"Trust"
. . .
[The number you have to dial is out of. . .]
Agad kong pinutol ang pagtawag kay Marco ng ilang beses na siyang hindi sumasagot.
Pagkatapos ng pasukan namin, nanatili pa kaming dalawa ni Sairah sa dorm niya hanggang June 19. Ayaw pa umuwi ng loka at ako naman ay naghihintay pa na matapos ang June 19, sixth monthsary namin ni Marco. Sa dorm na niya ako nanatili dahil umuwe na rin si Jaz sa kanila.
Nang sumapit naman ang sixth monthsary namin ni Marco, sa isang resort ulit kami nagpunta. Ang akala ko nga overnight kami ang kaso agad tumanggi si Marco. Ayaw daw niyang maulit yo'ng nangyari last month, puro kalokohan kasi ako 'nun. Mas mabuti na raw ang umiwas.
"May . . ."
Naalala ko pa kung paano niya ako halikan habang nasa gitna kami ng tubig. Nakahawak siya sa bewang ko para hindi ako lumubog. Tapos agad siyang humiwalay ng bumawi ako ng halik sa kaniya. Napakadaya!
"Tama na mang-aasar ka na naman 'e," tumatawang sabi niya pagkatapos ay pinisil niya ang pisngi ko.
Napangiti na lang ako ng maalala'yo'n.
[Hey, bat hindi ka sumasagot?] send ko kay Marco. Nagpaalam kasi siya kagabi na may pupuntahan silang party ng pamilya niya. Pagkatapos hindi na siya nagreply simula 'non. Ala-una na ng hapon!
Naiiling na tinago ko ang cellphone ko bago mag simulang magwalis sa bakuran namin. Hindi naman masyadong mainit dahil sa mga punong kahoy na tumatakip sa araw. Kanina pa ako inuutusan ni mama, ang kaso lang ay hindi ako mapakali dahil kay Marco. Ngayon lang kasi siya hindi kaagad na nagreply sa akin. Kinakabahan tuloy ako.
Malamig ang hangin dito kumpara sa dorm at University. Dito na ako lumaki at nagkaisip. Sobrang daming ilog din na pwedeng puntahan dito sa amin. Pinakang sikat dito ay ang Taytay falls na kung saan kahit mga taga Maynila ay dumadayo roon. Sobrang linaw at lamig nga lang ng tubig.
"Oy Ate, bilisan mo raw d'yan, tanghali na!" sigaw ni Marga, kapatid ko. "Kumain ka na raw, yari ka papalipas ka na naman," dagdag pa niya kaya inirapan ko na lang.
"Epal ka! Ikaw magtapos nito," pagsusungit ko at binitawan ang walis.
"Hala, ang daya mo!" rinig kong sigaw niya, dumiretso naman ako sa loob ng bahay namin.
May maliit na sala at isang kwarto dito sa bahay namin na kung saan ang kwarto nina mama. Pagkatapos ng sala ay diretso sa kusina at banyo. Ang kwato naman naming magkakapatid ay sa second floor tig-iisa kami roon nina Marga at Lyca. Maliit lang ang bahay namin, sakto lang para hindi kami magsiksikan.
"Maliligo daw sila sa ibaba, sama ka?" tanong sakin ni Mama, pagtutukoy sa ilog na malapit sa likod ng aming bahay.
Konting lakad at ahon lang kasi ay mayroong tagong ilog dito sa amin. Mahirap nga lang umahon pero sulit naman dahil masarap liguan ang malinaw at malamig na tubig doon.
"Ayaw ko, bukas na lang," sagot ko at nagpatuloy na sa pagsandok ng pagkain. Tapos na kasi silang kumain kanina pa, tinatamad at hindi pa ako tapos magwalis kaya ngayon lang ako.
"Sira! Dalaga ka na tapos hilig mong mag-isang pupunta do'n. Mamaya ma-rape ka d'yan," saglit akong natigilan sa sinabi ni Mama.
Kaya ko na ang sarili ko.
"Sows, takot lang nila," pagyayabang ko pa.
"Bahala ka d'yan, sinasabi ko sa'yong bata ka," sermon pa ni mama bago natahimik. Pumunta 'ata sa bakuran para tulungan si Marga sa walising hindi ko matapos-tapos.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...