"Judge"
. . .
Agad kong hinila sina Ate Vicky sa kabilang side para do'n sumayaw. Mabuti at hindi naman sila nagreklamo. Medyo nawalan ako ng ganang sumayaw dahil panay ang lingon ko sa paligid.
Mukhang napansin ng mga kasama ko kaya agad nila akong hinawakan sa kamay para isabay sa pagtalon. Kalaunan ay pilit kong nilimot ang nakita para makasabay sa kanila. Nakailang hila pa ako sa kanila kapag nakikita ko si Benj. Bakit ba siya sumusunod?
"Woah!" sigaw ni Ate Lana na agad namang sinundan ng mga tao sa dance floor.
"Yeah! Woah!" pati ako ay nakisigaw na rin.
Panay ang indak ko sa music. Pumikit pa ako para mawala lahat ng stress ko sa buhay. Sa mga ganitong oras ko narerelax ang sarili. Kahit basa na ng pawis ay tuloy pa rin ako sa pagsayaw.
Unti-unting humina ang music tanda na magpapalit ito ng genre. Mula sa party music ay biglang naging love song ang tumutugtog. Unti-unti ring nalagas ang mga tao sa dance floor.
Paalis na rin sana kami ng biglang may humila sa kanila para isayaw. Kahit sa akin ay may biglang humila rin. Hindi gano'n kadami ang umalis sa dance floor kaya puno pa rin iyo'n. Uso pala hilahan dito?
Agad kong inilagay ang mga kamay ko palibot sa leeg ng kasayaw ko. Katakang hindi naman ako. . . natatakot. Hindi tanaw ang mukha niya dahil nasa likod niya ang ilaw at nasisilaw ang mga mata ko. Nakapalibot ang mga kamay niya sa bewang ko at tama lang ang higpit doon, magaan. Hindi nagtagal napansin ko na medyo pamilyar ang amoy niya, pati ang presensya.
"Ang bango. . ." wala sa sariling nasambit ko iyo'n.
Mukhang lasing na nga ako. Nakita ko ang pamilyar na ngisi ng kasayaw ko. Wala rin sa sariling naihilig ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Napapikit pa ang mga mata ko dahil sa sobrang komportable. Siguro dala na rin ng alak kaya gano'n. Humigpit din ang kapit niya sa bewang ko, masarap sa pakiramdam ang init ng kaniyang katawan. Parang mas gusto ko pang isiksik ang sarili ko sa kaniya.
Marahan ang aming galaw kasabay ng music. Ganoon din ang ibang narito sa dance floor. Nawala ang sigawan at ingay kanina. Tanging musika lang ang maririnig ngayon.
Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Pati ang malalim na paghinga ng kasayaw ko ay ramdam ko rin.
"You're now a party girl ha?" agad akong napatigil ng marinig ko ang boses niya.
Mapang-asar iyo'n ngunit seryoso. Padaus-os na bumaba ang mga kamay ko at dahan-dahang lumayo sa kaniya. At dahil magaan lang ang pagkakahawak niya sa akin ay agad akong nakawala sa pagkakayapos ng kamay niya sa bewang ko.
Huminga ako ng malalim para kalamahin ang sarili. Katulad ng dati naming pagkikita ay ganu'n pa rin ang epekto niya.
"So?" kunyari ang matapang na sabi ko. "Anong akala mo? Kagaya pa rin ako ng dati? Hindi na!" wala sa sariling bigkas ko. Agad akong tumalikod sa kaniya para umalis na.
Mabilis ang paglalakad ko. Mabuti na lang at nakita ko agad ang table namin kanina. Madali kong nakuha ang bag ko doon. Mabuti na lang din at walang tao sa table namin hindi ko na inabala sina Lester at Ate Vicky para magpaalam dahil dire-diretso ang aking paglalakad palabas. Nag-iinit na naman ang mga mata ko, naiinis rin dahil sa pagyakap ko sa kaniya!
"Sheks! Eleven na pala," napamura ako ng makita ang oras sa cellphone ko.
Alam ko namang namang nandoon pa rin sina Sairah sa dorm niya. Ang kaso ay baka magalit na sila dahil gabi na! Sunod -sunod ang text na natanggap ko mula sa mga classmate ko. Hindi na ako nag abala na mag-reply dahil nagsimula na akong maghanap ng masasakyan. Madilim na sa kalye at mangilan-ngilan na lang ang dumadaang sasakyan.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...