"Mistake"
...
"Saglit lang magbibihis lang ako," pagpapaalam ko kay John bago pumasok sa kwarto namin ni Jaz dito sa loob ng dorm.
We have been like this for two days. After class, we were hang out with our friends for a while. Pagkatapos ay ihahatid niya ako dito sa dorm. Dito siya tatambay hanggang sa maisipan niya ng umuwi.
I know that we were just flirting. And I hope that he knows that's too. Nagbiruan lang naman kami sa groupchat ng TF. Tapos kinabukasan nagulat na lang ako na nag-aabang siya sa labas ng dorm namin.
Hindi ko akalaing seseryosohin niya ang trip nina Sairah at Abby! Wala tuloy akong magawa kung hindi ang sumakay na lang sa mga trip niya. Minsan naiisip ko na okay din naman itong set-up namin. . . atleast makatutulong 'to para maiwasan ko si Marco.
Ayaw ko siyang gamitin kasi alam ko na hindi naman dapat. Hindi niya deserve na magamit. Ito naman kasing si John alam kong sanay din siya sa mga ganito.
Pansin ko na hindi na masyadong sumasama sa amin si Marco nitong mga nakaraang araw. It's been two weeks since I started to ignore him. I do'n't know but that's the only way I think that can make me get rid of the weird feelings I have for him.
I tried to forget everything that can remind him. Sa classroom ay lumilipat din ako ng upuan kapag may pagkakataon. Napansin ko rin nitong nakaraang araw ay kusa na siyang umiiwas sa akin. Medyo gumugulo tuloy ang utak ko dahil do'n.
Dagdag pa na naging mailap sa akin ang barkada niya. Pati sina Ino at Jay ay medyo ganoon na rin. Noong unang araw ay literal na kumokontra sa amin si Ino kapag magkalapit kami ni John sa University. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya kay John dahil sa mga akto nila Ino. Mabuti na lang at pinagsasabihan sila nina Sairah at Abby kaya medyo nabawasan naman 'yon.
"Nood tayong movie."
Ipinatong ko ang laptop sa center table rito sa sala ng dorm namin. Isang black short at t-shirt ang suot ko ng lumapit ako kay John. Naka tsinelas na lang din ako. Siya naman ay nakahubad ang polo kaya naka-white na t-shirt na lang ngayon.
Hindi maitatanggi na malakas talaga ang dating niya. Kahit sa simpleng suot ay humahanga ako sa kaniyang itsura. Balita ko kinuka siyang scort ng engineering ang kaso hindi niya 'ata trip kaya naging representative na lang siya.
"Sige, pagkatapos ay mag-review tayo." Umisod siya palapit sa akin ng maupo ako sa kaniyang tabi.
Walang tao dito sa dorm maliban sa aming dalawa. Ala-una palang ng tanghali dahil halfday lang ang schedule namin ngayong araw. Sina Jaz baka mamaya pang hapon makauwi.
"Ito na lang action, napanood mo na ba?" bumaling ako sa kaniya mula sa pagkakalikot ko sa laptop.
Inilagay niya ang isang kamay sa baywang ko at bahagyang pumisil doon. "Hindi pa," iplinay ko na agad yung movie pagkasabi niya noon.
Umayos din ako ng upo at bahagyang sumandal sa upuan. Nanatili naman sa baywang ko ang kamay niya kaya medyo nadadaganan iyo'n sa aking likod.
"Galit 'ata si Marco, napapansin mo?" hindi ko inaasahan ang biglang tanong ni John ng nasa kalagitnaan na kami ng movie.
"Ha? Hindi a. Hindi ko pansin," sinungaling na sagot ko.
Syempre ramdam na ramdam at pansin ko 'yon. Kahit na sino naman sa aming magkaka-klase ay ramdam din iyo'n.
"Sina Ino, hindi 'ata boto sa akin," dagdag niya pa. So what? I'm not serious with you, anyway.
"Hayaan mo sila," 'yun lang ang sinagot ko sa kaniya. Ayaw kong itanggi dahil halata rin naman iyo'n.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...