan ng Sityembre. Kasagsagan ng gyerang pandaigdigan. Bente-tres anyos ako noon nang makilala ko ang isang lalaki na siyang sumagip sa akin sa kamay ng mapang-abosong militar. Isa siyang Heneral ng isang hukbo na ipanagtanggol ang bansa. Isang taon kaming nagsama hanggang sa tuluyan akong napaibig sa kaniya at nagbunga ang pagmamahalan na iyon. Kami'y ikinasal sa ika-huling buwan ng digmaan. Ngunit sa kalagitnaan ng seremonya ay isang hindiinaasahan na pangyayari ang puputol sa kaligayahan na iyon.
"Nangangako ako sa harap niya na mamahalin ka ng buong puso, mula sa langit hanggang sa lupa, saan man tayo dalhin ng tadhan-" Naputol ang sasabihin niya ng biglang may lumapit sa aming naka-uniporme ng sundalo at duguan. Agad-agad naman nagsitayuan ang aming sampong bisita at nataranta sa nasaksihan.
"H-heneral, Marshall! Hindi na po kaya ng ating hukbo ang digmaan na nangyayari ngayon sa Norte.
K-kailangan na nila kayo." Nawalan ito nang malay kaya agad na nilapitan ito ni Marshall. Nilapitan naman ako ng aking kaibigang si Celes. Hinawakan ni Marshall ang pulso nito ngunit wala nang bakas ng buhay sa kaniya.
Bilang isang Heneral ng hukbo, kailangan niyang gampanan ang responsibilidad niya. Kinuha niya ang baril nito na punong-puno ng dugo; nagmantsa pa ito sa puting barong niya. Nagsalubong ang aming mga mata. Nakaramdam na ako ng takot dahil hindi maganda ang bumabalot sa aking pagkatao. Ang mga mata ni Marshall ay nangungusap na kailangan na niyang umalis. Tumakbo na ako papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit habang humihikbi.
"Ayokong umalis ka. Huwag mo akong iwan. . . hindi ko pa nasusuot sa iyo ang sing-sing mo," giit ko sa kaniya. Ramdam ko ang paghigpit niya ng yakap at saka hinarap ako. Hinawakan niya ako ng duguang kamay niya sa pisngi kaya nagpinta na rin ang pulang likido sa mukha ko.
"Tutuparin ko ang aking panata sa iyo, mahal ko. Babalik ako at ikaw mismo ang magsusuot sa akin niyan.
"Paano kun-" Hindi na niya ako pinatapos.
"Magtiwala ka lang sa kaniya. At lagi mong panghawakan ang hiniling ko sa iyo," huling sambit niya at saka ako tinalikuran, hindi na ito lumingon pa para magpaalam. Siguro'y ayaw niya lang makitang nasasaktan ako sa paglisan niya. Nakaramdam ako lalo ng pangamba ng bigla kong mapagtanto ang sinabi niya, dahil dalawang klase ng kahilingan ang hiningi niya sa akin.
Ilang oras na ang aking paghihintay rito sa simbahan ngunit wala pa ring balita akong nakakalap kung ano na ang nangyayari. Ako'y binabalot na ng sobrang takot at taranta, hindi ako mapakali sa aking ginagawa at pabalik-balik ako sa paglalakad. Hawak-hawak ko ang isang rosarito na binigay sa akin ni Marshall at patuloy na nananalangin. Si Marshall ang nagturo sa aking manalangin, siya ang nagturo sa akin na kilalanin at tumawag sa Diyos dahil didinggin nito ang ninanais ng busilak na puso.
"Trining!" Napalingon ako ng bumukas ang pintuan at niluwa ang kaibigan ko.
"Ano na ang balita?" tanong ko sabay lapit sa kaniya. Inaaral ko ang ekspresyon ng mukha niya at napagtanto kong puno ito ng pangamba.
YOU ARE READING
Corpse Mistress (A NOVELLA)
Paranormal"I know I am married, but I don't know who I married." Trinity Giuliani, an agnostic woman who doesn't know love, woke up with three husbands yet unknown to her existence. Doubts devoured her as she questioned who her husband really is. A doctor who...