"Escape "
...
Kinabukasan masakit ang ulo ko ng magising. Mabuti na lang hindi naman sobra, kaya ko pa ring bumangon. Naiinis na tinanggal ko ang pagkakadantay ng paa ni Sairah sa akin. Kaya pala pakiramdam ko hindi ako makahinga!
Tulog pa silang lahat. Ako ang huling nakatulog kagabi pero ako rin itong unang nagising ngayon. Katabi ni Sairah si Abby at Erika mabuti na lang malaki itong kama ni Sairah kaya hindi ako nahulog.
Angge was still lying and sleeping on the couch here inside the Sairah's room. Sina Dany, Janine, Aya at Gely ay naroon sa lapag, may makapal na cushion naman na nakalapag do'n.
"Hays. . ."
Tinatamad na dumiretso ako sa cr para maligo. I have a few clothes here in Sairah's apartment. We are often here, so the others also have their stock of clothes in the closet.
I looked up to face the shower. I ignored the coldness of water because of my headache. I knew that would help me get rid of my head's pain. And also for me to feel comfortable and fresh.
Habang naliligo, mabilis na pumasok sa isip ko iyo'ng mga nangyari kahapon. Yu'ng pagkikita namin ni Benj. Tapos biglang siya pala yo'ng bagong prof. namin. Iyo'ng nangyari sa office niya. Iyo'ng paghila sa akin ni Marco paalis do'n. Ang pag-iyak ko. Ang pag-iinom namin. At ang biglaang pag-bilis ng tibok ng puso ko.
I closed my eyes and felt the cold water from the shower. I cleared my mind and just took a deep breath. It shouldn't be. Why did I even think of that kind of thing last night? Hindi ko dapat isipin ang mga ganoong bagay.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Todo toothbrush din ako para mawala ang lasa ng alak sa bibig ko. Ayaw kong magtagal sa paliligo dahil sa mga naiisip ko. Baka mamaya mas lalo lang lumala. Kung ano ano pa naman ang nagagawa ko kapag hindi maayos ang isip ko.
Pero kung gusto ko naman talaga. . .May bago 'ata akong crush? Pwede ba 'yon?
"Oy! Gumising na kayo!"
Bahagya kong inuga iyo'ng tatlong nasa kama. Masarap pa rin ng tulog nila at arang walang balak na pumasok mamaya ah? Walang pasok ngayong umaga, pero mamayang hapon meron na.
They did not wake up, so I walked slowly towards the living room. It was already clean, and there's no clue on what happened yesterday. I went straight to the kitchen. I saw Allian there. He looks so busy cooking, and it seems that he doesn't notice me. I walk near him to get a glass of water.
"Good morning," siya pa ang naunang bumati sa akin. Hindi ko sure kung napansin na ba niya ako kanina o ngayon lang.
Inubos ko muna ang tubig bago siya bawian. "Morning. . ." Nagsalin pa uli ako ng tubig sa baso at tsaka iyo'n inubos.
"Hindi pa sila gising?" tanong niya. Tumango ako bago umupo sa tapat ng lamesa para panoorin siyang magluto.
"Tulog na tulog pa."
Ano kayang niluluto niya? Mukhang masarap dahil ang bango kasi. Marunong pala siyang magluto? Ngayon ko lang siya nakitang nagluto. Madalas naman kasi hindi siya tumutulong kapag nagfo-food trip dito.
"Umalis na sina Marco. Kami na lang ni Ino ang na'ndito. Hindi na sila nagpaalam kasi baka magalit kayo kapag ginising. At t'saka babyahe pa sila pauwe," pag-papaliwanag niya kahit na hindi naman ako nagtanong.
Mabuti naman at wala na sila. Hindi naman sa ayaw ko silang na'ndito. Parang ayaw ko lang munang makita si Marco ngayong umaga.
"Anong oras ang klase natin?" pagtatanong ko dahil hindi ko pa rin kabisado ang schedule namin.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomantizmNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...