"Trap"
...
"Good afternoon class," napatigil ako sa paghipan sa mga alikabok ng marinig ko yung pagsasalita nu'ng prof. namin. Hala?
Wait! Am I deaf? Did I hear that? Nag-i-imagine 'ata yo'ng tenga ko! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Pinaglalaruan 'ata ako ng tadhana. Kung mag-shift nalang kaya ako? Pwede! Kaso lagot naman ako kay Mama. Bullshit!
Kahit na alam ko naman ang totoo. . . na nandito nga siya ayaw ko pa ring maniwala! Bakit andito ya'n? Bakit nandito siya? Akala ko ba dadaan lang?
Hindi ko na nga siya inisip kanina kasi akala ko hindi ko na siya makikita.Noong kumakain kami kanina. . . pilit na pumapasok sa isip ko iyo'ng pagkikita namin, pero iniwasan kong isipin! Tapos ngayon nandito siya? Bilang proffessor namin?!
"Starting today, ako muna magtuturo sa inyo. Siguro naman nabalitaan n'yo na on-leave si Sir Tim."
Same voice. . .Pumikit ako at pinilit ang sarili na kumalma!
Hindi parin ako lumilingon dahil baka multo ang makita ko. Oh my god, he said he would be our professor in the meantime. I thought he was going through something? Why is he now a professor?
Trip niya ako kanina ah? Sinungaling talaga. Naiinis ako. Ayaw ko siyang makita ulit pero nandito na siya!
Madami silang business. Sa ibang bansa at probinsya, kaya bakit naman naisipan niyang maging teacher?! Wala naman iyo'n sa plano niya dati ah?
"So, I'll introduce myself first. I'm Lorenz Benjie Canete, a computer engineer, and part-time instructor. Twenty-five years old. Since it's my first day as your instructor, you can ask anything you want."
Okay, siya nga! Partime teacher. . . ibig sabihin suma-side line pa siya bilang teacher? Sobrang yaman naman niya kaya bakit suma-side line pa? Nalulugi na ba negosyo nila? Imposible naman mangyari iyo'n dahil wala namang nababalita sa bayan namin.
I kept on whispering to myself to calm down and don't panic. I don't know what to feel! I'm scared. He might notice that I'm still affected! Even though the truth is I am just nervous because of his presence. Who would not be nervous If he's around?
Bakit engineer na siya? Bakit pareho pa kami? Ang akala ko ba business ang tinapos niya noon? Nagsinungaling lang ba siya?
"Sir may asawa ka na?" tanong ng isa naming classmate.
"I am single and ready to mingle," natatawa pang sagot niya. Napaka-playboy talaga! Halatang halata sa sagot 'e. Noong una, hindi ko narealized 'yon. Syempre bata pa ako at walang alam. Pero nu'ng natuto na ako t'saka ko lang naisip na napaka-play boy nga niya!
Umirap ako sa keyboard. Gusto kong magtaas ng tingin ay irapan siya ng bongga! Ang kaso siya na ang prof. namin 'di ba? Baka ibagsak niya ako kapag nagsungit ako!
"Taga saan ka, Sir?" tanong ni Angge. Gusto ko sanang lumingon sa banda niya para tignan kung may crush ba siya sa bagong prof. namin. Ang kaso siguradong mapapansin iyo'n ng iba. Sporty naman siya 'di ba? Feel ko hindi niya trip ang lalaki na katulad nito!
"I have an apartment in Calamba. We have a house in Majayjay and some business. But technically, I live now in my apartment," he answered.
Talang binanggit pa yung tungkol sa bayan namin. Pwede naman na h'wag na diba? Issue na naman 'yan panigurado!
"Doon yu'ng sa inyo May' hindi ba? Baka magkakilala kayo?" sabay tingin sa akin nu'ng President namin na nagtanong. Ang daldal talaga nitong si Jl. Buti na lang hindi siya part ng barkada! Napakatsismoso! Tama talaga hinala ko noong first day na hindi siya lalaki!
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...