"Jealous"
. . .Hindi maayos ang naging tulog ko kaya naman kinabukasan halos sabay ang puyat at sakit ng katawan ko. Napagod sa pagtakbo kahapon. Natuyuan din ako ng damit dahil panay ang pag-buhos sa amin kahapon.
Ang sakit sakit ng katawan ko! Kung pwede lang na h'wag ng pumasok. Ang kaso ngayon gaganapin ang mga ball games. Malalagot ako kina Sairah kapag hindi ako umattend. Pinagkwekwentuhan pa naman namin ang tungkol doon kahapon. Excited sila dahil mukhang masaya daw.
"May!"
Ala-syete pa lang ay narinig ko ng nagtatawag sina Sairah sa labas ng dorm. Kahit na masakit ang katawa ko ay nagmamadali tuloy ako pababa. Kakatapos ko lang maligo at hindi pa tapos magsuklay.
"Aga n'yo," reklamo ko sa kanilang tatlo bago sila papasukin. Dumiretso kami sa sala at doon sila ay naupo.
"May call time daw. Bawal malate," sabi ni Sairah. Pinasadahan ko siya saglit ng tingin. Nakasuot na siya ng jersey namin. Kulay green iyo'n at medyo maikli ang short. Sa harap ay nakalagay ang major namin at sa likod naman ay ang apelyido at number.
Iyo'ng dalawa naman nina Abby at Erika ay ganu'n din ang suot. Mas mahaba nga lang ng kaunti ang short nila kumpara kay Sairah.
"Ge, wait lang mag-aayos lang ako," sabay pasok ko sa kwarto namin ni Jaz.
I immediately put on our jersey. Sakto lang ang haba ng short para hindi ako masilipan. I also put a bottled water, tissue, towel and extra shirt in my bag incase lang na kailangan ko o ng barkada.
"May', magdala ka daw extrang shirt para kay Aya. Naiwan daw sa bahay niya yo'ng shirt niya 'e," paalala ni Abby. So I put another tee-shirt in my bag. Saglit akong sumulyap sa salamin. Nang makuntento na sa itsura ay inaya ko na silang umalis.
"Tara na."
"Yaman, sexy!" hirit ni Sairah.
"Witwew, legs!" pinasadahan pa ng tingin ni Abby yo'ng legs ko.
Mga siraulo talaga!
Naiiling na nilampasan ko sila. Naramdaman ko na kaagad naman silang sumunod sa akin palabas ng dorm. Nagtatawanan lang silang tatlo sa likod ko habang nagkwekwentuhan. Wala ako sa mood pero dahil sa ingay nila ay hindi maiwasan na mapatingin ang ibang estudyanteng nasa tabing kalsada na nadadaanan namin.
"Huy ang ingay n'yo!" sita ko sa kanila pero tumawa lang silang tatlo.
"KJ mo naman siz! Tara na na'ndoon na sila sa gymnasium."
Hinila nila akong tatlo papasok ng University. Tiningnan pa ng guard yo'ng mga I.d namin kung engineering talaga. Pagkatapos ay pinayagan na kaming pumasok.
Panay ang sulyap sa amin ng ibang college na nadadaanan namin papunta sa gymnasium. May nakita rin kaming mga EE na naka-jersey na din. Ang tatangkad nila.
"May! Goodluck," lumapit pa sa amin sina Marie kasama yo'ng ka-EE niya. Nakajersey din sila at makakalaban namin mamaya.
"Goodluck din," sabay ngiti ko. Sana talaga hindi ako ipasok mamaya.
"Uy friendly game ha! Walang sikuhan," sabi nung kasama ni Marie na si Gail.
"Oo naman," si Abby ang sumagot.
Ang akal ko nu'ng una mabait talaga sila. Pero ng magsimula ang game namin ay halos magreklamo si Abby at Erika sa dami ng siko na natanggap nila mula sa grupo nina Marie. Halatang sinasadya nilang manakit. Mabuti na lang talaga at hindi pa ako pinapasok. Si Sairah ay gigil din na nakatayo sa katabi ko.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomansaNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...