"Water"
. . .
"Oh My G, guys! May E-week pala! I'm so excited!" maingay na tili ni Sairah pagkatapos naming gawin ang plates na ipapasa na rin mamaya.
Madalas ay plates ang requirement at assignment namin sa programming. Kailangan pang gawing engineering lettering lahat ng pino-program na codes. Ang daming arte nung prof. namin! Pinapahirapan pa kami. Ang balita naman sa ibang section ay hindi naman siya nagpapagawa ng mga ganu'n!
Siguro ay paborito lang niya ang section namin!
"Hindi ko alam kung ano isusuot ko," si Abby.
"Ako din," tinatamad na pagsang-ayon ni Erika.
"Gusto n'yo humiram? Madami akong skirts sa dorm!" agad namang ngumiwi yung dalawa dahil sa sinabi ni Sairah.
Matagal pa naman ang E-week. Bakit ang excited nila?
"Allergy sa skirts yang dalawa 'di ba?" natatawang tanong ko kay Sairah. Mukhang nalimutan niya 'ata na special child 'tong dalawa.
"Aww, I forgot. Basta naka skirts tayong dalawa May' ha?" paniniguradong tanong nito sa akin.
"Okay, naka white na tops ako. Hindi ko gusto yung motif ng party."
Ipinasa ko na kay Abby ang plates ko para siya ang mag-pasa mamaya. Agad rin namang gumaya sila Sairah at Erika.
"Pag 'to nawala, yari kayo," tumawa si Abby pagkatapos niyang ilagay sa file case yung plates naming apat.
"Friendship over gaga!" pagbabanta naman ni Erika.
"Yah! Ang sakit kaya sa kamay ng stencil, tapos iwawala mo lang?" si Sairah.
"Ang arte!" natatawang inirapan ko sila.
"Sows! Ang arte kasi ng ex mo! Di naman kailangan sa programming ng gano'n!" pagpaparinig ni Erika sa akin.
"Duh! Anong connect? Kasalanan ko bang gago 'yon?" pakikipagtalo ko. Bakit parang ako ang sinisisi nila? Hindi ko naman hawal utak no'n.
"Sige lakasan n'yo pa. Para malaman ng lahat na mag-ex kayo ni Sir Canete!" mahinag pag-sasaway sa amin ni Abby.
"Daming tao siz. Sige sigaw pa kayo," napalingon naman ako sa paligid dahil sa sinabi ni Sairah. Oo nga maraming estudyante ang nakatingin na sa amin. Ngumuso na lang ako bago yumuko.
"Sorry naman," si Erika habang tumatawa pa. "Bakit kasi nagshota ng teacher," pagpaparinig niya.
"Wow! Hindi pa naman siya teacher nung naging kami noh!" pagsagot ko dito. Hindi naman naging kami ah?
"Ayan tuloy, may galit 'ata sa'yo tapos dinamay pa kami!" pang-aasar ni Sairah.
"Sows, Erika ikaw nga teacher shota mo 'di ba? Makapagsalita ka d'yan," pagtatanggol sakin ni Abby.
"Charot lang naman, pinipikon ko lang si May 'e," natatawang sabi nito kaya inirapan ko siya.
"Bad!" ngumuso pa ako.
"Meron na kayong date sa e-week?" biglang tanong ni Sairah.
Naglalakad kami papunta sa gymnasium. Kailangan kasing magpractice para sa yell competition sa e-week. Every program ay may kaniya kaniyang yell, ang balita namin ay every year itong ginaganap sa engineering.
"Wala, required ba?" tanong ko.
Nakaakbay sa akin si Abby, habang naglalakad kami. Magkahawak naman ang kamay namin ni Sairah, habang si Erika ay katabi lang ni Abby. Malawak ang nilalakaran namin ngayon kaya ayos lang na tabi-tabi kaming naglalakad.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...