Chapter 16

98 19 2
                                    

"Code"

. . .

"Ang dami," mahinang reklamo ko habang nakatitig sa mga files na si-nend sa groupchat ng sections namin. I feel like my head is going to explode because of the papers and subjects we have to review.

"Daming files . . . " hindi rin naiwasang magreklamo ni Sairah.

Nagkalat ang mga reviewers namin dito sa sahig ng apartment niya. Malapit na ang finals namin para sa first sem kaya todo aral kami ngayon. Nakakapagod na dagdag pa ang practice namin tuwing friday. Pagkatapos kasi ng finals ay gaganapin na ang e-week. Halos sabay-sabay tuloy ang mga iniisip namin ngayon.

"Tapos na reviewer mo?" tanong niya.

"Medyo," seryosong sagot ko habang tutok pa rin ang mata sa mga papel na nagkalat.

Pakiramdamdam ko kahit na mag-sunog kami ng kilay ngayon sa kaka-review ay hindi pa rin sapat iyo'n. Ang hirap hirap ng mga major subjects!

"Pakopya ako pag natapos ka na ha?" tumango lang ako habang inaayos pa rin yu'ng mga reviwer ko sa sahig. "Ang bilis ng oras," buntong hininga niya.

Saglit akong nagtaas ng tingin sa kaniya. Mukha siyang problemado. Hindi ko alam pero pakiramdam ko bukod sa reviewer namin ay may iba pa siyang iniisip.

"May problema ka ba?" mahinang tanong ko sa kaniya hindi na nakatiis. 

Napapansin ko na kasi na palagi siyang maraming iniisip nitong mga nagdaang araw. Madalas din na tulala siya at wala sa sarili.

"Hays. . ." buntong hininga niya ulit. Mukhang may problema nga siya.

Sandaling hinawi ko ang mga nagkalat na papel bago humarap sa kaniya. Pareho kaming nakasalampak dito sa sahig. Nasa center table naman yu'ng mga junkfoods na binili namin kanina bago magsimulang mag-review.

"Ano?" mahinang tanong ko.

"Naprepressure kasi ako," panimula niya habang tulalang nakatingin sa bintana dito sa sala. "Hindi ko alam kung kaya ko bang tapusin 'to, first sem pa nga lang 'di ba? Tapos hirap na hirap na tayo," pagrereklamo niya pagkatapos ay pumatak ang isang butil ng luha mula sa mata niya.

Hindi ko masisisi kung ganu'n ang naiisip niya. Kahit ako ay sobrang pressured din ang nararamdaman. Ang daming mawawala sa akin kapag hindi ko kinaya, may inaalagaan akong scholarship na sobrang sayang kapag nawala. At kapag nawala yo'n ay hindi ko alam kung makakapag-aral pa ba ako.

"Ayaw kong magaya kay Ate na galit sina Mom at Dad." 

Naikwento niya sa akin dati na nagkaproblema ang ate niya kaya galit na galit ang mga magulang niya at siya na ngayong ang paboritong anak. Kung dati hindi siya gaanong napapansin dahil tutok ang mga ito sa ate niya, ngayon ay nabaligtad na. 

"Gusto kong magshift na lang para easy lang ako, bakit ba nag-engineering tayo?" napatawa ako sa tanong niya. Bakit nga ba nag-engineering kami?

"Okay lang ya'n, papasa tayo. Tiwala lang," yo'n lang ang sinabi ko sinusubukang mapagaan ang loob niya.

Hindi talaga ako sure kung papasa ba kami. Sa tagal kong nag-aaral ngayon lang 'ata ako hindi naging sigurado kung papasa ba ako o hindi. Napakahirap talaga, sobra! 

Minsan nga napapatulala na lang ako ng mag-isa. Sobrang tagal na pala akong kinakausap ni Jaz tapos hindi ko siya pinapansin. Tapos kapag mag-isa ako sa dorm naiisip kong magbigti na lang! Ang kaso, ayoko pala. Magulo! Gusto mo ng magpahinga ang kaso ang dami mo pang rensposibilidad.

"Calculus shits!" malakas na mura ko habang nagsasagot ng reviewer. Magkakasama ang tropa ngayon dito sa isang shed sa school. Hindi kami makasingit sa library dahil exam week ngayon at sobrang daming estudyante na do'n naisipang mag-aral.

No One Left (No One Series #I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon