Chapter 18

87 18 1
                                    

"Wasted"

. . .

"Ang hirap naman! Wala akong talent dito 'e," reklamo ni Abby habang nakatingin sa mga art materials na nasa harap niya.

Nagkalat sa sahig ang iba't ibang pintura, brushes, card board at mga stick glue. Kanina pa nakasimangot si Abby dahil wala naman daw siyang maitutulong samantalang kami ni Erika ay kanina pa natutuwa sa mga nakikita. We love arts!

"Over acting nito, mas mahirap pa nga programming d'yan!" natatawang sabi ni Erika. Natawa rin tuloy ako dahil todo simangot na talaga si Abby.

"E' sa hindi naman talaga ako marunong magdrawing, kayo na lang gumawa n'yan!" tila nagtatampong sabi ni Abby bago tumayo mula sa sahig.

"Ang daya, wala na nga si Sairah tapos ganyan ka pa," umiling-iling ako at kunyari ay disappointed sa kaniya.

Hapon na at malapit ng gumabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Sairah. Gusto ko na nga siyang puntahan kung nasaan man siya. Ang kaso. . . baka naman magalit siya kasi masyado kaming nanghihimasok 'di ba? Alam ko naman na okay lang siya kung nasaan man siya pero sana mag-update rin naman ng kaunti 'di ba?

Pagkatapos kasi ng program ay tinipon-tipon kami ng president namin at ni John para gumawa ng mga banners or tarpulin para bukas. Battle of the bands ang gaganapin bukas kaya bilang suporta kina Allian ang gagawin naming tarpulin ngayon.

"Oy gandahan natin ang gawa ha? Para stand-out ang banda na'tin," sabi ni Jay na sinisimulan ng kalikutin yo'ng mga pintura na gagamitin namin.

"Magluluto na lang ako ng meryenda natin," narinig kong sabi ni Angge. 

Na'ndito kami sa dorm niya. Medyo masikip kami rito sa loob pero okay lang. Nag-ambagan kami kanina para sa pagkain namin, baka kasi abutin kami ng gabi dito. Syempre mas malaki ambag ng boys dahil matatakaw sila.

"Tutulong ako kay Angge, pagkatapos namin tulong kami sa inyo. Simulan n'yo na yo'ng designs ha," paalala ni Jl bago sumunod doon sa mini kitchen.

"Something fishy talaga do'n sa dalawa," parinig ni Abby.

Pansin naman namin 'yon kaso ayaw umamin ni Jl, kaya bahala na sila! Buhay naman nila 'yan kaya hayaan na lang.

"Simulan na natin bilis!" sabi ni Erika at pinangunahan ang pagde-design sa tarpulins na gagawin. Ang akala ko kanina isa lang ang gagawin ang kaso dapat daw pala madami para astig. 

"Oy Marco! Dito ka," pag-aaya ni Jay kay Marco para maupo sa tabi niya na katapat ko naman. Minsan ko na lang siya mapansin dahil naiinis ako sa kalandian niya. Masyado silang PDA ni Louise ha! Kaya palagi akong naiwas ng tingin. Inosente pa naman ako tapos kung ano anong nakikita ko. Hays.

Pero minsan nahuhuli ko pa rin siyang nakatingin sa akin, dedma na lang ako. Kung ayaw talaga niya sa akin e 'di fine! Hindi pa naman ako umaamin sa kaniya kaya okay lang yo'n. 

Walang rejectan na mangyayari! Taguan lang siguro ng feelings meron. Hindi ko pa rin talaga masiguro sa sarili ko kung gusto ko ba siya o ano? Minsan nalilito ako sa nararamdaman ko. 

Komportable ako sa kaniya ng sobra. Hindi ko pa nararamdaman sa ibang lalaki yo'n. Kaya okay na ba na basihan iyo'n? 

"Brad, na'ndito ka pala," pang-aasar ni Ino kay Marco. Sobrang dalang na niya kasing sumama sa section namin. Gusto na 'ata niyang lumipat sa section nina Louise kasi palagi siyang na'ndon.

Nakita ko naman na umirap si Marco. "Kanina pa a," saglit na sumulyap 'to sa akin pero inirapan ko lang din siya.  "Sungit," narinig kong bulong niya pero hindi na ako tumingin. Nag-focus na lang ako sa ginagawa ko.

No One Left (No One Series #I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon