NOL 5

27 2 2
                                    

"Her birthday"

. . .

Excited akong umuwi ng hapon na 'yon. Kakaiba ang araw na ito kasi kahit na maingay pa sa classroom namin ay hindi ako naiinis. Masaya ako kasi binati nila akong lahat. Dati naman wala akong pakialam sa araw na 'to pero ngayon excited ako ng sobra.

"Happy birthday, Mayzee!" ngumiti ako sa kaklase ko ng makasalubong ko siya bago lumabas ng school. Ano kayang gagawin namin ni Benj? Hindi ko siya maayos na nakausap nang huling beses kaming nagkita kasi parang wala siya sa sarili at balisa. Basta nangako lang siya sa akin.

Mabilis akong sumakay sa dumaang trycicle. Tumakbo kaagad ako ng makapagbayad ng makarating sa kanto namin. Nagbihis ako ng isang putting dress bago tumakbo papunta sa gubat. Kahit na medyo madamo sa gubat ay hindi ko na iyo'n pinansin. Minsan lang naman akong magsuot ng ganito kaya ayos lang. 

Halos hindi nga ako napansin ng mga tao sa bahay dahil abala sila sa kung ano ng umalis ako. Sobrang saya ko. Excited ako kasi magkikita kami ni Benj. Inayos ko pa ang mahaba kong buhok kahit na madalas wala naman akong pakialam kapag nagkikita kami ni Benj kung ano ba ang itsura ko. 

Nangako siya sa akin, naghintay ako pero walang dumating na Benj. Halos lamukin na ako sa paghihintay. Hindi ba siya dadating? Pero nangako siya sa akin, sabi niya magkikita kami. Sabi niya hintayin ko siya. Sabi niya darating siya. . .

Pero sana umuwi na lang ako ng hapon na 'yon. Sana nagtagal na lang ako sa school kaysa magmadali sa pag-uwi. Sana hindi ako naging sabik na makita si Benj ng araw na 'yon. Sana hindi na lang ako pumunta sa ilog. Sana hindi ko na lang siya nakilala. . .

"Hindi ka pa uuwi?" nabalik ako sa sarili ng makitang nakatayo na si Valerie habang hawak ang libro niya. "Hapon na ah? 'Di ka excited umuwi?" pagbibiro niya pa pero mas lalo lang akong natulala.

Ayaw kong umuwi. . .Hindi ako excited umuwi. 

"Ilang lingo ka ng ganyan ah? May problema ka sa bahay? Wala ka namang love life 'di ba?" pangungulit pa niya.

May meeting ulit ang teacher kanina kaya tumambay ako dito sa gilid ng classroom. Napansin ko na sumunod si Valerie pero hindi ko siya pinansin. Magbabasa sana ako ng libro pero namalayan ko na lang na tulala lang ako sa kawalan.

"Uuwi na ako. . ." paalam niya ng mapansin na hindi naman ako nagsasalita. Natulala lang ulit ako sa kawalan. Kakaunti na ang tao sa school ng magpasya akong umuwi. Tamlay na tamlay ako.

"Neng sakay ka na," napatalon ako ng tumigil ang trycicle sa tabi ko. "Padaan kami sa kanto n'yo sayang kung isa lang sakay ko," sabi pa ng driver.

Pasakay na sana ako pero mabilis na napatigil ng makitang may nakasakay na sa loob na isang lalaki. Napaatras kaagad ako at lumayo sa trycicle. Nagsimula akong maglakad habang pinipigilan ang panginginig ng kamay ko.

Wala lang 'yon, Mayzee. . .Ayos lang. Wala siya dito. . .Hindi ko alam kung anong oras ako nakauwi ng bahay. Basta dumiretso lang ako sa kwarto at nagbihis, wala akong ganang kumain kaya natulog na lang ako. 

Madilim na ang paligid, nakahiga na sa tabi ko ang dalawang kapatid ko. Pawisan ako at hinihingal. Mabilis kong tinakpan ang bibig para pigilan ang paghikbi. 

Isa.

Dalawa. 

Tatlo. Sobra ang pagpipigil ko na makagawa ng paghikbi. Siguradong kapag narinig ako nina Mama o kahit ng mga kapatid ko ay magtataka sila. Baka hindi ko mapigilan. . . baka masabi ko ang nangyari. 

Nakakahiya. . .Hindi p'wede!

Kinabukasan tulala na naman akong pumasok sa school. May program kaya medyo busy ang mga estudyante. Mabuti na lang. . . medyo maingay dahil sa musics pero parang nagustuhan ko pa iyo'n. 

No One Left (No One Series #I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon