NOL 4

32 1 2
                                    

"Inevitable"

. . .

"Wala na naman?"

Bumuntong hininga ako bago ilapag ang mga gamit sa lamesa. Nandoon pa rin ang lamesa at mga upuan na siguradong gamit nina Benj. Halos isang linggo na akong pabalik balik dito sa ilog pero palaging wala si Benj. Simula ng birthday niya, hindi naman siya nagpaalam na aalis.

O baka may trabaho na siya? O kaya lumuwas na sa Maynila? Sabi niya kasi andoon ang iba niyang kaibigan. Bakit kaya hindi 'man lang siya nagpaalam sa akin?

Hapon na nga akong pumunta dito kaso wala pa rin siya. Hindi na kaya siya babalik? Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako sa naiisip. Kung sabagay, matanda na kasi siya kaya siguro nabore na siya rito sa ilog. Nababasa ko kasi sa mga novel na ayaw ng mga lalaki sa bored na lugar.

Karaniwan kapag matatanda na mas gusto sa lugar na maingay, exciting at masaya. Sa mga bar! Ako kaya? Pagtanda ko papunta kaya ako sa mga ganoon? Kaso ayaw ko naman ng maingay. . .

Saglit pa akong tumulala sa ilog. Nang mainip na ako ay nagsimula akong magpainting sa maliit na sketchbook kong gamit. Kakabili ko lang ng mga gamit ko, halos isang linggo na akong nagpapainting pero lahat ng nagawa ko wala 'atang maganda.

Sabi kasi ni Benj tuturuan niya ako pero hindi naman siya nagpapakita rito sa ilog! Kapag nakita ko talaga siya hindi ko na siya papansinin! Nakakainis! Hindi 'man lang nagpaalam wala na tuloy akong kausap dito.

Ilang oras pa ang tinagal ko sa ilog. Naakit ako ng tubig na maligo kaso wala na talaga ako sa mood. Naiinis pa rin ako kay Benj. Inayos ko na lang ang mga gamit ko para umalis.

Nakatayo na ako at handa na sanang maglakad papunta sa gubat pero napatigil lang ng may tumawag sa pangalan ko.

"Mayzee!" nakangiti si Drake ng lumingon ako sa kaniya. Noong una para pa akong namalikmata. . . akala ko si Benj ang nakikita ko pero si Drake pala. Magkahawig kasi talaga sila.

"Hi," tipid ko bati. Nagsimula na naman akong hindi maging komportable lalo na ng makita kong pasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. Mabuti na lang naisuot ko na ang jogging pants ko.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako komportable kay Drake. Maayos naman siyang kausap. Siguro dahil kakaiba siya kung tumingin? Para kasing may kakaiba sa kaniya sa tuwing lumalapit siya sa akin.

"Pauwi ka na?"

"Ah oo. Hapon na kasi. . ." sagot ko at bahagyang hinigpitan ang pagkakahawak sa tote bag ko.

"Samahan mo muna ako, wala akong kasama rito e," sabi niya sabay hila sa braso ko paupo sa harap ng lamesa. Mabuti na lang binitawan niya kaagad ako ng makaupo na.

"Saglit lang ha? Hindi ako pwedeng magpagabi," sabi ko bago ilapag ang tote bag sa hita ko.

"Sige ba!" masayang sagot niya bago maglapag ng inumin sa harap namin. Ilang softdrinks, junkfoods at alak?

Nagbukas siya ng junkfoods at inilagay iyo'n sa harap ko. Nagsalin siya ng alak sa dalawang baso bago ilagay sa akin ang isa.

"Hindi naman ako umiinom," sabi ko at bahagyang tumawa.

"Tikman mo lang, hindi ka naman malalasing sa isang baso."

Tumawa siya bago tuluyang maupo sa harap ko. Pinanood ko siyang uminom sa baso niya. Gusto ko sanang uminom ng softdrinks na lang kaso nahihiya akong magpabukas sa kaniya.

"A-Asan si Benj?" tanong ko ng ilang baso na ang naubos niya. Lumingon siya sa akin bago tumawa at umiling.

"Nasa Maynila siya. . . Siguro sa girlfriend niya?" tumawa ulit siya.

No One Left (No One Series #I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon