"Back". . .
"Groupie!"
Kaagad kaming lumapit kay Abby ng marinig ang sigaw niya. Halos magsiksikan pa para lang magkasya ang mga mukha sa cellphone niya.
"Isa pa, kasi wala si Sairah!" sigaw ulit ni Abby kaya naman natatawang bumalik kami sa dating pwesto para makakuha ng mga magandang pictures.
Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi pa nagsisismula ang funrun namin. Nagmadali pa naman kami pumunta dito tapos hindi naman pala kaagad magsisimula! Mag pa-flag ceremony pa 'ata bago tumakbo.
Halos mapuno itong malawak na lugar ng mga engineering students. Sobrang dami pala talagang pogi sa engineering! Kanina ko pa napapansin, ang kaso ay masyado namang busy kaya wala ring oras ang mga iya'n para lumandi. Lalo na mga graduating.
Kanina pa kami walang ibang ginagawa kung hindi ang kumuha ng mga pictures. Kanina pa rin namin napapansin si Abby na kanina pa sumusulyap do'n sa crush niya na taga section B. Hindi naman kami makakuha ng tyempo para magka-picture silang dalawa nu'ng crush niya. Baliw kasi! May jowa na tapos may crush pa! Pwede ba 'yon?
"May' picture tayo," kaagad akong napalingon ng bigla akong akbayan ni Dave. Kaagad naman napuno ng katyawan ang paligid dahil sa mga classmates namin. Friends lang naman kami.
"Ge," ngumiti ako sa kaniya bago humarap sa barkada niya na may dalang camera. Ipinulupot ko ang aking kamay sa kaniyang bewang. Samantalang ang kamay niya ay nanatiling nakaakbay sa akin. Ngumiti kaming pareho sa camera kahit na panay pa rin ang pang-aasar sa aming paligid.
"Hiee. . ." irit nina Abby at Erika na panay rin ang kuha sa amin ng picture. Siguradong sa group-chat ang diretso ng mga pictures na iyo'n. Tapos aasarin nila ako kapag trip na nila.
"Thanks," ngumiti si Dave bago bumalik sa kanilang pwesto. Natatawang lumapit naman ako sa dalawa nina Abby at Erika. Nasa tabi lang din nila sina Ino, Jay at John.
"Sweets!" pang-aasar ni Abby ng makalapit ako.
"Nasa'n na crush mo? Pa-picture kayo bilis!" pagtutulak ko kay Abby.
"Asan ba? Di ko makita 'e."
Luminga-linga si Erika para mahanap yo'ng crush ni Abby. Ginaya ko rin siya pero si Allian ang nahagip ng mga mata ko. Nakasimangot siya habang nakatingin sa amin, hindi ko na lang pinansin dahil busy ako.
"Huy! Gaga baka mahalata kayo!" pagsaway ni Abby sa bulgarang paglingon namin sa crush niya.
"Aya'n na bilis, wag kang matakot," sabay hila ni Erika kay Abby palapit do'n sa crush nitong kasama yo'ng mga barkada niya rin 'ata na section B. Natatawang sumunod ako sa kanila. Ang kapal lang talaga ng mukha ni Erika, pagdating sa mga ganito.
"Kuya pwede papicture? Isa lang?" matapang na tanong ni Erika. Hiyang hiya na si Abby pero mukhang baliwala lang iyo'n kay Erika.
Matangos ang ilong at moreno ang kulay no'ng lalaki. May dating din pero medyo masungit nga lang ang mukha.
"Sure," mabilis naman na siniksik ni Erika si Abby palapit do'n sa crush niya. Hiyang-hiya tuloy Si Abby kaya mas lalo lang akong natawa habang nanonood sa kanila. Parang tanga!
"Ba't nanunulak?" inis na tanong ni Abby kay Erika pero ngumiti lang si Erika.
"Bilis na arte nito." Sabay tutok ng dala niyang camera kina Abby. Parehas silang ngumiti sa camera, at halos ayaw magdikit. Parang tanga! Biglang naging mahiyain si Abby! Ganito rin ba ako kapag may ibang lalaki? Parang hindi naman! Si Sairah din kapag kaharap iyo'ng crush niya makapal din ang mukha niya. Si Erika naman hindi ko alam kung may nagugustuhan ba siyang lalaki.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...