Chapter 24

89 17 1
                                    

"Our Days"

. . .

January 19, that's our first monthsary of love. Maybe I'm really starting to love you. 

"Shit!" pagmumura ko ng bigla na lang sumabog ang malakas na sigawan n'yo ng mga classmates natin.

"Happy monthsary!" malakas na sigaw n'yo samantalang ako ay nakatayo lang sa tapat ng pinto ng dorm ni Sairah, ni hindi ko nga maihakbang papasok ang aking mga paa.

Too ba 'to? Tanong ko pa sa aking sarili dahil hindi ako makapaniwala. Umabot na pala tayo ng isang buwan ng hindi ko namamalayan. Parang kailan lang nagtataguan pa tayong dalawa ng feelings. Kung sino-sino pa ang lalaki ko, samantalang ikaw naman ay hindi 'man lang marunong manligaw.

Ang bilis bilis ng panahon. Okay tayo. Masaya tayo. Kaya siguro hindi ko masyadong pinapansin ang mga tao sa paligid nating dalawa. Dahil pareho naman tayong kontento. 

"Love?" 

Nag-aalalang lumapit ka sa akin ng makita mong nangingilid ang luha ko. Hindi ko mapigilang hindi maiyak kasi naman! Umabot na tayo ng isang buwan, feel ko yo'n na ang pinaka-malaking achievement ko sa buhay.

Sino ba naman kasi mag-aakala na magkakaboyfriend ako ngayong college? Ayaw ko sa commitment pero dahil sa'yo nagawa ko. Sinubukan ko. 

Ang ganda ng pa-surprise mo. Kinuntsaba mo pa talaga ang mga classmate natin. Nababaduy-an ako sa ganito dati pero masaya pala! Kaya pala hindi mo ako sinamahang pumunta ng sunstar, may pa ganyan ka pala!

"Bwiset ka!" sabay palo ko sa dibdib mo pero natatawang niyakap mo naman ako.

Pakiramdam ko totoo ka. Pakiramdam ko totoo ang lahat. 

"Hie!" malakas na pang-aasar pa sa atin ng mga classmates at barkada na rin. Hindi ko alam na makakaranas rin pala ako ng monthsary. Hindi ko inasahan. Mabilis talagang magbago ang isip ko. 

"Tears of joy?" pang-aasar ni Sairah bago ako inagaw sa'yo para yakapin din. "Happy motmot!" Masayang bati niya sa akin habang yakap ako. Ngumiti ako. Masaya ako na nagkaroon ako ng mga kaibigan. Akala ko noon sapat na sina Valerie pero ng dumating sila. . . kayo ay mas lalo pa akong naging masaya. 

Totoo pala na masaya nga kapag may kaibigan ka.

"Ah! Happy monthsary, May!" nakisali rin si Abby sa yakap namin. Naiipit ako dahil malaki silang dalawa at sobrang yakap ng higpit nila pero tinawa ko na lang. 

"Happy Love's day!" nakakalokong bati sa akin ni Erika bago yumakap din.

"Ang epal n'yo! Hindi 'man lang hinayaang magmoment yu'ng dalawa," reklamo ni Ino bago yumakap din sa amin.

"Ang arte n'yo! Happy motmot!" si Jay bago lumapit sa amin. 

Habang magkakayakap kami ay sa'yo lang ako nakatingin. Ngumiti ka naman na parang sobrang saya mo. Mas lalo tuloy akong kinilig. Hindi talaga ako makapaniwala na natagalan mo ng isang buwan ang kasungitan ko!

"Tamang happy-happy muna ngayon bago ma-stress mga next week," sabi ni Abby ng kumalag na kami sa yakap. Sinundot niya pa ang tagiliran ko pagkatapos.

"Hays, pasukan na naman. More stress to come!" sigaw pa ni Erika.

"Oy kain na tayo gutom na ako!" napabaling kami kay Allian na nasa kusina. Mukhang gutom na ang gago dahil may hawak na siyang pinggan. "Happy motmot! Ang tagal mong dumating kanina pa ako gutom!" 

Hindi ko alam kung bumabati ba siya o nang-aasar na naman. Gusto ko pa sana siyang asarin pero nawala sa kaniya ang atensyon ko ng bigla kang lumapit sa akin. 

No One Left (No One Series #I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon